Chapter 9: Alibi

12 6 0
                                    

Sinundo ni Red si Alea sa bahay nito at sabay silang pupunta kay Carmela, nag message na si Alea dito na kunh pwede sa huling pagkakataon ay mainterview ito. Pumayag naman si Carmela dahil sa nakukulitan ito kay Alea.

Tahimik naman si Red habang nag mamaneho, gumugulo pa rin sa isip niya ang mga result. "What's wrong?" Tanong ni Alea dito ng mapansin niyang kanina pa ito tahimik at tila ba hindi siya nito inaasar o kinikibo man lang.

Saglit siyang lumingon kay Alea at ngumiti. "Hindi lang mawala sa isip ko yung result ni Tricia. Paanong pumunta siya sa kwarto ni Daryl?" Hindi rin maka sagot si Alea dahil wala rin naman siyang alam kung ano na ang nangyayari sa dating mga kaibigan nito, kahit nga si Tricia ay hindi rin nagparamdam sa kaniya mula nung umalis siya ng San Jose.

"May relasyon ba sila?" Dagdag ni Red. Bigla naman na alala ni Alea ang sinasabi ni Carmela noon, paulit ulit siyang pinag bibintangan nitong bagong babae ni  Daryl. "Totoo kaya?" Sagot ni Alea.

"Ang alin?"

"May ibang babae si Daryl, bukod kay Carmela may ibang girlfriend si Daryl kaya galit na galit si Carmela sa akin dahil akala niya ako ang girlfriend ni Daryl."

"And that could be Tricia!" Malinaw na sagot ni Red.

"N-no, boyfriend ni Tricia si Gerald."

"Hindi na nakakagulat ang ganiyan, Alea. Someone cheated with their friends, much worse their bestfriend na tinuring mong pamilya." Nakangiting sabi ni Red. Sa ngiting iyon ni Red ay biglang nag bago ang atmosphere sa loob ng kotse.

"Naloko ka ba o ikaw ang nag cheat?" Hindi man alam ni Alea kung saan nanggaling yung courage niya para itanong iyon, wala lang, gusto niya pang makilala si Red.

"Neither, pero yung mama ko. Pinagpalit siya ni papa kay ninang."

"I'm sorry" sagot ni Alea, bigla tuloy siyang nag sisi na inopen pa ang tanong na iyon. "It's fine. Matagal na yun." Sagot ni Red at pinark na ang kotse, nasa harap na sila ng isang maliit na coffee shop na malapit sa company nina Daryl kung saan nagta-trabaho si Carmela at ang mga kaibigan nito.

Wala pa si Carmela sa loob kaya umupo na muna sila at hinintay ito. Maya maya lang ay dumating na ito at agad na umupo sa harap nila. "I don't have a lot of time, na katulad niyo." Sabi nito kaagad at kumuha ng fries na nasa table.

"Hi, Carmela Bernardo. I'm Agent Red, we're investigating the case of Daryl's suicide." Pormal na pag pakilala ni Red, kahit nakilala siya noon ni Carmela bilang isang article writer.

"Sarado na ang kasong iyon, agent Red." Naka taas kilay na sabi nito tsaka sumubo ulit ng fries. "Makunat na yung fries niyo." Sabi nito na hindi pinansin ng dalawang nagkatinginan lang.

"Did you kill Daryl?" Deritsong tanong ni Red, maging si Alea ay nagulat ng bigla itong tinanong ni Red. That was not Red's style.

"WHAT!" Sigaw ni Carmela kaya napatingin sa kanila ang mga katabing customer. "Anong pinatay? Hindi pa ba malinaw? He killed himself. Tapos....tapos pagbibintangan mo ako? Why would I do that?" Nanlilisik na mga matang tanong ni Carmela.

"Carmela, calm down. We have to know the truth, kaya magsabi ka nalang ng totoo. I believe in you." Sagot naman ni Alea, kaya nabaling tuloy sa kaniya ang atensyon ni Carmela, at ngumisi na parang baliw.

"Bitch! Ikaw ba ang nag sabi dito sa lalaking ito na ako ang pumatay kay Daryl? Ikaw na naman, huh? You're alwaying ruining my life Alea! At ngayon pagbibintangan niyo akong mamamatay tao! Fuck you bitch? " Galit na sabi nito. Hindi nakasagot si Alea dito dahil ayaw niya nang lumala ang away. Naramdaman naman ni Alea ang pagdampi ng kamay ni Red sa mga kamay niya.

Concealed PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon