Chapter 1: Gold Old Friends

12 2 0
                                    


Tahimik na nakaupo sa bench at nakatingin sa farm si Brando, isang tahimik at lampang employee ng Accounting firm. Medyo manipis ang katawan nito, may kahabaan ang buhok at may sout na glasses, dahil medyo malabo ang paningin nito. Bigla naman siyang natakot ng makita ang pagdating ng isang grupo na kinatatakutan niya sa tanang buhay niya. Lumabas sa kotse ang limang kilalang tao sa San Jose Del Monte.


Agad na lumapit si Carlo kay Brando at inakbayan habang nakangisi at nakatingin sa palapit nitong mga kaibigan. "Look who's here!" Sabi nito. Lumapit naman si Gerald na naka akbay sa girlfriend nitong si Tricia. Sumunod naman si Daryl at Carmela. Kaagad na tumayo si Brando at nagmadaling umalis pero iniharang ni Daryl ang paa nito para matalisod si Brando at madapa, tumalsik ang salamin nito kaya gumagapang siya habang kinakapa kung saan tumilapon ang kaniyang salamin.


Dinig naman nina Alea ang tawanan sa hindi kalayuan, maganda si Alea at may mahabang medyo kulot na buhok. Magbabakasyon lang siya sa San Jose dahil malapit na mag halloween at nagkataon naman na natapos ang contract niya sa trabaho kaya naisipan niya munang magbakasyon at dalawin ang pamilya niya. Kasama si Brian na kambal ni Alea at may mas maayos na trabaho kaysa sa kaniya. Katrabaho niya naman si Brando.

Nakita nila kung sino ang mga ito at agad na nakilala. Dating kaibigan ni Alea sina Daryl, kasama siya sa grupo nila dati pero hindi niya nagustuhan ang mga ginagawa ng grupo kaya siya kumalas. Agad siyang lumapit at hindi na siya napigilan ni Brian na natakot din, isa si Brian sa binubully din nina Daryl noon pero dahil kay Alea ay medyo napayapa ang kaniyang pag aaral. "Tama na yan." Sabi ni Alea at tinulungan si Brando na tumayo at iniabot ang salamin nito.


"Ohh, the bitch is back" Agad na sabi ni Carmela at lumapit sa kaniya. Hinayaan na nilang maka alis si Brando at napunta kay Alea ang kanilang atensyon.

Umupo sa bench si Daryl at pinaupo sa tabi ang girlfriend na si Carmela. "Namiss ka namin." Pilosopong sabi ni Carlo na ex boyfriend naman ni Alea. "Masyado na tayong matanda para sa ganitong away at trouble." Sabi ni Alea sa kanila. Lahat sila ay magkaklase noong college at dalawang taon palang silang graduate.

Lumapit naman sa kaniya si Daryl at madiin na hinawakan sa kamay niya. Napa ngiwi naman si Alea dahil nasasaktan siya sa ginagawa ni Daryl. Si Daryl ay ang leader ng kanilang grupo, mas matapang, mas may dating at mas mayaman sa kanilang lahat. "Well, hindi na tayo magkaibigan at wala ka ring pakialam." Sabi nito at naglakad pabalik sa kotse na sinundan ng apat. Isa isa naman nilang tinapik ang kinakabahang si Brian.

Lumapit naman sa kaniya si Brian at tumuloy na sila sa kanilang paglalakad pa uwi sa kanilang bahay.
"Miss mo?" Tanong ni Brian sa kaniya, na sinagot niya lang ng pag tango.

Sa kotse naman ni Daryl ay nauna ng bumaba sina Gerald at Carmela, kasama niya ngayon sa kotse si Carlo at Tricia. "Masaya ka na ngayong bumalik si Alea?" Tanong ni Daryl habang nagmamaneho.

Nakatingin lang si Carlo sa labas. "Stop it Daryl." Sagot nito. "Malamang, alam naman nating lahat na hindi ka parin naka move on" nakatawang sabi ni Tricia. Hindi naman siya pinansin ni Carlo.

"You want me to tell her how waisted you are when she dumped you?" Agad naman na bumaling ng tingin si Carlo kay Daryl ng sabihin niya iyon. Ayaw kasi ni Carlo na malaman ni Alea na hanggang ngayon ay mahal niya parin ito. "Sabi ko tama na!" Medyo pasigaw na sabi ni Carlo. Isa pa ay nahihiya siya tuwing naaalala iyong araw na iniwan siya ni Alea, na para na siyang baliw. Mainitin kasi ang ulo ni Carlo, bigla bigla nalang itong nananakit.

Tiningnan siya ni Daryl sa salamin. "Dude, chill okay? Masyado kang kabado. Well, she looks hotter now." Tiningnan niya lang ng masama si Daryl at hindi na nagsalita. "Isusumbong kita kay Carmela" sagot ni Tricia at hinawakan sa legs si Daryl. "If you don't want her back, then it's fine to make her mine?" Agad na umakyat ang mga dugo ni Carlo sa kaniyang ulo at uminit ito. "Don't you fucking touch her Daryl, baka makapatay ako." Saad ni Carlo tsaka pinahinto ang kotse at bumaba bago niya pa man masuntok si Daryl.

Nang maka uwi na si Daryl sa kanila ay nakita niya sa loob ng bahay niya ang kaniyang mga parents. "What do you need?" Sabi nito at hindi man lang lumapit sa kanila. "Daryl son, may sasabihin lang kami sayo." Sabi ni Mrs. Fallado.

"Wala akong lakas ngayon makipag usap, kaya sabihin niyo sakin ng deritso" sagot ni Daryl.

"We have to sell your share, son. Kailangan natin ng much bigger investor para sa next project ng kumpanya." Agad na lumaki ang mga mata ni Daryl at nanlilisik ito sa galit.

"WHAT?"

"Daryl-"

"How about kuya's share? Hindi na nga siya nagtatrabaho sa kumpanya but we have to keep his share at ibenta yung sakin?" Isang sundalo ang kuya ni Daryl kaya wala itong time sa kumpanya at hindi rin siya pinilit ng mag asawa na magtrabaho sa kumpanya, hindi katulad ni Daryl na pinilit na magtrabaho sa kumpanya. Alam kasi ng mag asawa na mas matalino si Daryl kaysa sa kaniyang kuya.

"Ikaw din naman ang magmamay ari ng kumpanya pagdating ng panahon, Raymond will need his share."

"I also need mine! I have a life too! Pero kayo ang CEO, so do what you want! And get out of my house" sabi nito at umakyat na sa kaniyang kwarto.

Agad siyang pumasok sa cr at kumuha ng tablet sa cabinet at ininom iyon. Paglabas niya ng cr ay nag message siya kay Alea, kahit hindi niya alam kung yun parin ba ang social media account ni Alea ay sinubukan niya parin. Gusto niyang pagtripan si Alea at ang kaibigan nitong si Carlo. Pareho niya itong pinapunta sa bahay niya bukas.

Tumunog naman ang phone niya at akala niya reply iyon ng isa sa pinagti'tripan niya. Nawala ang ngisi sa kaniyang mukha ng makita ang picture at message ng unknown sender. "UGH!" Sigaw niya at tinapon sa kung saan ang phone niya kaya nasira ito.

Ginamit niya ang telephone at nag dial. "Bring me a phone tomorrow or I'm gonna fucking kill you!" Sabi nito at saka ibinaba ang telephone.

Na received ni Alea ang message ni Daryl, pero hindi na siya nag reply. Sinubukan ni Alea na mag law pero hindi nila kaya ang gastos sa kaniyang pag aaral kaya nag take nalang siya ng mass com. Matapang at matalino si Alea, kailangan niya ng pera para sa pagpapagamot ng kaniyang ina, na stroke ang mama niya at ang ate ni Alea ang nag aalaga dito kasama si Brian.

Nakahiga na siya sa kama at pinag iisipan ang message ni Daryl sa kaniya. Bumuga siya ng hangin at nag decide na. "Bahala na, kaibigan ko parin naman sila." Sabi nito at pinilit nang makatulog. Two days na siyang nandito sa San Jose at namiss niya rin ang mga kaibigan.

Narinig niya naman ang katok sa kaniyang pinto. "Pasok" sabi ni Alea at umupo sa kama. Dumungaw naman sa pinto ang kambal nitong nakangiti. "Lalabas ako, bibili ako ng gamot ni mama. May ipapasabay ka ba?" Tanong nito.

Umiling naman si Alea dahil wala naman siyang kailangang ipabili. "Mag iingat ka" sabi ni Alea at isinara na ni Brian ang pinto, nagpaalam din siya sa ate nila at umalis na.


××××××××××××××

Concealed PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon