Mapupungay ang mga mata at namumulang tinitigan ni Alea ang sariling mukha sa salamin. Pinilit na ngumiti, hindi niya pa rin matanggap ang kaniyang nakita. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Naka suot siya ng itim na dress para umattend sa burol ni Daryl. Sinabihan na siya ni Carlo na mag pahinga na muna at kahit hindi na pumunta, pero gusto niya parin maihatid at makita man lang sa huling sandali ang kaibigan.
Nasa labas naman si Brian, papasok na ito sa trabaho. "Ate, si mama ah? Tsaka si Alea" bilin nito sa ate na nasa labas ng bahay habang nag didilig ng mga halaman. "Mag iingat ka." Sagot nito sa kapatid. Hindi pa man naka alis si Brian ay dumating ang kotse, sakay niyo sina Carlo, Gerald, Tricia at Carmela. "Bakit ba kailangan pa natin siyang sunduin?" Reklamo ni Tricia at umirap sa kawalan. Makikita din sa mga mata nito ang pamamaga ng talukap. "She's still our friend. At mas masakit pa, ay siya ang nakakita sa bangkay ni Daryl." Sagot ni Carlo at tinanggal ang seatbelt para sunduin si Alea. Tahimik naman at naka sunglasses si Carmela habang nakatingala lang sa kaulapan.
Narinig ni Alea ang katok ng pinto, nakita niya sa reflection ng salamin ang ate nitong si Tina. "Andyan na sila. Okay ka na ba dyan?" Tanong nito habang nakasilip lang sa pinto. "Sige ate, palabas na rin ako." Tumayo na si Alea at naglakad palabas ng bahay. Napansin niyang may kulang sa kamay niya pero hindi niya maalala kung ano iyon kaya hindi niya na pinilit ang sarili na alalahanin pa.
Nakita niya na sa labas si Carlo na naghihintay sa kaniya. Nagkatitigan muna sila bago ngumiti si Carlo pero hindi magawa ni Alea ang tunay na ngiti, kahit ang sapilitan ay hirap siyang gawin iyon. "Let's go." Saad nito bago pumasok sa loob ng kotse.
•••••
Magulo ang buhok at bukas na botunes na polo ang sout ni Red habang naglalakad papunta sa parking ng kaniyang kotse. Pupunta siya sa burol ni Daryl upang simulan ang kaniyang trabaho. Sa pamamagitan noon ay makilala niya ang mga possible suspect. Nagbabakasali siyang nandoon din sa burol ang killer. Sumakay siya sa gray car at nag start ng mag drive. Habang nag mamaneho ay iniisip niya parin ang mga napag aralan niya. Mga pangalan na kinakabisado niya. Yaya Minda- ang katulong ni Daryl, Alea Montessori - ang babaing unang nakakita ng bangkay. Itong dalawang tao ang gusto niya munang makausap at makilala.
Pagdating niya ay katatapos lang din ng ceremony dahil late siya nakarating. Pauwi na ang ilan sa mga umattend. Naka fucos naman siya sa isang babae, naka suot ng itim na dress at tumutulo ang luha, si Alea. Napansin ni Alea ang lalaking kanina pa nakatitig sa kaniya. Ang lungkot na nararamdaman niya ay napalitan iyon ng kaba. 'Sino to?' tanging tanong ni Alea sa kaniyang isip.
Nang mag si uwian na ay pinili ni Alea na mag paiwan mag isa doon dahil hindi niya na rin naman makita ang lalaking stranger. "Bakit parang mas affected pa si Alea sa nangyari kaysa sayo, Carms." Sabi ni Gerald at umakbay kay Tricia habang papunta sila sa kotse ni Carlo. "She was traumatized. Ilang ulit ko pa bang sasabihin sa inyo yun?" Sagot ni Carlo. "Hayaan niyo na siya." Sagot ni Carmela. Napairap naman sa kawalan si Tricia. "Yeah! L-lahat naman tayo apektado. Sobrang sakit na mawala si Daryl." Sagot nito.
•••••
Nasa loob ng kotse si Red, bumalik ito kanina dahil gusto niyang ma tyempuhan na nag iisa si Alea. He did a background check on her, alam niyang matalino ito, at alam niya na gusto ni Alea na mag law. Napapitlag siya sa pagkakaupo at agad na ibinaba ang mga paa na naka patong kanina sa steering wheel at napatitig sa grupo nina Carlo habang naglalakad ito. "Now, where the hell are you?" Bulong nito habang iniisa isa kung kasama ba nila si Alea. Nang hindi niya makita ay napatingin siya loob, at nakita ang isang babaing naka tayo doon. Lumabas siya sa kotse para puntahan si Alea.
Nakita naman ni Alea na papalapit na ang lalaking kanina niya pa kinakatakutan. Akala niya ay umalis na ito, nag punas siya ng luha at mabilis na naglakad paalis. Mabilis naman na sumunod si Red dito. Hindi alam ni Alea kung bakit niya pa naisipang magtago sa mas loob ng sementeryo. May mga malalaking harang or libingan na pwede niyang pagtaguan pero bihira lamang ang tao doon. Hindi na siya nag abala na manghingi ng tulong dahil sapat na iyon para magtago, hindi rin naman siya sigurado kung siya ba talaga ang tunay na pakay ng lalaki.
