Isang buwan na mula nang huli kong makitang ngumiti si mama at papa, napa ngiti ako nang makita kung paano nila ngitian ang customer na bumibili. Nagtitinda na pala sila ng barbeque-han sa labas ng bahay.
“ are we going to stare at them? ” tanong ni Damian
Huminga naman ako ng malalim, “ namiss ko sila. ” bulong ko habang pinagmamasdan si mama at papa
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kotse at lumabas habang hindi inaalis ang tingin ko kay mama at papa
Nagsimula na akong maglakad papalapit sakanila nang biglang may masayang dalaga na lumapit sakanilang dalawa at niyakap ito
Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko nang makita ko sila kung gaano kasaya. Siya 'yung dalagang nakita ko sa litratong pinakita ni Damian
Ang saya nila...
I bit my lower lip upang pigilan ang pag buhos ng luha ko. Umatras ang mga paa ko at tatalikod na sana nang biglang hawakan ni Damian ang kamay ko
“ let's go. ” aniya at naglakad na hanggang sa tumigil kame sa harap nila. Hindi pa nila kame agad na napansin dahil abala sila sa pag kukulitan. Pilit akong ngumiti habang pinagmamasdan sila, napahigpit din ang kapit ko sa kamay ni Damian
Mas okay na siguro 'tong nakikita ko silang masaya kahit wala ako, kesa naman sa nalulungkot sila dahil nawala ako.
“ A-avril... ” hindi ko namalayan na nasa amin na pala ang atensyon nila, ngumiti naman ako
“ ma.. pa.. ” mabilis silang lumapit sakin at agad akong niyakap. Binitawan ni Damian ang kamay ko kaya malaya ko silang naiyakap pabalik
Namiss ko ang mahigpit na yakap nila. Naalala kong kapag pagod ako ay bigla-bigla kona lang silang niyayakap.
Ilang minuto kameng tahimik habang naka upo sa sofa, nakayuko lamang si mama at papa. Bakit pakiramdam ko ay magkakilala na sila ni Damian
Lumipad naman ang tingin ko sa dalagang katabi nila
“ ah, si Dayne anak, anak siya ng kakilala ng papa mo, hindi pa nagtatagal mula noong namâtay ang magulang niya, wala na siyang ibang kamag-anak kaya sinabi namin ng papa mo na dito nalang siya. ” pagpapaliwanag ni mama nang mapansin nito na pinagmamasdan ko ang dalaga
Ngumiti naman ako at tumango na lamang
“ b-boss- ” narinig kong tawag ni papa kay Damian ngunit agad na sinipa ni mama ang paa ni papa
“ boss? ” takhang tanong ko sabay tingin kay Damian
“ a-ah, kasi mukha siyang hindi ordinaryong tao, boss, gusto mo ba ng maiinom? ” tanong ni papa kay Damian
“ Hindi na, Thank you. ”
“ ma, pa. isang buwan po akong nawala, hindi niyo man lang tinanong kung anong nangyari sa'kin, kung nasaan ako sa loob ng isang buwan... ” saad ko sabay tingin kay Damian
“ ano po ba talaga ang koneksyon niyo? ” naguguluhang tanong ko
“ Anak... ”
“ gusto ko pong malaman 'yung totoo. ” wika ko, nakita kong pareho silang napatingin kay Damian. Ang mga tingin na 'yon ay tila nagtatanong kung dapat ba talaga nilang sabihin sa'kin ang totoo
“ ang sabi ni Damian hindi raw po kayo ang totoo kong mga magulang, hindi naman po totoo 'yon diba? Naikwento niyo pa nga sa'kin kung gaano kayo kasaya noong unang beses niyo akong masilayan e. ” pilit akong ngumiti kasabay non ang pag tulo ng luha ko
YOU ARE READING
RUN AWAY FROM MY EVIL HUSBAND
RomanceAng dalagang walang ibang hangad kundi ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang gusto niya lang ay ang matupad ang pangarap niya para mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang nitong malaki ang saksipisyo para sakanya. But what i...