WEEK 1 DAY 4
Nauna akong nagising kay Mike. Naramdaman kong nakayap siya sa akin kaya dahan-dhana akong umalis at tumayo. Lumabas ako para bumili ng agahan namin. Pandesal lang ang binili ko dahil may palaman pa naman akong nakita sa kanila. Pagbalik ko ay gising na din pala si Mike.
"Bry sorry niyakap kita ah, gininaw kasi ako kanina eh."
"Ok lang, as if naman hindi mo lagi ginagawa yun. Basta ba wag mo ko ipitin masyado ok lang. Halika na, kain na tayo. Bumili ako ng pandesal."
Kumain kami sa may table at nagkuwentuhan pa rin.
"May lakad ka ngayon Bry?"
"May practice kami ni Jeff ng 1pm pero dun na niya ako pinapakain ng lunch."
"Oh okay."
"Bakit?"
"Wala lang. Gusto mo ng kape? Magtitimpla ako."
Mga 9am ako umalis kina Mike. Nagtext si Jeff na hindi niya ako masusundo dahil may ginagawa daw siya. Ok lang naman sa akin yun dahil nahihya na rin ako na sundo't hated pa ako kapag nagpupunta sa kanila. Tinext niya sa akin yung directions papunta sa kanila.
Umuwi muna ako ng dorm para maligo at kumuha ng gamit tapos ay dumiretso na ako sa kanila. Madali lang naman ang biyahe dahil weekend na nga. Mga 10:30 ako nakarating sasubdivision nila. Medyo nag-alala nga ako kung papapasukin pa ko dun. Itetext ko n asana si Jeff nang kausapin ako ng guard na nasa post.
"Sir Bryan, ito po yung written directions papunta sa bahay nina Sir Jeffrey." Iniabot sa akin yung papel na may nakalagay na directions. Mukhang si Jeff yung nagsulat. Kasama nun ay isang picture ko. Kaya pala kilala ako nung guard. Nagtaka ako kung saan nakuha ni Jeff yung picture ko.
Naglakad ako papunta sa bahay nila. Ang layo pala nun. Halos 15 minutes din akong naglakad bago nakarating doon. Pagpindot ko sa doorbell ay si manang ang sumalubong sa akin. Pinapadiretso niya ako sa kitchen dahil andun daw si Jeff. Pagpasok ko pa lang sa living room nila ay may naamoy na kong mabango kaya dumiretso na ako sa kitchen. Natuwa ako ng makita kong si Jeff na may suot na apron at nagluluto. Nakita niyo ko sa may kitchen door na pinapanood siya.
"Uy andyan ka na pala. Kanina ka pa?"
"Kararating ko lang. Marunong ka pala magluto."
"I used to watch Mama every time she cooked."
"That's great! Ano niluluto mo?"
"Well, may buffet tayo. We have kare-kare, chicken adobo, sisig, pesto and vegetable salad. And for our dessert, I made your favorite blueberry cheesecake."
"Wow, favorite ko lahat yan ah. Pano mo nalaman yang mga yan?"
"Kay Alvin, I asked him yesterday kung ano gusto mong pagkain."
"Bakit kailangan puro favorite ko iluto mo?"
"Eh syempre, you're my guest. Ayoko naman mapahiya ano. Wait, malapit ko na matapos. If you want, dun ka muna sa room ko."
"Dito lang ako, panonoorin kita."
"Oh ok. Sige. Sana wag ako maconscious sa presence mo."
"I doubt."
"Ang yabang mo naman!"
"Parang ikaw lang."
Nagtawanan kaming dalawa.
Thirty minutes pa siyang nagluto. Tapos nun ay hinanda niya na yung table sa may dining area. Tumulong ako sa pag-aayos. Nung una ay ayaw pa niya pero nagpumilit ako kaya wala na rin siyang nagawa.
Sobrang natuwa ako sa effort niya na lutuin lahat ng gusto ko. Lalo ko tuloy siyang nagustuhan. Para siyang perfect man na pinapangarap ng lahat ng mga babae at ng mga katulad ko. Kaya nga ang swerte ko dahil kaibigan ko ang isang tulad niya tapos pinaglutuan pa ko.
"Let's eat!" Kasabay naming kumain sina manang, yung dalawa pa nilang maids at si kuya driver. Dito ko napatunayan kung gaano talaga kabait si Jeff dahil siya pa mismo naglagay ng pagkain sa aming lahat.
Naging Masaya yung lunch naming. Kwentuhan dito, kwentuhan doon. Lahat pala ng kasama nila sa bahay ay kamag-anak ng mama ni Jeff at lahat sila ay natulungan nito kaya kahit wala na siya, ay inaalagaan pa rin nila ang anak nitong si Jeff.
"Alam mo na sa ilang araw na pumupunta ka rito ay laging good mood yang si Sir Jeff," pag-amin ni manang.
Medyo nalito ako sa sinabi ni manang. Tiningnan ko si Jeff na parang nahihintay ng eksplanasyon.
"Manang, huwag mo naman akong ibuko. Alam mo namang wala ako masyadong malapit na kaibigan. Natutuwa lang ako na ngayon ay meron na." Medyo naiilang si Jeff habang nagsasalita.
"Masaya din naman po ako manang na nakilala ko si Jeff kahit nung una, isa siya sa pinaka ayaw ko sa school dahil iniinis niya ko madalas."
"Hay naku hijo, kung alam alam mo lang kung bakit yun ginawa ni Jeff," sabi ni manang.
"Manang, kain na lang po tayo. Medyo marami na kasi tayong nasasabi eh," patawang sabi ni Jeff.
Natapos na nga kami sa pagkain. Nagligpit na sina manang habang kami naman ni Jeff ay umakyat na sa room nya para magparactice ulit.
Ang tagal naming nagsayaw ng nagsayaw. Mga 4pm nang dalhan kami ni manang ng merienda sa kwarto. Nagpahinga lang kami saglit. Nagkukwentuhan kami ni Jeff ng biglang pumasok yung dad niya.
"Jeffrey let's talk, " seryosong sabi ng dad ni Jeff. Tumingin siya sa akin. "You can leave now."
"Dad what do you think you're doing? We're practicing for our exam," pasigaw na sagot ni Jeff.
"Hijo you can leave now," pagpupumilit ng daddy niya. Nagpaalam na ko kay Jeff at sa dad niya. Bumaba na ko at nagpaalam na rin kina manang. Nagcommute na lang ako pauwi. Tinext ko si Jeff na ok lang sa akin yung nangyari at kinamusta ko na rin siya. Pero hindi siya nagreply. Nakauwi na ko sa dorm pero hindi pa rin siya nagrereply.
Nakailang text pa ako kay Jeff pero talagang walang reply mula sa kanya. Inisip ko na baka nagtalo sila ng daddy nila at wala siya sa mood ngayon. Nag-alala lang naman ako dahil baka kung ano gawin nun.
Hindi ako agad nakatulog nang gabing yun dahil wala pa rin talaga akong balita kay Jeff. Sobra yung pag-aalala ko sa kanya. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Siguro nga, gusto ko na talaga siya. Tsaka kaibigan ko din siya kaya may dahilan para mag-alala ako.
Buong araw ng Linggo ay wala akong nabalitaan tungkol sa kanya. Wala rin akong makausap ng araw na iyon dahil umuwi si Mike sa bahay nila kaya ako nasa loob lang ako ng room ko nang araw na iyon. Sinubukan kong magreview ng lessons ko pero sadyang hindi ko maalis sa isip ko si Jeff. Ni hindi man lang kasi siya nagpaparamdam sa akin. Ang ginawa ko ay pinanood ko yung video na ginawa nya para sa routine namin. Habang pinapanood ko yun ay hindi ko mapigilan na mangiti. Pero ng kalaunan ay naluha ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil alam nag-aalala lang ako sa kanya. Siguro dahil gusto ko lang malaman kung anon a lagay niya. O siguro dahil alam ko sa sarili kong gusting gusto ko siya pero hindi ko yun pwede sabihin sa kanya dahil alam kong wala din namang mangyayari. Sisirain ko lang pagkakaibigan namin. At isa pa, hindi ko alam kung handa na ko na maramdaman yung bagay na iyon para sa isang lalaki. Oo tanggap ko na sa sarili ko na bading ako, pero yung magkagusto sa isang lalaki, hindi ko alam kung handa na ko. Hindi ko alam kung handa na kong aminin yun sa kanya. Hindi ko alam kung handa na kong aminin yun sa sarili ko. At hindi ko alam kung handa na kong malaman ng ibang tao na nagmamahal ako ng isang lalaki.
Sa sandaling panahon na magkasama kami niJeff at nakilala ko siya ng unti-unti, lagi akong masaya. Lagi niya kong pinapatawa kahit paminsan ay inaasar niya ko. Sa palagay ko nga, part na ng appeal niya yung pang-aasar niya. Alam kong kahit papano mahalaga din ako sa kanya dahil nagawa na nga nya kong lutuan at mabait siya sa mga kaibigan ko.
Biglang may pumasok sa isip ko. Pero baka naman nag-aakala lang ako. Baka naman gusto din niya ako. Baka naman gusto ako ni Jeff. Pero imposible. Alam kong ang mga pinapakita niya ay sa kadahilanang magkaibigan kami. Pinapaasa ko lang ang sarili ko.
Makailang beses ko rin pinanood yung video habang naghihintay ng text mula sa kanya. Hindi ko na siya tinext dahil baka makulitan lang sa akin.