Nakahinga siya ng maluwag ng hindi na mahagilap ang lalaki. "Bakit ka nagtatago?" Tanong ni Red na ikinagulat ni Alea ng makita sa tabi ang lalaki. Sisigaw na sana siya pero buti nalang ay natakpan kaagad iyon ni Red ng mga kamay niya at pinatahimik. "Hindi kita sasaktan okay?" Sabi nito bago alisin ang kamay sa bibig ni Alea. "Ba-bakit mo ba ako sinusundan?" Tanong ni Alea. "I need to talk to you." Sabi ni Red.
Pumunta sila sa isang malapit na coffee shop. "It's about Daryl's suicide" deritsong sabi ni Red. Napa iwas naman ng tingin si Alea at humigop ng iced coffee gamit ang straw. "A-anong meron?" Tanong niya. Tinitigan ni Red sa mga mata si Alea, pinilit lumaban ni Alea pero nailang siya at umiwas. "I'm gonna tell you a trivia, is it possible that Daryl has been killed? On your perspective since ikaw ang unang naka kita sa kaniya." Tanong ni Red kay Alea. Hindi maintindihan ng dalaga ang tanong na iyon, bakit niya naman naisipang itanong iyon. Hindi naka sagot si Alea kaya muli siyang nagsalita. "Well, he was murdered, Alea." Dagdag ni Red na ikinalaki ng bilugang mata ni Alea.
"M-murdered? Papano, and what made you believe that he was killed?"
"Noong una ay hindi rin ako naniwala, akala ko nagpakamatay talaga siya, but I saw something-"
"What did you saw?" Agad na tanong ni Alea na para bang atat na atat siyang malaman iyon, na kinailangan niya pang putulin ang pagsasalita ni Red. "Nakita ko ang picture ng crime scene...." Inilapag ni Red ang print ng picture sa mesa para maipakita kay Alea, na agad naman nitong tiningnan. ".....at masyadong malayo ang tilapon ng upuan na to, kung ito man ang ginamit ni Daryl na patungan bago ito mag bitay." Turo ni Red sa upuan na tumba at malayo sa nakalambitin na lubid.
"But it's possible to happen. Maaaring napalakas ang pagsipa ni Daryl sa upuan kaya tumalsik ito sa malayo." Napatingin naman si Red kay Alea ng sumagot ito sa theory niya. Nakatingin siya dito na para bang sinisiyasat. "What?" Takang tanong ni Alea. Umiling lang si Red tsaka humigop ng kape. "Why are you opposing my theory?" Deritsong tanong ni Red.
"I-I'm not opposing it, okay? Sinasabi ko lang yung ibang hypothesis na dapat mo ring i'consider." Sagot ni Alea. Napangiti naman si Red. 'Is he on drugs?' tanong nalang ni Alea sa isip ng makita ang pabago bagong mood ng kausap.
"Actually, may point ka naman eh. May nakita pa akong isang evidence..." Inilapag ulit nito ang picture ng mga daliri ni Daryl na may mga mark ng lubid. ".....kung bigla siyang natakot at sinubukang umatras sa pagpapakamatay ay dapat nasa palad nito ang mga mark ng lubid. So isa lang ang ibig sabihin nito. May isang tao ang gumamit ng lubid para sakalin si Daryl at pinilit niya iyong labanan, but he failed." Hindi na sumagot si Alea.
"Sino ka ba? Bakit mo ini-imbistigahan ang kasong to? Sarado na ang case ni Daryl, police ka ba?." Tanong ni Alea kay Red. "Oo nga pala, I forgot to introduce myself. I'm Red, it is nice meeting you Alea." Sagot ni Red.
"Red?"
"It's just my codename. No names, no connection, no weaknesses." Sabi nitong muli. Kumuha ito ng business card at binigay kay Alea, tinanggap naman iyon ni Alea at binasa. "Broker huh?" Sarcastic na sabi ni Alea, from that moment ay alam niya nang hindi ito pulis o agent o private security ng Fallado, but he is a private investigator.
"Katulad nga ng sinabi ko, matalino ka Alea. At sa tingin ko mas makakabuti sa akin ang opposing system mo, so I would like to invite you to join me in this investigation? And always by my side."
Nagulat si Alea sa offer nito, gusto niya pero alam niyang delikado siya dito. Hindi siya ligtas. "B-bakit ako? Hindi nga kami ganun ka close ni Daryl." Tanong ni Alea.
"Because I know you know something! May alam ka Alea." Naka poker face nitong sabi habang nakikipag eye contact kay Alea. "W-what do you mean?" Kinakabahang tanong niya.
"You know how to study a case, so I gotta go. May aasikasuhin pa ako. Tawagan moko kapag nakapag decide ka na. Fyi, kakausapin ko bukas si Yaya Minda. Bye." Sabi ni Red at nauna nang tumayo para umalis. Naiwan naman doon si Alea na nakatingin pa rin sa business card ni Red.
×××××××××××××××

BINABASA MO ANG
Concealed Pieces
Mistério / SuspenseWhat if a traumatic incident leads to an investigation? The end of one person's life marks the beginning of fear and anxiety for others. What if it wasn't suicide but a murder? The question remains in everyone's mind: Who is truly guilty? Who holds...