Nagpaalam nang umalis si Alea sa kaniyang ate para pumunta sa bahay ni Daryl, nag trycicle lang siya papunta doon at naglakad pa ng kaunti para makarating sa bahay ni Daryl. Dinig niya ang tunog ng tv ng kapitbahay at sila ay nanonood ng noontime show, at kinakanta pa nito ang ang theme song ng show. Mag d'door bell na sana siya pero napansin niyang bukas ang gate, kaya pumasok na siya sa loob."Daryl?" Tawag ni Alea habang pumapasok siya sa loob. Mayroong isang katulong si Daryl pero ito ay maagang umalis at namalengke. Walang sumagot kay Alea kaya naisipan niyang umakyat na sa second floor. "Daryl?" Tawag niya ulit, at wala paring sumagot pero may narinig siyang kumalabog. Kaya pumasok siya sa loob ng kwarto.
Bandang alas dos ng hapon ay nakatanggap ng report ang pulisya tungkol sa suicide. Itinawag ni Alea ang nangyari kaya agad na pumunta ang mga police doon, kasunod ay ang mga magulang ni Daryl. Malakas na iyak ni Mrs. Fallado ang maririnig sa boung kwarto habang yakap yakap ng kaniyang asawa nang makita ang naka bitay na katawan ng walang buhay nilang anak.
Dumating naman kaagad si Carlo at pawis na pawis, agad niyang hinanap si Alea kaysa tingnan ang katawan ng kaibigang si Daryl. Nakita niya si Alea na tulala lang at inaalalayan ng officer para palabasin sa kwarto. Puno ng pawis at luha ang mukha ni Alea, makikita sa mukha nito ang pagod at gulat.
Agad niyang nilapitan si Alea at siya na ang umalalay dito pababa ng second floor. "I-I'm sorry" umiiyak na sabi ni Alea, pero pinatahan naman siya kaagad ni Carlo. "Wala kang kasalanan. He did that to himself." Tumingin naman si Alea kay Carlo na para bang ina aral nito ang boung mukha ng ex boyfriend.
"Where is he?" Salubong na tanong sa kanila ni Carmela kasama ang dalawa pa nitong kaibigan. Hindi naman nakawala sa paningin ni Alea at Carlo ang kaunting sugat ni Carmela sa pisngi nito.
"Upstairs" malungkot na sagot ni Carlo at pina upo sa sofa si Alea. Pinasadahan ni Tricia ng tingin si Carlo bago sumunod kay Carmela pa akyat sa second floor.
Dinala na sa morgue ang katawan ni Daryl, at kinausap naman ng police si Alea.
"P'pag dating ko. Nakita ko nalang siyang nakalambitin na." Paliwanag ni Alea sa police na nasa harapan nila ni Carlo.
"Sino ang nagbukas ng gate sayo? Paano ka nakapasok sa loob?" Takang tanong ng police.
"It was open, baka naiwan ng yaya na bukas ang gate bago siya umalis." Sagot nito. Nag pasalamat naman ang police at tinigil na ang pag question kay Alea.
Umuwi na ang magkakaibigan sa kani kanilang bahay, pag dating ni Alea sa kanila ay agad naman siyang sinalubong ng ate niya sa labas. Nabalitaan kasi ng ate niya ang nangyari, pumasok sila sa loob ng bahay at agad siyang niyakap ni Brian. Bumuhos na ng todo ang iyak ni Alea. "Shh, w-wala kang kasalanan. You're okay, we're gonna be okay." Pagpatahan nito sa kakambal at nanatili sa pagkakayakap.
Nang maihatid na ni Carlo si Alea ay pauwi na rin siya sa bahay niya, sandali niya namang hinawakan at pinagmasdan ang bracelet ni Alea. Bigay niya ito kay Alea. Ibinalik niya ito sa bulsa at dumiretso na pauwi.
Pinuntahan naman ng police officer sina Mr. and Mrs. Fallado to clear the case.
"Suicide?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Fallado ng sabihin ng police ang tunay na nangyari kay Daryl ayon sa sinasabi ng mga evidence at witness. Hindi makapaniwalang umiling naman ang asawa nito.
"Nakita namin sa drawer itong tablet na to for depression-" sabi ng police at iniangat ang bottle ng tablet ng flouxetine. "-at malinaw na hindi siya maayos bago pa man siya nag suicide dahil dito." Dagdag ng police at pinakita ang sirang cellphone ni Daryl at picture ng nag crack na wall kung saan tinapon ni Daryl ang kaniyang cellphone at picture ng mga basag na gamit na nasa mesa.
Sa profiling ng police officer ay nagwala muna ito bago magpakamatay. Maaaring ang unang hawak ni Daryl ay ang cellphone na maaaring nag dulot ng pagtindi ng kaniyang stress kaya niya itinapon iyon at pinagtatapon ang mga gamit na nasa mesa.
