=CHAPTER 3.1 : Here Goes Nothing =

925 22 2
                                    

Anong gagawin mo kung..

Mapunta sa isang sitwasyon na hindi mo inaasahan..

Yung sitwasyong maipapahamak ka..

Pero paano kung ang sitwasyon na yon ang sagot sa mga kahilingan mo..

Aatras ka na lang ba..

Kasi alam mong baka mabisto ka?

O

Go with the flow ka na lang..

Kasi alam mong kaya mo naman panindigan?

Alin sa dalawa ang pipiliin mo?.. 

Gusto mong malaman ang sagot ng bida natin dyan?

Aba eh ituloy mo lang ang pagbabasa nang malaman mo na.. 

********************************************************************** 

=CHAPTER 3 : Here Goes Nothing =

--------------------------------->CHARLIE's POV<---------------------------------

*Vacation* (pa rin, pero malapit na ang pasukan)

 Andito muna kami sa bahay nila Vin. Pinapunta niya ako dito para magmiryenda. Dahil namiss na raw niya, kumakain kami ng halo-halo, puto, tsaka sapin-sapin. Waaa! Ansarap! Paboritong miryenda namin 'to kahit noong mga bata pa lang kami. Pupunta ako lagi sa kanila tapos pipilitin ko siyang bumili ng mga yan sa kanto tapos sabay naming kakainin.

Vincent: Ui best, next week na tayo mag-eenrol sa school na sinasabi ko ah!

 Ako: Ahmm.. Teka, san nga ba yung school na sinasabi mo?

 Vincent: AYY!

o__o- siya

o.0- ako

Ako: Bakit?

Vincent: May nakalimutan akong sabihin best! Sorry.

Ako: Ano yun?!.. 

Vincent: Nakalimutan ko nga diba?

(-_- ) - ako

Vincent: HAHAHA! joke lang.. naalala ko na yung nakalimutan kong sabihin sayo.

 Ako: Oh anu yun? Dali sabihin mo na bago mo pa ulit makalimutan.

Vincent: Nakalimutan kong sabihin na malayo pala yung school na yun! Tsk. sorry best..

Ako: Edi dun na lang tayo sa mas malapit. Pwede naman siguro sa mas malapit na private school diba?

Vincent: HINDI PWEDE!

Ako: Bakit?

Vincent: Eh kasi, gusto ni mommy dun ako eh..

 Ako: Eh paano yan? edi anlayo ng biyahe?

 Vincent: Actually, pwede naman tayong magdorm eh.

 Ako: DORM?! Edi panibagong gastos naman yun?!

Vincent: haha! kaya nga sabi ko sayo, ako nang bahala diba? Nakalimutan ko lang sabihin sayo na magdodorm tayo at kailangan mong magpaalam kay tita.

Ako: Ahh sowss, gusto mo talaga akong kasama eh noh? Ano ka, kambal ko? Haha! oh sige, basta ipaalam mo din ako.

Vincent: OO ba! haha! malakas ata ako kay tita... tch.  <Sabay subo ng pagkain>

Grabe naman ang saya ng lalakeng to. Ganun ba siya kaexcited na maging schoolmate ko? Pero, anlaki naman na ata ng utang na loob ko sa best friend ko? Bakit lahat na lang ata, siya nagasikaso? Baka naman sa susunod, kailangan kong bayaran lahat ng utang na loob ko dito ah.

MR. SHE : Her Senior YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon