Gaano kahalaga ang isang buhay para alagaan ito ng mabuti?Iingatan mo ba ito o hahayaang mabulok nalang kasing bulok ng bulok na kamatis na unti unting naglalaho?
Ang buhay ay parang isang unsolved puzzle dahil puno ito ng mga bahagi na hindi laging tumutugma o malinaw sa simula.
Kagaya ng puzzle, hindi natin agad nakikita ang buong larawan. Kailangan natin ng tiyaga, diskarte, at oras para mailagay ang bawat piraso sa tamang lugar.
May mga pagkakataong tila wala tayong makitang tamang piraso o hindi natin alam kung paano simulan, pero sa bawat subok at pagsusumikap, nagkakaroon tayo ng mas malinaw na direksyon.
Katulad din ng isang puzzle, ang buhay ay may mga bahagi na tila hindi akma—mga hamon, pagkakamali, o pagsubok.
Ngunit sa paglipas ng panahon, natutunan nating pagtagpi-tagpiin ang mga ito, at doon natin nakikita ang kahulugan ng mga nangyari.
Hindi natin alam kung saan tutungo, kung matatapos ba nating matuwasay o tuluyan nating masisira ang larawan.
Ang concealed piece sa isang puzzle ay parang mga nakatagong parte ng katotohanan sa buhay.
Madalas, may mga bahagi ng ating karanasan o katotohanang hindi agad natin nakikita o nauunawaan.
Mga bagay na maaaring hindi kapansin-pansin o sadyang tinatago para pansamantalang hindi masaktan o magulo ang pananaw natin.
Sa paglalantad ng mga pirasong ito, nakakabuo tayo ng mas malinaw na larawan ng katotohanan.
Ito ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng mga karanasan, pagsisiyasat, o sa pagbibigay-linaw ng mga tao at pangyayari sa paligid natin.
Tulad ng isang puzzle, kapag nahanap natin ang mga pirasong ito at nalagay sa tamang pwesto, mas nagiging buo at totoo ang kabuuan ng larawan.
Ang pag hahangad ng katotohanan ay nangangailangan ng tapang, dahil ang mga nakatagong bahagi ay maaaring magdulot ng sakit o kaya'y kamatayan.
Ngunit ito rin ang nagiging daan upang mas maunawaan natin ang nangyari, ang ating buhay, at ang ating lugar sa mundo nang mas makatotohanan at totoo.
Ang buhay ay isang puzzle, walang kasiguradohan, WALANG SIGURADO.
'Ang nakabaon sa lupa ay dapat nang limutin at huwag nang ungkatin!'
"There's a su*c*de happened in my friend's room, he's there, HE'S THERE.... I am the only witness, I am the first one found his d*ad body hanging from the ceiling."
Rein_glux
presents............
Concealed Pieces
All Rights Reserved 2024
__________________
Enjoy reading reiniesssss. Sana ay matulungan ninyo akong hanapin ang concealed piece hanggang sa dulo nitong kwento. Lovelots.......
BINABASA MO ANG
Concealed Pieces
Misterio / Suspenso(Pieces Trilogy 1) What if a traumatic incident leads to an investigation? The end of one person's life marks the beginning of fear and anxiety for others. What if it wasn't suicide but a murder? The question remains in everyone's mind: Who is truly...