lean yung katawan niya at may mga muscles. Binuksan muna niya yung computer niya dahil dun daw kami magpapatugtog. Habang ginagawa niya 'yon, tinitigan ko yung mukha niya. Ang amo pala nun. Ang pupungay ng mata niya tapos yung ilong niya, katamtaman lang yung tangos. Yung labi niya ay ang pupula din. Bigla akong nag-iba ng tingin. Baka kasi mahuli niya ko.
"May dala ka bang damit?" tanong niya sa akin.
"Wala eh. Pupunta pa sana muna ako ng dorm para kumuha bago tayo magkita. Eh kaso andun ka na agad pagbaba ko."
"Ano ba yan. Puro pa dahilan eh. Hayaan mo na nga. Pahihiramin na lang kita pagkatapos. Pero, huy, labhan mo yun bago mo ibalik ah!"
Hindi na lang ako sumagot.
Pinatugtog na niya yung kantang gagamitin namin. Kinuha din niya sa bag niya yung papel na binunot niya kahapon sa class.
"Ako na gagawa ng steps. Sauluhin mo na lang, ok? Yun na lang gagawin mo para hindi mo na ko ipahamak." Nang-inis na naman si Jeff.
Nakaupo pa rin ako sa sofa habang siya ay nakatayo na at nagstart na gumawa ng steps. Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya. Namangha kasi ako habang nagsasayaw siya. Mga 30 minutes ding hindi ko siya ginugulo para makagawa na siya ng routine namin.
"O halika na dito, ituturo ko na sa'yo. Sauluhin mo 'to ah!"
Tumayo na ko at tumabi sa kanya. Medyo tinulak niya ko palayo. Baka daw kasi masipa ko nanaman siya. Nang tiningnan ko yung binti niya na nasipa ko, may marka pa rin ng pasa. Talaga palang nasaktan siya. Kaya siguro galit sa akin tong mokong na 'to.
Nahihirapan akong makuha yung binuo niyang steps. Bigla atang naging parehong kaliwa paa ko. Pero ang pi nagtataka ko ay kung bakit hindi niya ko inaasar at hindi siya nagagalit sa akin. Hinayaan ko na lang. Ang inisip ko na lang, baka biglang hinipan ng hangin at bumait.
Mga isang oras na niya kong tinuturuan pero kalahati pa lang ng routine yung nakukuha ko.
"Ano bay an Bryan. Pinapagod mo lang ako eh. Ang hirap mo naman turuan eh." Halata kong inis na siya sakin.
"Sorry." Yun lang ang nasabi ko sa kanya habang nakaupo sa sofa at nakayuko.
"O sige na tama na muna yan. Kumain na lang muna tayo sa baba." Bago kami bumaba ay kinuhanan muna niya ako ng damit. Nagpalit ako sa CR niya sa loob ng room.
Bumaba na nga kami at pumunta sa dining area nila. Manghang mangha pa rin ako sa laki ng bahay nila. Pansamantala kong nakalimutan yung pagod at hiya ko ng nakita ko yung laki at ayos ng dining table nila. Ang haba ng mesa nila, kasya ata lampas sampung tao dun eh. Umupo kami sa isang dulo ng mesa.
"Sir Jeff, bakit po bumaba kayo? Ang akala ko ba ay dadalhin ko na lang sa inyo sa taas?" tanong ng kasambahay nila.
"Ay wag na manang, tapos na rin naman kasi kami magpractice kaya bumaba na lang kami."
Inilabas na ni manang yung mga pagkain. Tatlong putahe yung nilabas nila. Nagtaka ako kung bakit madami eh mukha naming kaming dalawa lang yung kakain.
"Manang, sumabay na po kayo sa amin. Ang daming ulam, kaming dalawa lang naman ang kakain," paanyaya ni Jeff kay manang. Napangiti na lang ako dahil sa sobang kabaitan ni Jeff sa kasambahay nila. Tumanggi si manang at biglang dumiretso papalabas ng bahay ng may bumusina.
Biglang napatayo si Jeff sa kinauupuan niya. Ng tiningnan ko kung sino yung dumating, natakot ako sa itsura niya. Ang tangkad niya na dinagdagan pa ng tuwid niyang tindig. Ang seryoso din ng mukha niya pero hindi mo maipagkakailang may itsura. Magkamukha nga sila ni Jeff eh.
"Good evening, Dad. This is my classmate Bryan. We were just practicing for our midterm exams for our PE class."
Nagulat ako sa itsura ni Jeff. Parang kabado siya. Ang stiff ng itsura niya habang nakatayo. Medyo nailang naman ako ng tinitigan ako ng daddy nya. Hindi nga ko nakagalaw sa upuan. Hindi rin ako makasubo o makanguya man lang. Medyo nakahinga lang ako ng maluwag ng biglang tumalikod ang tatay ni Jeff at naglakad paalis.
"Bakit parang takot na takot ka sa tatay mo?" tanong k okay Jeff.
"Wag ka na nga magtanong. Ubusin mo na yang kinakain mo tapos umalis ka na. Bwisit," galit na sambit ni Jeff. Nainis ako sa sinabi niya pero pinigilan ko sarili ko dahil bahay nila 'yun at nirerespeto ko pa naman si Jeff kait papano kahit ang sama niya sa akin.
Ng tapos na kami kumain ay inihatid na niya ko sa may garahe nila.
"Bryan, pasensya na kanina nung nasigawan kita sa dining area. Nababad trip lang talaga ako pag nakikita ko si Dad eh. Ipapahatid na kita sa driver namin, gabi na eh, mahihirapan ka ng bumalik sa dorm nyo.
"Sige salamat. Pasensya na rin pala kung talaga nahihirapan ako magsayaw. Magpapractice na lang ako sa bahay."
"Talagang magpractice ka, hindi pa magandang tingnan yung pagsasayaw mo eh." Uuwi na nga lang ako, inasar pa ko ni Jeff. Pero may iba sa pang-aasar nyang yun. Hindi katulad ng pang-aasar niya dati. Nakangiti siya nung sinabi niya yun. Hindi siya pagalit nagsalita. Kaya imbes na mainis ay natawa na lang din ako. Sumakay na ko sa sasakyan nila at nagpaalam na sa kanya.
Nakatulog ako sa biyahe. Siguro dahil sa pagod kakapractice. Mabuti na lang at alam pala ng driver nila kung saan ako nakatira.
Dear Mama,
Sorry kung ang salbahe ko sa kanya. Aaminin ko nung una nainis po talaga ako nung nasipa niya ko. Ang sakit kasi nun mama eh. Pero after nun, hindi naman na ko galit. Kaya ko lang naman nilagyan ng papel yung locker niya para mainis siya sa akin. Ang akala ko kapag ginawa ko yun ay unti-unting mawawala yung alam niyo na Mama. Pero mali ako eh. Alam nyo naman kung bakit diba? Nasabi ko na sa inyo yun mama. Natuwa nga ko nung nagpractice kami ng steps. Ang cute niya magsayaw. Parang bata lang. pero as usual mama, natakot nanaman ako pag-uwi ni daddy. Alam ko galit pa rin siya sa akin. Mama kaya ko na naman sarili ko eh, pero pakitulungan na lang ako kay Daddy. Thanks Ma. I love you so much. I miss you.
![](https://img.wattpad.com/cover/29527141-288-k913947.jpg)