Chapter 2

63 0 0
                                    

"Oh bakit parang gulat na gulat ka naman dyan?" putek magtatanong tanong pa tong si Janna.

"WALA!" sabi ko naman. Nakakainis lang ha? Ginulat na nga nila ako magtatanong pa kung bakit mukhang gulat na gulat ako. "Kanina ko pa kayo hinahanap, san ba kayo galing?"pagtatanong ko sakanila. "Kararating ko lang" sabi ni Meo. "Sa tabi-tabi lang" sabi naman ni Lexie. Pft, if I know kasama nanaman niya yung boyfriend niya lol. "Ako sa tabi-tabi lang din" wew Janna sakin ka pa nag sinungaling. Alam ko naman talaga kung saan sya nagpunta hahaha. 

"Tara na!" aya ni Lexie. "San tayo pupunta?" tanong ko. "Malamang dun sa boyfriend mong haliparot, ayun oh nakikipag landian nanaman" ani ni Janna. Tinignan ko kung saang direksyon yung tinuturo niya at potek nga naman! Yung boyfriend kong walang hiya nakikipaglandian! Tsk womanizer talaga tong haliparot na lalaking to.

Naglakad kami papunta sakanila. Oh by the way Joshua Xander  Montemayor ang pangalan ng boyfriend kong playboy. 

Habang naglalakad kami napansin kami agad ng boyfriend ko, at napatigil siya sa pakikipag landian. Nagpatay malisya na parang wala akong nakita. Bigla ba namang ngumiti tapos "Hi babe" hi babe hi babe pa sya dyan. Sakalin ko kaya silang dalawa ng babae niya noh? Para matauhan. "Girlfriend mo?" tanong nung babae. Gaga ba sya? Tinawag na nga akong babe diba? "Yup I'm his Girlfriend and you are?" pagsagot ko sakanya? "Uhm, I'm S-Sheila, ah sige aalis na ako, bye!" at ayun nga tumakbo na sya. HAHAHAHA. Tinignan ko tong lalaking to at ngumiti ako sakanya "Let's go na, baka mapatay kita dito" bulong ko sakanya na ikinagulat nia.

Nagpunta kaming lima sa Canteen. As usual pinagtitinginan nanaman tong boyfriend kong pogi. Hay, bakit pa kasi sa dinami daming mamahalin ko sa lalaking ubod pa ng gwapo!? Pwede namang sa kagaya ko lang diba? Buhay nga naman. Umupo na kaming lima sa table nang may babaeng tumayo sa gilid ni Josh. "Hi handsome" ay potek ang landi naman nitong babaeng to. "uh excuse me?" tanong ni Janna. "yes?" ani naman ng malanding to. "Anong ginagawa mo dito?" ani naman ni Meo.  

Makikipagkilala sana ako sakanya sabay turo kay Josh.(Joshua) Wow naman talaga. Ang kapal naman ata ng mukha niyang gumanyan ganyan. Teka sino ba to? "Who the hell are you?" tanong ko sa babae. "Uhm my name is Stacey Nicole Buenavides. You don't know me I guess?" OO di kita kilala!!! Ang sarap isisgaw eh. Buti nakakapagtimpi pa ako. "Sooo, what's your name handsome?" sabay tingin kay Josh. "Uh my name is Joshua Xander Montemayor, ani ni Josh. Ngumiti pa talaga sya! Ugh! "So kayo pala yung may ari ng Montemayor Group of Companies?" dami namang tanong ito. "Yup. Oh kayo pala ang may ari ng Buenavides Corp.?" ani naman ni Josh. "Yes, so I have to go now" buti naman lalayas na tong talandi na to! "Bye Josh" using her seductive tone. Putik nababanas na ako ha! "bye" ani naman ni Josh. At umalis na nga si malandi. "Uh so babe, anong order niyo?" tanong ni Josh samin. "burger and drink lang sakin" ani ni Meo. "Fries and burger tsaka drinks naman akin" ani ni Janna. " "Ice cream and a drink sakin" ani ni Lexie. "Ikaw babe?" tanong niya. "Uhm, cake at Ice cream and tubig lang sakin babe".sabi ko. "Okay wait lang" ani ni Josh. Tumayo na sya papuntang counter. 

Habang nasa counter si Josh, napag usapan namin kung anong nangyari kanina.

"Di ka ba nahihirapan sa sitwasyon mo Alysa?" tanong ni Janna. Di ako makasagot kasi sa totoo lang nahihirapan talaga ako. "Huh.. ah eh hindi naman, bakit?" sagot ko. " You're not a good liar". Pakshet bisto na! "Oo na nahihirapan ako". pag amin ko.  "Bat di mo hiwalayan?" tanong ni Lexie. Bakit nga ba? ewan. "Ewan ko, mahal ko kasi?" sagot ko. "Yan ang tinatawag na katangahan Alysa." sabi naman ni Meo. "Alam mo playboy ang boyfriend mo dapat matagal mo nang iniwan yan" sabi naman ni Janna.

"Anong pinag-uusapan niyo dyan?" pa-cool na tanong ni Josh. Andto na pala sya di man lang namin napansin. "Wala naman about sa assignments and project lang namin." sambit ni Lexie. "Ah okay" sagot naman ni Josh. "Eto na pala foods niyo oh" isa-isa niya iyon binigay at sabay sabay kaming kumaing lima. 

After 30 minutes nag bell na. First class na. Hirap maging 3rd year highschool pakshet!! "Babe" pagtawag ni Josh sakin.  "Una na ako ha?" sambit niya. "Ah okay,bye!" paalam ko. "Bye" sagot niya at tumayo na sya agad. Niyaya ko na rin ang mga kaibigan ko para pumunta na rin sa room.

Everything has Changed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon