Dumaan si Red sa laboratory habang hawak hawak ang plastic na naglalaman ng mga buhok ni Alea, Carmela at Tricia at yung nakakabit sa napulot niyang pendant. Pumasok siya sa facility at may sumalubong sa kaniyang isang babae. "Marie." Tawag nito sa babae. Mag kaklase sila ni Marie noong high school. Hindi na nakapag college si Red dahil sa kakulangan sa financial.
Si Marie naman ay nakilala niya na ng lubusan nang magsimula siyang magtrabaho bilang isang private investigator. Dito siya nag papa test ng DNA, fingerprint at kahit information na hindi niya makuha kuha galing sa facility. "Red, alam kong trouble na naman kapag tumatawag ka. I shouldn't answer your call next time, hm?" Saad nito at kinuha ang inabot ni Red na plastic.
"Alam kong hindi mo ako mahihindian, kailangan mo ng extra income diba?" Pabirong sagot naman nito sa babae. Noong una ay pumapayag si Marie dahil kailangan niya nga ng pera, pero ngayon ay okay na dahil nabili na nito ang bahay. Ginagawa niya nalang ito dahil tinuturing niya ng kaibigan at kapatid si Red.
"Kailan ka ulit dadalaw sa bahay? Naku, miss ka na ng inaanak mo, tsaka si Timo, nag hihintay rin, nang may maka inuman daw siya." Tanong ni Marie, may isa itong anak na at asawa naman nito si Timo.
"Saka nalang siguro pag natapos ko na tong hawak ko, masyado kasing magulo ang nakuha ko ngayon." Seryosong sabi nito bago tumalikod. "...or pwede namang sa halloween." Nag paalam na sila sa isa't isa. Habang papalabas naman si Red sa facility ay may nabangga siyang isang lalaki na kaagad na nag sorry sa kaniya.
Pag dating niya sa apartment ay agad niyang nilagay ang picture ni Alea sa gitna, bilang isang killer ni Daryl. Naalala niya naman ulit ang sinabi ni Mrs. Fallado sa kanila. "When you find that murderer, let us know ASAP, not the police, not anyone but only us."
Wala siyang paki alam kung ano ang gagawin ng Fallado family kay Alea kung sakali mang si Alea ang killer, hindi naman kasi si Alea ang tipo ng taong kayang pumatay. "Anong maaaring dahilan mo Alea?" Tanong nito sa sarili.
Nasa labas ng bahay si Alea habang pinapasyal ang ina nito na naka sakay sa wheelchair. Nakita naman nila ang pag park ng kotse sa hindi kalayuan sa kanila at lumabas sa kotse si Carlo. Pauwi na ito galing sa trabaho at nais niya lang tanungin si Alea tungkol sa lalaking nakita niya kasama ni Alea.
"C-carlo, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Alea at bahagyang lumapit sa lalaki. "I'm sorry, napadaan lang ako. How's tita?" Tanong nito at tinuro si Martha na ina ni Alea. "Okay naman siya, malapit na siyang maka recover." Masayang sabi ni Alea.
"That's a good news" saad nito. Tatalikod na sana si Alea para balikan ang ina nito nang hawakan naman siya sa kamay ni Carlo. Kaya lumingon siyang muli dito. "I saw you the other day, at the restaurant." Sabi nito, saglit naman nag isip si Alea at naalala ang restaurant kung saan sila magkikita sana ni Red. "Sino yung kasama mo?" Seryosong tanong ni Carlo.
"P-pinsan ko. Bago lang siya dito." Pag sisinungaling ni Alea, kailangan niya paring protektahan ang usapan nila ni Red ang itago ang kaniyang identity. "Are you telling me the truth?" Tanong ng lalaki.
"Carlo, enough! Tapos na tayo, okay? Hindi mo na kailangan pang magalit. He's my cousin, and you don't have to beat him like you usually did." Galit na sabi ni Alea. Isa din sa rason, kaya niya iniwan ang boyfriend ay dahil sa mainitin ang ulo nito, hindi man siya physical na sinasaktan ng dating boyfriend ay nananakit naman ito ng ibang kalalakihan.
"I'm sorry. Tama ka, wala na tayo. Wala na akong karapatan." Sagot nito.
Dumating naman si Brian na kaka uwi lang din galing sa trabaho at saglit na tumingin kay Alea at nakipag titigan kay Brian. "Brian, susunod nalang kami ni mama sa loob." Saad ni Alea sa kambal nito.
BINABASA MO ANG
Concealed Pieces
Misteri / Thriller(Pieces Trilogy 1) What if a traumatic incident leads to an investigation? The end of one person's life marks the beginning of fear and anxiety for others. What if it wasn't suicide but a murder? The question remains in everyone's mind: Who is truly...