=CHAPTER 6 : OH NO =

855 20 5
                                    

=CHAPTER 6 : OH NO = 

------------------------------>CHARLIE's POV<--------------------------------

Binuksan ko yung ilaw..

*click*

Biglang napatigil siya sa pagkain...

ako: waaaaaaaaaaaaah!~

siya: waaaaaaaaaaaaah!~

Magnanakaw! Magnanakaw ng pakain!

Kinusot ko yung mata ko kasi hindi ko maaninag kung sino dahil kagigising ko lang. Teka, MVP?

ako: A-Anthony?.. 

Bigla namang may bumaba ng hagdan. Para kasing apartment type yung dorm namin, sabi nga sa inyo malaki siya eh.

Vin: ah?! anong nangyare? Ayy, Seth? Akala ko na kung sino.

....Teka? Hindi nagulat si Vin na nandito si Anthony? Wag mong sabihing..

Ako: Anthony, anong ginagawa mo dito?

Anthony: I'm eating..

        Anong oras na ba? Pasado 12 midnight na ah. Bakit ba siya nandito? Bakit dito siya kumakain? O baka naman..

Ako: eh? 12 na ng madaling araw. Tsaka bakit dito?

Vin: ano bang klaseng tanong yan best, siya yung isa pa nating kasama dito sa dorm..

Say whaaaaaaaat?!

 OH NO...

Hindi pwede 'to. Kaklase namin, kasama namin sa dorm?

Ako: best, hindi nga?

Vin: Oo nga, kulit neto..

Anthony: Ah, excuse me lang ah. Where's the bathroom?

ako: doon sa taas.. 

  Hinugasan na muna niya yung mga pinagkainan niya pagkatapos niyang kumain, tapos umakyat na siya..

Vin: Tara na best, matulog na ulit tayo. Inaantok pa ko.

      Umakyat na siya at naiwan na nga nila akong dalawa na nakatayo pa rin dahil sa balitang ikinagulat ko. Si MVP, kasama namin sa dorm? Hala, malaking gulo kapag nalaman niyang babae ako! Ayon sa nasaksihan ko kanina kung paano niya napapasunod ang mga tao rito, malamang malaki rin ang impluwensya niya sa school namin. At kapag nalaman niya na isa akong tomboy na nagpapanggap na lalaki, tatlo lang ang posibleng mangyari: Ang gamitin ang sikreto ko para maging utusan niya, sabihin agad sa school administrators na isa akong babae, o habang buhay nang itago yung sikreto ko. Pero, panigurado namang itatago niya lang yung sikreto ko kung magiging maganda pakikitungo ko sa kanya, diba? Sino ba namang gustong makasama ang isang taong kinaiinisan mo, eh kung alam mo naman ang isang bagay na pwedeng magpatalsik sa kanya para hindi mo na siya makita? 

       Kaya kailangan kong magpakabait kay Anthony at pakitunguan siya nang mabuti. Para kapag nalaman niya na isa nga akong babae na nagpapanggap na lalaki para makapasok sa JHU, edi pwede ko pa siyang pakiusapan na itago na lang yung sikreto ko at tulungan akong itago yun. Tama, ayun nga ang gagawin ko!

         Sa sobrang lalim ng pagiisip ko, hindi ko napansin na nandito pa rin ako sa baba na nakatulala at hawak-hawak ko pa pala yung walis tambo. Inalog ko naman yung ulo ko para bumalik na ulit ang isip ko sa Earth at binalik ko na dun sa gilid yung hawak kong walis. Pinatay ko na din yung ilaw, atsaka umakyat. Pagpunta ko sa kwarto namin..

o.0 - ako 

          Nakahiga na siya sa kama ko! Nakatopless and boxers lang siya, waaaaah! nooo. Tinakpan ko side ng mukha ko para hindi ko siya makita. Si Vin naman, natutulog na, parang wala lang sa kanya yung nangyari. Hindi ko pwedeng paalisin si Anthony sa kama ko, baka magalit siya sakin. Diba nga kailangan ko siyang pakitunguhan ng mabuti? Huhu, eto na nga ba sinasabi ko eh. Simula na ng kalbaryo ko sa loob ng JHU. So.. dito na lang ako sa gitnang kama?

MR. SHE : Her Senior YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon