Chapter 4

28 0 0
                                    

Alysa's POV

Pagpasok ko ng bahay tulala parin ako. "Oh Ysa, andyan ka na pala." sabi ni mama. "Ah, opo hinatid po ako ni Josh." sagot ko. "Ah, osige na kumain ka na at baka malipasan ka ng gutom." ani niya. "Opo mama."  Umakyat na ako sa kwarto ko. Nakahiwalay na kasi ako sa kwarto nila mama syempre dalaga na ako eh heheh.  Nagbihis na ako ng pangbahay, at bumaba na para kumain.

Habang kumakain ako hindi ko talaga maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Nabigla talaga ako eh. Sobra! Hayyy! Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

Nang matapos ako kumain hinugasan ko na yung pinagkainan ko. Umakyat ulit ako para gumawa sana ng mga assignment kaya lang bigla kong naalala wala nga pala kaming ginawa ngayon. Makatulog na nga lang muna, sobrang inaantok na ako. Pipikit na yung mata ko.


***

Nagising ako sa sigaw ni mama. Anong oras na ba? Tingin sa relo. Potek!! 7:05 pm na? kaya pala sigaw ng sigaw na tong mama ko. "YSA KAKAIN NA ANO BA?! GUMISING KA NA NGA!" Hala ayan na, galit na si mama. "Andyan na po." Using  my sleepy voice. Pagbaba ko nandyan na pala si ate Emy ang forever bestfriend ko dito hahaha. Loka loka din yang babaeng yan eh.

"Hi baby girl." bati niya sakin. Kahit ang baduy natatawa parin ako. "Heyy what's upp?" sagot ko naman sakanya. "Wala naman,ikaw?" pagbabalik nya ng tanong. "Ako? Same like the old days." sagot ko naman sakanya. "Anubayan! Di man lang ba nagkaroon ng sweet bones yang boyfriend mo?" tanong nya sakin na ikinagulat ko. Ayoko kasing ino-open up yung topic na yan dito sa bahay maliban nalang kung nasa loob kami ng kwart ko/nya. "H-huh? Paano mo naman nasabi?" tanong ko. "Kasi sabi mo Same like the old days, so naisip ko na baka hindi sya nage-effort na pasayahin ka araw araw." sagot nya. At boom! tama sya. Babaero pa,haliparot nga eh mas malandi pa kesa sa mga babae."Tama na kwentuhan kumain na kayo." sambit bigla ni mama. "Okay po." sabay naming sagot.

Pagkatapos naming kumain, hinugasan na namin yung mga ginamit namin na pinggan at kung anu-ano pa. Pinatulo namin para kapag pinasok na sa loob ng lalagyan di na sya basa.  Pagkatapos umakyat na kmi sa sari-sarili naming kwarto.

Ang boring nman dito. Punta kaya ako kay ate Em? Pupunta na nga lang ako para may maka-usap. 

Nandito na ako sa tapat ng kwarto nia. Kakatok na ba ako? Ah! gugulatin ko nalang sya HAHAH!! Dahan dahan kong pinihit yung door knob at biglang "ATE EM!!" sigaw ko sakanya. Bigla syang napatayo at "Ay pitong palaka!" sabi niya. Ako naman tawa lang ng tawa, paano naman kasi nakakatawa yung mukha niya eh."HAHAHAHAHAH" pagtawa ko sakanya. "Osige tawa pa, halos mapatay mo na nga ako sa gulat eh. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" ani niya. "Uh, wala nman. Wala kasi akong kausap eh." sagot ko at pumasok sa kwarto nia, sinara naman nia ang pinto nia. "So ano na ba balita sa inyo ni Josh?" tanong niya. "Uhm, wala naman masyadong nangyayari samin." sagot ko. Hindi niya alam na nahuli ko na naman si Josh kanina na nambabae, sure akong tatalakan nia yun pag nagpunta si Josh dito. "Hay nako, di na muna kita pipilitin sabihn yung totoo sa ngayon at may gagawin pa ako,okay?" sambit niya.  "Okay, labas na ako busy ka pala." sabi ko. "OSige pasok ka lang kung may kailangan ka ha?,Oh bye na." ani nman nya. "Okay,bye." sabi ko at lumabas na ng kwarto niya. Manuod kaya ako ng tv? Kaya lang wala namang magandang palabas. Matutulog na nga lang ako at maaga pa ang pasok bukas.

*** 

Everything has Changed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon