=CHAPTER 20.2 : Celebrations =

638 16 3
                                    

=CHAPTER 20.2 : Celebrations = 

CHARLIE'S POV

 *KINABUKASAN*

*shake*shake*shake*

 Ako: arggggh~.. Ano ba?! natutulog pa yung tao eh!

*kalog*kalog*kalog*

"Gising na... tanghali na oh~" Voice..

Ako: hmmmph... Sabado naman ah! Bakit kailangang manggising nang maaga?

   Nagtalukbong ako ng kumot para hindi ako maistorbo. Ang aga naman kasing manggising eh.

"Dali na... may kailangan pa tayong gawin.." Voice..

Ako: kailangan talagang kasama ako? Hindi ba pwedeng ikaw na lang? Ala-una na ako nakatulog eh..

"Ano ka ba? alangan namang icelebrate ko birthday mo nang ako lang?!.." Voice..

Ako: September 21 pa birthday ko wag kang atat..

"Tumayo ka diyan at tumingin ka sa kalendaryo.." Voice..

   Tsk.. Istorbo naman.. -_-

   Tinanggal ko na yung talukbong ko. Sabay unti-onting minulat ang aking mga mata..

(0o0)- ako

Si Melody pala.. (_ _)

Eh kaya naman pala makulit eh..

Tumingin naman ako sa cellphone ko..

*12:30 pm* *Saturday* *September 21*

Melody: See? I told you..

 Eeek... inaantok pa ko! -_-

Melody: maligo ka na dali!~

 Hayyyyyyyyysss... Makaligo na nga't makulit tong kasama ko. Hindi rin naman aalis 'to hanggat hindi ko ginagawa yung gusto niya eh.

*Ligo*Ligo*

...Nung nakabihis na ko, lumabas na ko ng kwarto then bumaba. Nakita ko dun sina Melody at Vin..

 Ako: wala si MVP? 

 Vin: Wala.. As usual.. may lakad kayo diba?.. sama ko..

Melody: Huwag na.. dito ka na lang sa dorm walang bantay dito.. tsaka kahapon.. magdamag niyo na kasama best friend ko noh..

Vin: grabe inangkin mo na talaga best friend ko..

Ako: Huwag na nga kayong mag-away.. best, dadalhan na lang kita ng pasalubong..

Vin: eh kung sinabi mo agad edi kanina pa kayo nakaalis diba?.. haha! sige na ingat kayo..

Ako: Grabe, tapos ngayon naman tinataboy mo na kami? Yung totoo?

Palabas na sana kami ng dorm nang bigla akong tawagin ni Vincent.

Vin: Charlie!

Ako: Oh? <lingon ko>

Vin: Pasalubong ko, ha? ^_______^

Ako: Oo na, sige!

Lumakad na ako palabas ng bahay nang bigla na naman niya akong tawagin.

Vin: Best!

Ako: Oh? Yung pasalubong mo, oo sige maguuwi ak--

Vin: HAPPY BIRTHDAY!

MR. SHE : Her Senior YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon