Meo's POV
Di sila makapaniwala sa mga sinasabi ko pero in the end, naniwala din sila. Kahit ako nahirapan din naman akong i-process lahat ng yun sa utak ko. Ang liit pala talaga ng mundo, kahit na ang nakikita natin ay malaking bilog. Pero kung ex nya ang pinsan ko, at matagal na siyang may gusto sa boyfriend ko, ang lumalabas niloko nya ang cousin ko? How pathetic bitch. Nakakainis siya at hindi lang sya, lahat sila.
***
Hinatid ko na sila isa-isa. Pero ako? Di ko alam kung saan ako pupunta. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ano nalang ba ang mangyayari saming apat? Mahal na mahal namin sila. Alam ko kapag nakipaghiwalay sila samin guguho ang mga mundo namin.Saan kaya ako pwedeng pumunta ngayon? Inom kaya ako? Ay, di pwede nagmamaneho ako. Uuwi nalang ako at matutulog.
Alysa's POV
Ang hirap i-process sa utak lahat ng sinabi ni Meo saamin. Pero ngayon? Intinding intindi ko na. Kaya natatakot ako. Natatakot ako sa mga mangyayari saamin. Natatakot ako na baka isang araw wala na, wala na sakin yung pinaka mamahal kong lalaki. Naiisip ko palang yun natatakot ako, naiiyak ako, at nasasaktan ako ng sobra.
***
Nagising ako sa mga sigawan na naririnig ko. Nakatulog pala ako? Pero ano bang nangyayari? Bakit may nagsisigawan sa baba?"iiwan mo na ba kami ng mga anak mo, ha? sasama ka na sa babae mo?" Narinig kong tanong ni mama.
"Oo sasama na ako sakanya, di na tayo masaya. Magpakasaya ka na sa iba, kahit na buo tayo pero di naman tayo masaya. Kaya mabuti pa maghiwalay na tayo." Narinig kong sabi ni papa.
"Paano ang mga anak mo, ha?! Wag mo naman silang iwan. Kawawa naman sila, mahal na mahal ka nila, Travis. Dalawang babae sila. Close din sila sayo. At pag umalis ka baka magalit ang mga anak mo sayo." sabi ni mama.
Umiling-iling si Papa. "Ayoko na, bahala na. Aalis ako dto."
"Please naman Trav." pagmamakaawa ni Mama.
"Hayaan mo na syang umalis ma. Ayaw na nya satin? Edi umalis sya di naman sya kawalan." sabi ko. Nagulat ako sa mga salita na nailabas ko. Nagkaroon ng isang minutong katahimikan at binasag ko ito.
"Oh ano pang tinatayo tayo mo dyan? Umalis ka na, bukas naman ang pinto para sa pag-alis mo." mariin kong sabi.
"Anak umalis ka mu-" di ko na pinatuloy ang sasabihin ni papa.
"UMALIS KA NA, ANO BA?!" sigaw ko. Nagulat sila sa pagsigaw ko. Pero wala akong pake.
***
Pagkatapos ng nangyari kanina, pati na rin ang pag-alis ni papa nagsalita si mama na kakaiyak lang."Buti ka pa anak, nagawa mo yun. Ang tapang mo." sambit nya.
Naawa ako sa mama ko. Namumugto yung mga mata nya, pagod na pagod na ung itsura nya.
"Ano ka ba ma, magpahinga ka muna dun sa kwarto mo. Ako na bahala dito." sabi ko.
"Sure ka?" tanong niya. "Opo mama, sure ako" ngumiti ako sakanya.
Nang umakyat na sya nagsimula na akong magluto. Pagkatapos kong gawin lahat umupo muna ako.
"Bakit ganito? Unti unti nang nagbabago ang takbo ng buhay ko? Bakit ang daming problema ang dumadating?" tuluyan na akong napaiyak. "Iniwan na ako ni papa, iniwan na ako ng lalaking akala ko kahit kelan hindi ako iiwan." Natawa nalang ako, para akong baliw dito na mag-isang nagsasalita.
"Ako, di kita iiwan" may nagsalita galing sa likod ko. Si ate Em pala.
"Anong problema?" tanong nya. Tumingin ako sakanya ng luhaan.
"Iniwan na kami ni papa ate, sumama na sya sa Babae nya. Hindi na raw sya masaya dito eh" umiiyak kong sabi.
"Alam mo, di madali mawalan ng ama. Pero kailangan mong masanay. Kasi di ba nga lahat naman nagbabago? Wala namang permanente sa dito sa mundo." sabi nya.
Tama sya, kailangan kong masanay na wala na akong papa. Kailangan kong maging malakas para kay mama at pati narin sa kapatid ko.
"Salamat ate, tara kain na tayo." I smiled at her.
Habang kumakain kami, narinig naming sumigaw ang kapatid ko.
"I'm home!" Masigla nyang bati. "Hi mga ate! Asan si papa?" tanong nya.
Sasabihin ko na ba? Baka magalit sya. Kinalabit ako ni ate Em at tumango sya sakin. Kailangan ko na talagang sabihin.
"Hailey, mag-usap tayo." sambit ko. "Tungkol san ate?" tanong nya. "Tungkol kay papa." sambit ko. " What's with him?" kabado nyang tanong.
"He already left us." sabi ko. "You've got to be kidding me." sambit nya.
Pagkatapos kong i-kwento lahat sakanya. Iyak sya ng iyak, well close talaga kasi sila ni papa. Pinaakyat ko na muna sila ate Em para mahugasan ko na tong mga plato.
Pagkatapos kong maghugas umakyat na ako sa kwarto ko. Gusto ko nang magpahinga. Pagod na pagod na ako. Not physically, but emotionally.
Habang nagmumuni-muni ako, biglang may nagtext saakin. Si Lexie pla.
"Hi guys, tomorrow pag-usapan natin ang mga kailangan nating pag-usapan ha? I love you guys. Goodnight"
Hayy.. Naniniwala na ako na Change lang ang permanente sa mundo. Ngayon ang masasabi ko lang ay Everything will change.
Paano pa kaya sa mga dadating na araw? Ano pa ba ang mga mangyayari?
I'm so nervous.
BINABASA MO ANG
Everything has Changed.
De TodoIsang buhay ang nabago, dahil iniba. Isang babaeng simple lang pero nag-iba. Isang babaeng nagkaroon ng ibang ama. Isang babaeng niloko at ginawang tanga. Isang babaeng mahihirapan mag-adjust sa bagong buhay na meron sya. Mahihirapan dahil sa mga ta...