Ang hirap pala kapag binago nila ang buhay mo.
kapag nag-iba takbo ng buhay mo. Nag-iba ang pamilya mo.
Ang hirap mag adjust, lalo na kapag iba sila.
Yung mahal mo niloko ka, yung tatay mo iniwan ka.
Yung nanay mo mag-aasawa ng iba. Ano pa ang meron ka?
Kahit kasama mo parin sila, nag-iba ka? Dahil iniba ka nila.
Yung buhay na nakasanayan mo, wala na.
Yung mga taong minahal mo, sinaktan at iniwan ka.
Mga kaibigan mong maiiwan mo sa pag-alis mo, marami sila.
Ano nalang ba ang babalikan mo? Meron pa ba?
Paano kung biglang bumalik sayo yung taong mahal mo,
pero may iba ka nang mahal anong gagawin mo?
Babalikan mo pa ba ang lahat?
o mas pipiliin mong ilayo ang sarili mo?
Nagbago nga ang buhay mo, isasabay mo din ba
ang sarili mo sa pagbabago na ito?
Kahit na mahirap? Kahit na matatagalan pa?
Kaya pagbalik mo sa kung saan lumaki,
nabuo, inapi, niloko, umiyak, at naging masaya.
Masasabi mo kayang Everything has Changed?
PS: Sorry kung hindi masyadong clear, nag ta-try pa lang naman ako eh
Paki sabi nalang kung may dapat pa akong ayusin. Thank you!. :)
BINABASA MO ANG
Everything has Changed.
RandomIsang buhay ang nabago, dahil iniba. Isang babaeng simple lang pero nag-iba. Isang babaeng nagkaroon ng ibang ama. Isang babaeng niloko at ginawang tanga. Isang babaeng mahihirapan mag-adjust sa bagong buhay na meron sya. Mahihirapan dahil sa mga ta...