Chapter 9

34 0 0
                                    

 Alysa's POV

Pagka gising ko agad akong tumayo para maligo dahil may pasok pa ako. I'm just wondering kung ano nanamang dahilan ang sasabihin ng mga lalaking yun. Nakakainis na ang sakit isipin na puro excuses nanaman sila mamaya, magpapakatanga nanaman kaming apat letse! Pero ngayon? Jusko di ko na alam.

*** 

Nang matapos na akong maghanda bumaba na ako agad at nakita ko na agad si mama na nagka-kape at nakahanda na ang pagkain ko. Buti naman medyo okay na siya. Kahit na hindi naman kami sobrang close ni mama mahal ko parin sya.

"oh anak, kumain ka na at baka ma-late ka" sabi ni mama. Agad naman akong umupo para kumain. Napuno kami ng katahimikan hanggang sa nagsalita na ako. "Ma, wag niyo na po akong ihatid kaya ko na po sumakay mag-isa sa trycicle dito nalang po kayo." sabi ko sakanya. Lagi-lagi niya kasi akong hinahatid eh.

"Sure ka ba anak? Okay lang naman kung ihahatid kita." pagtanggi niya. "Okay lang ma, matulog na lang ulit kayo." sabi ko naman. Hindi na siya nagsalita pa kasi alam niyang di niya ako mapipigilan. 

Nang matapos akong kumain nagpaalam na ako agad kay mama at umalis na. Mabilis naman akong nakasakay ng trycicle at ng jeep kaya maaga ako nakarating sa school. Buti nalang maaga nagpapasok yung guard sa school namin ngayon. Pagkapasok ko ng school konti palang ang tao so dumeretso na ako sa room.

Ako palang pala ang tao dito sa room. Pagpunta ko sa upuan ko meron akong nakitang papel na nakadikit sa arm chair ko. Nang buksan ko yung papel may nakasulat syemepre, pero ibang klaseng sulat to. Nakakakaba siya shet.

"Wait and see Alysa Santiago you'll suffer your days here in school starting today, Oh I forgot to tell you I've got him already thanks  for being so blind" -Anonymous

Ano to?! Nakuha na niya sino? Teka teka wag niyang sabihin na boyfriend ko yung tinutukoy niya? Ang aga aga ganto yung sasalubong sa umaga ko? Kingina!

***

Andito na ang mga kaibigan ko, at meron ding letter sa desk nila same as mine. Bumaba na kami para hanapin sila Josh. Naghiwalay hiwalay kami.  Kasama ko si Meo. Tapos si Janna at Lexie naman ang magkasama. Meron kasi kaming 30 minutes break before mag 1st subject, astig noh?! hahah. 

Pumunta kami ng canteen wala. Pumunta kami ng student's lounge wala din. Pumunta kami sa basketball court at sa locker pero wala pa din. Naisipan namin ni Meo na mag punta sa pool area. Kahit na parang walang possibility na nandito kahit isa sakanila. 

Pag dating namin dun walang tao as in wala. Papaalis na sana kami nang may narinig akong kalampag galing sa shower room. 

"Narinig mo yun Meo?" tanong ko. "Ang alin?" sagot niya. Hindi ako sumagot at nagpunta na agad ako sa shower room. "Ano bang gagawin natin dyan?" tanong ni Meo. "May narinig kasi akong something galing dito." Hinawakan ko na ang doorknob at binuksan ang pintuan. Nanlaki ang mga mata namin sa nakita namin.

Naghahalikan si Stacey at Josh. Naghahalikan naman si Jax at Astrid. Shit We're like a statue na nakatitig lang sakanila. Ayaw tumakbo ng mga paa ko. Hindi ko na rin napigilan ang pagluha ko at ganun din naman si Meo. They're all kissing torridly. Aw. 

Di ko na napigilan at nagsalita narin ako. 

"Wow, ano meron outdated ata kami sa nangyayari ngayon?" sabi ko. They stopped kissing and looked at me, they're all shocked. Syempre takot yang mga yan maisumbong bawal kasi yan dto sa school. "Anong ginagawa mo ditong bitch ka?" Stacey said. Wow ako pa ang bitch. 

"Teka nga, bago mo ko sabihan ng bitch bat di mo muna tignan ang sarili mo?" sabi ko sakanya. Biglang nagsalita si Josh. "Stop it Alysa we're done. Get out of here now." ani niya. "Teka Josh naman. Wala namang ganyanan. Kakalimutan ko lahat to wag mo lang ako iwan pleasee" Ani ko.

"Hayaan mo na sila Aly. Kung ayaw na nila satin let them be. Wag ka magpakatanga sa mga taong pinagmumukha kang tanga they don't deserve you and all of you." sabi ni Meo na kanina pa tahimik. "Yeah she's right Alysa." Astrid said. "Aly lets go now we dont need to waste our time to these sluts." sabi ni Meo. Hinila niya ako palabas pero bago kami tuluyang lumabas may mga salita akong binitawan.

"Sinaktan niyo kami ngayon, pero tandaan niyo sa oras na makabangon kami ulit humanda na kayo."

At tuluyan na kaming umalis doon.


Everything has Changed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon