Chapter 1

70 0 1
                                    

Ang aga-aga nakakatamad ng pumasok sa school. Paano naman kasi nag-aaway 

nanaman si mama at papa. Araw-araw nalang silang ganyan nakakaswa na.

Ano naman kayang pinag-aawayn ng mga to? Hayy.. Magpapakilala nga muna ako.

Ako nga pala si Alysa Leigh Santiago. Hindi ako mayaman noh! Simple lang ako walang

kaarte-arte sa buhay. Nakikitira lang naman kami sa bahay ng amo ng mama ko. Dito narin kasi 

ako lumaki. Pero wala na sila eh, yung anak nalang nila yung nandito, Ang bait nga nia kasi

pinatuloy nia parin kami dito. 


"ARAY!" ang sakit naman non. Batukan ka ba naman ng nanay mo ng pagkalakas lakas eh.

Ang mama ko nga pala ay si Elaine Santiago isang house wife. Mabait kahit na may pagka brutal sakin to. AHAHAHA. "kanina pa kita kinakausap di ka naman sumasagot eh kaya binatukan na kita" sabi ni mama. "Sorry ma, may iniisip lang po ako" ani ko. "oh eto na baon mo, bilisan mo na dyan!" ani niya.

"opo mama" sabi ko naman.  PAgkatapos kong kumain inayos ko na ang sarili ko. Ihahatid ako ni mama sa sakayan ng trycicle eh. "Ma! tara na bilis! sabi ko. "Bukas na ba yung gate?"tanong nman nia. "Opo, kaya tara na!"

Nasa pila na kami ng trycicle . Ang tagal ah, ay! yun meron nang pasahero. Salamat naman!

After 5 minutes nasa jeep na ako. "Bayad po" wow bingi ba tong katabi ko? Di ba nia ako naririrnig? "bayad po!" wow naman talaga! Bingi siguro to. Buti nalang may mabait na ate ang kumuha ng bayad ko at sya ang nagbayad sa driver. Potek sisigawan ko na dapat yun eh.

After 15 minutes nakababa na ako ng jeep. Maglalakad pa ako papuntang school eh. Nag-aaral nga pala ako sa St. Villaide Highschool. Private sya actually kasi pinag-aaral ako ng anak ng amo ng mama ko noon. Mama ko kasi ang tagapag alaga sakanya noon kaya tinutulungan nia ako. Ang bait nia noh? hahah. Natatanaw ko na ang gate ng school. Hayyy, ang aga ko pla. Hindi pa nagpapa-pasok yung school guard. Ang higpit kaya nila.

5:40 nang magpito ang guard, hudyat na para maka pasok! Yes! Hinahanap ko ang mga kaibigan ko pero di ko sila makita. Asan na ba yung mga yun? Ah bahala na nga! Umakyat na ako sa room at umupo sa upuan ko. 

"lalalala" huh? Ako lang mag-isa dito ah? Sino kaya un? Pakshet wag niyong sabihin na may multo dito! Potek!! Help omgg!! "Alysa!!" ay palaka! potek naman tong mga kaibigan kong to nanggugulat letse! Pasalamat sila mahal ko sila eh. Kung hindi kanina ko pa nasipa ang mga to. 

Si Meo, siya ang pinaka open minded sa lahat at feeling maganda(pero maganda talaga lol)

maputi sya itim ang buhok at kulot. Si Janna, siya ang pinaka mayaman sa lahat. Siya rin ang fashionista pero palagi parin syang natatalbugan ni Meo. Si Lexie, siya ang pinaka maarte at magaling mangbara. At ako? Ako ay simple lang. Hindi naman nila ako tulad na mayaman. May pagka boring ang sarili ko eh, simple lang naman kasi ako di tulad nila maarte hahah. 

Pero kahit ganyan sila mahal ko sila.

Everything has Changed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon