Nakarating na si Red sa bahay ng kaibigan nitong si Marie, kinuha niya naman sa upuan ang cake at dinala iyon palabas ng kaniyang kotse at inalala ang sinabi ni Alea sa kaniya kagabi.
"Rest muna tayo bukas, just special day for me. Its halloween."
Nag lakad na siya papasok at nakita niya naman ang nakangiting batang babae na sumalubong sa kaniya. "Tito Gabrielle." Tawag ng bata habang tumatakbo ito palapit sa kaniya. Hindi siya kilala ng bata sa codename nito. Ipinatong niya muna ang hawak na cake upang mayakap at saka kinarga. "Kumusta ang baby Kianna namin?" Tanong ni Red at kinuhang muli ang cake at naglakad papasok sa loob.
Inabot niya kay Timo ang cake at sabay na pumasok sa loob ng bahay. "Andito ka na pala. Naku buti nalang at pumunta ka." Sabi ni Marie habang naghahanda ito ng kanilang makakain.
After ilang minutes ay nakatulog na si Kianna at hinatid muna ito ni Timo sa kwarto. "Kumusta? Saang part ka na?" Tanong ni Marie at muling sumubo ng cake.
Kinuha naman ni Red ang can beer at ininom iyon. "Complicated, worst case ever." Biro nito na sinundan ng kunting pag tawa.
"Ewan ko ba sayo kung bakit nag stick ka sa pagiging private investigator na yan." Reklamo naman ni Marie. "Balita ko may partner ka nang iba bukod sa akin?" Dagdag nito na nag painit sa mga pisngi ni Red. Napangiti naman siya ng marinig ang pangalan nito.
"Hoy, anong ngiti yan?" Tanong ulit ni Marie ng makita ang matamis na ngiting gumuhit sa labi ni Red.
"Wala, she seems interesting. Habang tumatagal ang pagsasama namin ay unti unti ko siyang nakikilala at unti unti kong nalalaman kung gaano ka interesting ang pagkatao niya. "
"At unti unti ka na ring nahuhulog sa kaniya. " Sagot ni Marie. Uminom ulit ng beer si Red tsaka tumingala sa chandelier.
"Siya ang nag sabi na magpahinga muna kami ngayong araw, dahil special day sa kaniya itong halloween, funny right? " Sabi niya habang nakatingala pa rin at inaalala ang mukha ni Alea.
"Iba na nga 'yan Gabrielle. Go" saad ni Marie.
"Saan?"
"Go to her, ayaw mo bang kasama ka niya sa mahalagang araw niya?" Agad naman na napa balikwas ng tayo si Red at ngumiti.
"I have to go." Saad nito at nag simula ng maglakad paalis ng bahay. Napangiti nalang din si Marie na makitang ganito ang inaasal ng kaibigan.
Naghahanda naman si Alea ng mga sangkap para sa kaniyang lulutuin mamaya. Hindi naman nito maiwasang tingnan ang kambal na nakatingin lang sa kaniya. "Atleast ngayon tumatawa ka na." Sabi ni Brian tsaka lumapit para tumulong sa ginagawa ni Alea. "Of course, its halloween." Nakangiting sabi nito.
Humarap siya sa kambal at natakot naman si Brian sa ngisi nito, tiyak na hindi niya magugustuhan ang lalabas sa bibig nito. "Sino dadalhin mo mamaya? Gusto ko na makilala ang girlfriend mo." Naka pout na sabi ni Alea dito. Bumuntong hininga naman si Brian at hindi sinagot ang tanong ni Alea. "Kaya mo na yan dyan, bibili pa kami ng pizza ni ate." Sagot nito at iniwan si Alea sa kusina. "Hindi ka pa ata nakapag move on sa ex mo eh." Bulong nito sa sarili.
Katatapos lang magluto ni Alea, may special space para sa part niya ang halloween, nag punas ito ng pawis at tiningnan ang cellphone to check the time. Alas 4 na ng hapon pero hindi parin bumabalik si Brian at ang ate Tina. Bumili kasi ito ng pizza sa bayan.
Kumunot ang kaniyang noo nang marinig ang tunog ng sasakyan sa labas ng kanilang bahay. Tiningnan niya lang ang kotse at parang pamilyar iyon sa kaniya, mula sa loob ng kotse ay nakita niya ang paglabas dito ng ate Tina sa backseat at ni Brian. Kitang kita naman sa mukha ni Brian ang disappointment.
BINABASA MO ANG
Concealed Pieces
Mystery / Thriller(Pieces Trilogy 1) What if a traumatic incident leads to an investigation? The end of one person's life marks the beginning of fear and anxiety for others. What if it wasn't suicide but a murder? The question remains in everyone's mind: Who is truly...