Alysa's POV
Hanggang ngayon ang sakit sakit parin ng pisngi namin. Isang beses nga lang kaming sinampal nung mga yun eh. Akala ko yung limang bakulaw na babae sa room lang ang may galit samin,meron pa pala. At ang masaklap di nila sinabi ang dahilan kung bakit nila kami nagawang sampalin. Bago sila umalis may iniwan silang salita na pinakaba kaming apat lalo na ako. Ang mga salitang nagpatulala saamin bago pumasok ng room. "Kukunin lang namin ang dapat ay saamin, be ready." Natakot kami,lalo na ako. Naalala ko yung babaeng yun eh. Di ko lang matandaan kung saan ko sya nakita. Pero yung tatlong kasama nya di familiar ang mga mukha nila. Pero kahit hindi, natatakot parin ako sa mga mangyayari samin ng mga kaibigan ko. That's a threat.
***
Nang mag-recess tulala parin ako. Pilit kong inaalala kung sino man yung babaeng yun. Nandito ako ngayon sa Student's lounge. Pinasabi ko nalang kay Lexie na sabihin kay Josh na may gagawin pa ko,kahit na ang gagawin ko lang naman ay ang mag-isip kung sino ang apat na halimaw na sumampal saamin.
Biglang nag bell. Di ko namalayan na ang tagal tagal ko na palang nakatunganga dito. Kung pagmamasdan mo ang school namin akala mong ang babait ng lahat ng taong nag-aaral dito. Pero akala mo lang pala ang lahat ng yun. Hay! Makabalik na nga sa room.
***
Nang makabalik ako sa room dumiretso na ako sa upuan ko. Di naman ako pwede makipag daldalan eh baka mamaya dumating teacher namin eh lagot ang lola nyo! Char!!
Makalipas ang 15 mins. wala parin si Sir Glenn. Ang AP teacher kong mabait. Eh asan na kaya yun? Don't tell di siya papasok, siya lang ang teacher na cool para sa akin hahaha. Ang boring kaya nung iba kong teacher unlike him.
Nag-antay pa ako ng another 15 mins. pero wala talaga. 1 hour bawat subject kasi eh, so this means wala talaga sya. First time to ah? ay hindi 3rd time na pala. Ang boring naman. Kahit madaldal akong tao bihira lang akong makipagdaldalan sa loob ng room. Pero kung katabi ko yung tatlo kong bestfriend eh juiceko baka ako na ang pinakamadaldal hahaha.
***
Uwian na at hinahanap naming apat ang kaniya-kaniyang boyfriend namin. Nasaan na ba yung mga yun? Kanina pa namin nilibot ang bawat buildings ng school namin. Napapagod na ako ha, pag nakita ko sila humanda sila sakin. Pero joke lang noh! Alam niyo naman ngumiti lang yang mga yan eh tunaw na ang inis mo. Sa itsura palang eh noh? Hay sana walang magbago, sana lang sana.
"Teka!" nagulat kami kay Lexie na biglang nagsalita."Bakit?" tanong ko. "Sila ba yun?" tanong niya sabay turo dun sa mga lalaki na may kasamang apat na babae. "Oo sila nga." sagot ni Janna na may bakas ng galit, inis, at makikita mo sa mata niya yung selos. Ako? Di ako makapagsalita. Kasi hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko. Ang dami kong naiisip sa totoo lang. Di ko alam kung masasaktan ba ako o maiinis o matatakot o kabahan? Kasi ang mga babaeng kasama nila ngayon ay ang mga babaeng nanampal saamin.
***
Janna's POV
I don't know what to say. I really don't know. There are a lot of thoughts running in my mind. Hindi ko na maintindihan. Hindi nga alam ng mga kaibigan ko na kung paano itrato ni Josh si Aly ganun din ang trato ni Zane sakin. Kaya nga tinanong ko sya kung hindi ba sya nahihirapan sa sitwasyon nilang dalawa ni Josh. Kasi kung ako nga nahihirapan sya pa kaya,dba?
Tapos ngayon makikita ko na kasama nila yung apat na babae na sumampal saamin kanina. Di ko nga alm kung anong dapat isipin ko. Totohanin kaya nila ang mga binitawan nilang salita bago sila umalis kanina? Actually, hindi nga namin sila kilala. Pero ang sabi samin na ang apat na yan ang isa sa mga pinaka mayamang estudyante aside from us maliban kay Aly. Hindi rin naman nya yun tinago samin maski na kay Josh. Pero okay lang mabait naman siya and she knows her limitations and kahit hindi sya mayaman she is a trusted person. She's simple but pretty.
Napatingin ako kay Aly. She's not saying anything, she's very quiet. We're all stuck in this place starring to our own boyfies. Di namin alm kung lalapit ba kami o hindi. Kasi hindi naman sobrang landi yung ginagawa nila pero yung fact na knina pa namin sila hinahanap, naiisip ko palang yun gusto kong lumapit at agawin na ang boyfriend ko sa babaeng sumampal saakin. Nababanas na ako ah! Palakas na ng palakas ang tawa nila at palandi na ng palandi ang mga babaeng to.
Bullcr*p talaga! Kainis.
BINABASA MO ANG
Everything has Changed.
RandomIsang buhay ang nabago, dahil iniba. Isang babaeng simple lang pero nag-iba. Isang babaeng nagkaroon ng ibang ama. Isang babaeng niloko at ginawang tanga. Isang babaeng mahihirapan mag-adjust sa bagong buhay na meron sya. Mahihirapan dahil sa mga ta...