"Ayon sa kasambahay ay madalas na nagwawala si Daryl. Alam niyo po ba ang condition ni Daryl?" Tanong ng police sa mag asawa. Umiyak naman si Mrs. Fallado bilang tugon.
"Nakita din namin ang resibo ng lubid na siya mismo ang bumili sa hardware. I'm really sorry for your loss Mr. and Mrs. Fallado." Sabi ng police para sabihing sarado na ang kaso.
"We- we know. Alam naming magpapakamatay siya but he clearly said to us that he's not going to do it. That's what we're talking about earlier bago...bago siya mag suicide." Pahabol ni Mrs. Fallado pero hindi na nakumbinsi ulit ang police at isinara ang kaso ni Daryl.
Wala nang magawa ang mag asawa kundi ang sumunod sa sinasabi ng police, they closed the case of Daryl committed suicide.
Kinuha ni Mr. Fallado ang cellphone at nag dial ng numero. "I need your service, I'm on my way to your office." Saad ni Mr. Fallado habang binubuksan ang pinto ng kotse at pumasok.
Nag drive siya papunta sa isang apartment. Sinalubong naman siya ng isang lalaking matangkad, gwapo at well built ang katawan. Tila isang artista ang kaniyang mukha. "Mr. Fallado." Salubong nito tsaka nakipag shake hands sa matanda. Tumuloy sila sa maliit na office nito at tirahan niya rin pansamantala.
"Anong maitutulong ko sa inyo?" Tanong ng lalaki habang gumagawa ng kape sa dalawang tasa at ibinigay ang isa kay Mr. Fallado.
Pinakita ni Mr. Fallado ang picture ni Daryl sa cellphone. "Anong gagawin natin sa kaniya? Kill him?" Tanong ng lalaki at tsaka simipsip ng kape.
"He's already dead. He's my son." Pilit na pinipigilan nito ang pag iyak, kumuha si Mr. Fallado ng sigarilyo at nag sindi tsaka tumayo. Dumungaw siya sa bintana. "Hindi siya nagpakamatay. I want you to investigate his death, secretly!" Madiin nitong sabi tsaka bumuga ng usok.
"Bakit ayaw mong maniwala sa police report? I mean, they have evidences and a witness." Tanong ng lalaki.
"He was a good son. Kahit hindi siya naging mabuting tao, At hindi siya naging mabuting kaibigan." Sabi ni Mr. Fallado at bumalik sa pagkakaupo sa harapan ng lalaki.
"Mr. Fallado, masyadong kumplikado ang sitwasyon. I have to tell you that, that is beyond from my service. Simple researcher lang ako." Sabi ng lalaki. Ang lalaking ito ay isang private investigator. Minsan na siyang nabayaran noon ng Fallado family, para imbistigahan ang kalabang kumpanya, para alamin ang bagong product at maunahan ito sa pag launch. Nagawa naman ng lalaking ito ang trabaho sa madaling panahon kaya kampanti at tiwala si Mr. Fallado na matutulongan siya nitong hanapin ang taong pumatay kay Daryl.
"You won't have to worry." Inilapag ni Mr. Fallado ang isang makapal na puting sobre sa mesa at ngumiti sa lalaking kausap. Ngumiti din ang lalaki at tiningnan ang laman ng sobre. Habang tiningnan ang laman ay nagtanong siya. "Talagang kilala mo ako Mr. Fallado. So, what's your deadline?" Tanong nito at inilagay sa bulsa ng coat ang sobre.
"I don't have to. Just do your job as fast as you can." Sabi nito at tumayo na para umuwi.
"It's nice meeting you Red." Saad ni Mr. Fallado at nakipagkamay kay Red. Ang lalaking ito ay alyas lamang ang Red, hindi niya sinasabi sa mga client niya ang tunay niyang pangalan. "Close deal Mr. Fallado." Sagot nito at kinamayan ang matanda. Hinatid niya ito sa labas ng kaniyang opisina at bumalik din sa kaniyang table kaagad.
Tinanggal niya ang mga naka pin na papers at pictures sa board niya, ang mga iyon ay tapos niya nang imbistigahan. Pinrint niya ang picture ni Daryl tsaka idinikit sa board.
Isinulat niya sa tabi ng picture ang word na "Suicide or murder?"
××××××××××××××××××××
BINABASA MO ANG
Concealed Pieces
Misterio / Suspenso(Pieces Trilogy 1) What if a traumatic incident leads to an investigation? The end of one person's life marks the beginning of fear and anxiety for others. What if it wasn't suicide but a murder? The question remains in everyone's mind: Who is truly...