Chapter 3

35 0 0
                                    

Alysa's POV

Pagkadating naming apat sa room, nandito na pala ang limang bakulaw de joke! Limang babaeng haliparot na galit saamin lalo na saakin. "Oh andito na pala tong mga to." Parinig nung leader nila na si Scarlett. "Ay hindi wala pa kami" ani naman ni Lexie. "Ano, may sinasabi ka?" tanong naman ni Scarlette bruha na to! "WALA!" sagot nman ni Lexie at nagderederestso na kami sa aming upuan. 

Limang minuto ang nakalipas bago nakarating ang Math teacher namin. Anubayan! Ang aga-aga Math agad! Pakshet na to! "Goodmorning class" pagbati ni Mrs. Samonte. "Goodmorning Mrs. Samonte it's nice to see you today." pagbati namin. "Okay you may now sit." ani niya. 

Habang nagtuturo si Mrs. Samonte wala akong maintindihan. Paano naman kasi, nasa isipan ko nanaman yung boyfriend kong malandi na mahal ko naman. Hindi ko nga alm kung mahal rin nya ako eh. Baka pinaglalaruan lang niya ako. Ah dibale nlng malalaman ko rin naman yan. Ang kailangan ko ngayon ay makinig para hindi ako ma-zero sa test.

Nakalipas ang isang oras nagbell na. Ibig sabihin next subject na. Ano bang next? Ah, teka! tingin ng schedule sa notebook.... Ah what?! Science? ano bayan! ang boringggg!!! Ugh, tiis tiis nalang. Sabi nga nila kapag may tsaga may naglalaga, ay este may nilaga pala. 

Nakalipas ang 30 minutes aba! Himala hindi pumasok si Mrs. Lazaro ngayon. Absent daw? hahah if I know tinatamad lang syang magturo saamin. Galit kasi sa section namin yun kasi maingay daw ang section namin. Section C kasi kami kumbaga section 3 kapag numerical. Ano kayang pwedeng gawin? Ah teka, makipag daldalan kaya ako? Ay, wag nlng baka mahuli ako ng teacher pag may biglang pumasok. Eh magbasa kaya? Uh, wag din yun! Boring masyado! Matutulog na nga lang ako sa natitirang 30 minutes. Yumuko na ako at nagsimula ng pumikit ng mga mata ko.

Nagising ako ng biglang magbell. Tumingin ako sa relo at shit! 12:30 na?! Uwian na namin ah? Bat di nila ako ginising? matanong nga. "Janna!" pagtawag ko. "Oh gising ka na pala eh, tara na!" ani niya. "Teka bat di nio naman ako ginising?" pagtatanong ko ulit. "Wala naman tayong teacher nagkaroon sila ng emergency meeting." ani niya. Ah so wala rin naman pla silang ginawa. "Ah okay, tara na!" pag-aya ko. 

Paglabas namin ng room nakaabang pala si Josh. Bihira lang naman niya akong puntahan dito kaya sulitin na natin to! Hahahah!!  "HI baby!" pagtawag sakin ni Josh na nakangiti. Kaya naman parang tumatalon yung puso ko na parang sasabog sa kilig eh. "Kanina ka pa ba  dyan?" tanong ko sakanya. "Hindi naman, hatid na kita sa inyo." ani niya. May kotse sya eh mayaman. "Osige, papaalam lang ako kila Janna." sagot ko sakanya at nagpaalam na ako kila Janna. "Bye guys, una ako. Ihahtid ako ni Josh eh." Pagpapaalam ko sakanila. "Ah okay sige bye na Aly!!" sabay sabay nilang sabi at humalik saakin. Ang swerte ko talaga sa mga to.


Habang nasa kotse kami ni Josh, walang nagsasalita saamin kahit isa. Alam nman nila Josh at mga friends ko na hindi ako mayaman. And with that, tinanggap parin nila ako.  After 20 minutes natatanaw ko na ang bahay namin. Oo, palagi niya akong hinahatid sa bahay, at okay lang naman yun sa mama ko. Kilala naman na nila si Josh eh, and may tiwala naman sila saakin. 

Nagpark na si Josh sa tapat ng bahay namin. "Gusto mo bang pumasok sa loob?" tanong ko sakanya. "Ah,wag na babe kasi may pupuntahan kami ng buong pamilya ko ngayon na party eh." ani nman nya. " Ah okay, sige ingat ka nalang." sabi ko sakanya. Pababa na sana ako pero bigla akong pinigilan ni Josh at biglang hinalikan. OMG! Yung pinagkaingat-ingatan kong first kiss nawala! pakshet!! Patuloy parin siyang humahalik sakin, habang ako? Eto parang tuod di ako makagalaw kasi nasa state of shock pa ako. Di ko naman siya pinipigilan pero hindi naman ako humahalik pabalik.  

Umalis na sya sa pagkakahalik sakin at tumitig. Bigla syang tumawa ng pagkalakas-lakas. "Look at you para kang tuod dyan." So pinagtatawanan pala nia ako. Sapakin ko kaya to? "Osige na bumaba ka na baka hinahanap ka ni tita." ani niya. Hindi na ako sumagot dahil nasa state of shock parin ako. Bumaba na ako ng kotse niya at nag wave nalng sakanya! Pagkawave ko pinaandar na niya ang kotse nya at umalis na. Napahawak ako sa labi ko. Shit naman! Yung first kiss kooo!!! 

Ang epal talaga ng lalaking yun!

Everything has Changed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon