Hawak hawak ni Alea ang business card na naglalaman ng number ni Red. Pabalik balik siya ng lakad habang iniisip kong dapat ba siyang makipagtulungan dito. "Huwag mo nalang ilagay sa panganib ang buhay mo. Hindi ka niya kailangan at wala ka rin namang alam." Sabi ni Tina ng mapagod na ito sa kakasunod ng tingin kay Alea. "Is it too dangerous?" Tanong ni Alea.
Tumayo na si Tina upang puntahan ang kanilang ina. Nang mawala na sa tingin nila ang kanilang ate ay nagsalita si Brian. "Sa tingin ko mas mabuti kong katabi ka ng Red na yan. Dapat mo ring malaman kung ano ang mahahanap niya. Hindi siya dapat pagkatiwalaan." Sagot ni Brian habang nakatitig sa loptop nito at may kung anong kinakalikot. "Here...." Dagdag nito at ipinakita kay Alea ang nasa screen, umupo si Alea sa tabi ng kakambal at tumitig sa screen. Nandoon ang personal information ni Red, walang picture at wala masyadong details. He's too anonymous.
"Tama ka, I have to do this. F-for Daryl." Saad ni Alea at pumunta na sa kwarto nito. Nagbihis na siya habang tinatawagan ang number ni Red. Ilang sandali lang din ay sumagot na si Red sa tawag nito. "Asan ka?" Deritsong tanong ni Alea.
•••••
Inihinto ni Red ang sasakyan para hintayin si Alea sa isang store. Papunta na siya sa bahay ni Yaya Minda at tumawag si Alea, isasama niya si Alea sa pag iimbistiga kay Yaya Minda. Sa tingin niya ay may hindi sinasabi si Alea, may tinatago ito at iyon ang gusto niyang malaman kaya niya sinasama si Alea, para kunin ang loob nito. She may be a suspect too, in fact everyone in their circle are suspects.
Maya maya lang din ay nakita niya na sa labas ng store si Alea, naglalakad lang ito. Tinapos niya kaagad ang kinakain at lumabas ng store para salubongin si Alea. "Hey. Tara na." Saad nito at pumunta sa kotse. Sumunod si Alea at sumakay sa backseat, nilingon naman siya ni Red. "Bakit?" Takang tanong nito. Tila kasi gumagana naman ang bipolar disorder nito.
"Dito ka, parang ginawa mo naman akong personal driver mo nyan." Sagot ni Red. Umirap naman sa kawalan si Alea at lumabas ng kotse para lumipat, natawa nalang si Red sa inasal nito. Narinig niya ang pagbukas ni Alea ng pinto pero hindi ito nagbukas. "What the fuck?" Takang tanong ni Alea. Agad naman na binuksan ni Red ang pinto na nakalimutan niya palang i'unlock. "Sorry." Sabi niya ng bumukas na ito at agad pumasok ang hindi maipintang mukha na si Alea. "Let's go!" Sagot ni Alea.
•••••
Dumating naman sila sa bahay ng katulong ni Daryl, nakita nila itong nagwawalis sa labas ng bahay. "Tao po." Pagtawag ni Red ng atensyon nito, lumingon naman si Minda at nilapitan ang dalawa sa labas ng bakod. "Sino ho sila?" Tanong nito tsaka isinipit sa tagiliran ang walis at binuksan ang gate. Nakita niya naman si Alea at pamilyar ito sa kaniya, hindi niya lang maalala. "Mga kaibigan kami ni Daryl." Sagot ni Red na ikinagulat ni Alea pero hindi niya na iyon pinansin. 'Right, we won't tell about him.' kumislap naman ang mata ni Minda ng maalala niya si Alea noong araw na natagpuan ang katawan ni Daryl. "Tama, naaalala kita. Tuloy kayo." Sabi nito at naglakad papasok, nilagay niya muna sa gilid ang walis habang nasa likuran niya ang dalawa.
Pumasok sila sa loob ng bahay nito. Pinaupo naman sila. "Joy, sa labas na muna kayo ng kapatid mo. Huwag kayo magulo, may bisita ang mama." Sabi nito sa dalawang anak. Pumasok ang dalawa sa kwarto at kinuha ni Joy ang cellphone na nasa ilalim ng kama nito para paglaruan.
Pumunta sa kusina si Minda para kumuha ng maiinom, hindi naman napigilang mag ikot ang paningin ng dalawa. Medyo makalat ang mga laruan at maaliwalas ang loob ng bahay. Masasabi mong nasa maayos na kondisyon ang pamilyang ito.
Bumalik naman si Minda dala ang tray na may tatlong basong juice. Kumuha sila ng tig iisa. Magsasalita na sana si Alea pero pinigilan siya ni Red. "Mga anak mo?" Tanong ni Red. Ngumiti si Minda at lumingon bintana kung saan makikita ang dalawang bata. Tumango naman si Minda bilang tugon. "Asan po ang asawa ninyo?" Tanong ni Alea.
![](https://img.wattpad.com/cover/376515119-288-k804987.jpg)
BINABASA MO ANG
Concealed Pieces
Mistério / SuspenseWhat if a traumatic incident leads to an investigation? The end of one person's life marks the beginning of fear and anxiety for others. What if it wasn't suicide but a murder? The question remains in everyone's mind: Who is truly guilty? Who holds...