Chapter Eleven (Cezi's P.O.V.)

5 0 0
                                    

Eternal Glimpse
“ Our eyes met‚ my heart awakened ”

(Cezilion's P.O.V.)

Nabalitaan kong nagkita na daw si boss pati ang arrange fiancè to wife nya‚ andito ako sa mansyon‚ hinihintay ang tawag ni boss para sunduin sya sa mga Zhi.

"Cezilion‚ prèpares la voiture!" halatang bad mood si boss‚ tapos may narinig pa akong nagsalitang babae sa call namin.

Pumunta na ako sa parking lot at in-start ang Ferrari‚ nagmadali akong pumunta sa lokasyon ni boss‚ mahirap kapag bad mood yun.

Tangina

Pagdating na pagdating ko pa lang‚ may shawty na naman ulit si boss. Anlakas naman nito‚ ang ganda pa nang napili. At... nadatnan ko silang nakacorner‚ yung magandang babae cinorner ni boss.

Inutusan na ako ni boss madrive‚ nasa likod ko sila. Ang kulit ng babae‚ mukhang ito ata ang arrange marriage na sinasabi ni boss.

Nice choice‚ maganda...

Nakadating na kami sa mansyon‚ halatang nagdadabog ang babae kay boss. She's not that easy to get‚ parang mahihirapan si boss paano 'to mapapalambot‚ ibang-iba ito kay Fiona‚ Alizandra‚ at Szahara na dinadala dito minsan ni boss.

Bad mood na talaga si boss‚ sa sobrang galit ay inutusan na nya akong dalhin ito sa kanilang kwarto. Igting na ang panga at lumalabas na naman ang mga ugat ni boss.

"I'm Cezilion Heiz‚ Boss Marceau's main assistant. Ganyan talaga yan‚ laging mainit ang ulo. Kung sino-sino ang pinapatulan‚ kunting sagutan hindi pinapalagpas‚ may ex kasi yan dati. Ginamit lang si Boss Marceau para sa kasikatan at kayamanan‚ yuon‚ naging ganun na si Boss Marceau. Pero dati? Isa sya sa pinaka-mabait na taong kilala ko." saad ko "I'm Zerafina Gutierrez." malamig nyang sagot saakin

Ang ganda ng boses‚ parang anghel ito ngunit kung paano sya manamit at magayos ng sarili ay parang masungit nga. May tangkad din itong taglay‚ pwedeng maging model. Slim ang katawan‚ she has the perfect body‚ napansin ko din na napaka-puti nya.

Aalis na sana ako ngunit pinigilan nya ako.

Anlambot ng kamay...

Napatitig naman ako sakanya at hinayaan syang magtanong ng mga bagay tungkol kay boss. Oo nga‚ may kapatid si boss‚ Markent at Marcelio Ferrari. Lahat sila ay kinatatakutan‚ pero hindi ko alam kung bakit kayang sagot-sagutin ni Zerafina si boss‚ she's brave.

Nakakaawa din itong magandang 'to‚ kay boss pa napapunta. Posibleng patayin lang ito ni boss o saktan‚ ibang klaseng lalaki ang isang Marceau Ferrari. She told me a lot of things about what she feels right now.

Ansarao nya titigan‚ ang ganda... para lang may anghel sa harapan ko ngayon.

Maya-maya ay may narinig akong may nagaaway sa loob ng kwarto nila‚ nasa sala ako ngayon‚ nagpapahinga. Mukhang nagaaway ang dalawa‚ hindi pa din sila magkasundo dalawa.

Grabe ang sigawan nila‚ naawa lang ako kay Zerafina. She's too innocent for the deadliest mafia that I've ever met‚ kakaiba ang bossing ko.

Nahimatay sya‚ siguro dahil sa mga nangyayari sa buhay nya. Balita ko na broken family daw‚ patay na ang kapatid at ina‚ tapos hindi makasundo ang ama.

Pinabantayan ito saakin ni boss.

"Ayos ka na?" tanong ko "Y-yes‚ where's Marceau?" tanong nya kaagad "Pumunta sa Bar‚ nagpalamig ng ulo‚ mukhang mainit ang ulo nun sayo. Bakit mo kasi sinabi yung tungkol kay Fiona?" tanong ko "Because I have the urge na nanakit ng damdamin kasi nasasaktan din ako." paliwanag nya "Sinabi ko yan sakanya." dagdag nya.

Yearning For Your False AlluresWhere stories live. Discover now