Matapos magexam ng buong class ay dinismiss na kami ni sir. Nagpalit muna ako ng damit sa may locker area Samantalang si Jeff ay naghintay na sa labas ng gym.
"Wala ka bang dalang gamit? Basang basa ka ng pawis oh," sita ko sa kanya.
"Meron sa kotse. Hindi ko na lang nakuha kanina dahil nagmamadali ako. Halika dun tayo mag-usap sa kotse."
Nang nasa loob na kami ng kotse ay kinuha ni Jeff ang bag niya at inilabas ang shirt niya. Hinubad niya ang basing-basa niyang damit at dun ko unang nakita si Jeff na walang suot na shirt. Hindi ko mapagiling hindi tingnan ang katawan niya. Mas maganda ito kesa sa inakala ko nung una ko siyang makitang nakasando sa bahay nila. Umiwas ako ng tingin para hindi niya mahalatang tinitingnan ko siya.
Matapos niyang magbihis ay nagsuklay siya ng kaunti at biglang hinawakan ang isa kong kamay.
"Bryan, I'm so sorry na hindi ako nagparamdam sa iyo ng ilang araw. Ni hindi man lang kita naitext. Nagkaproblema kasi sa bahay," umpisa niyang pagpapaliwanag."
"Alam ko na nag-away kayo ng dad mo pero sana man lang nagtext ka kahit isang beses para alam kong buhay ka pa. Nag-aalala din naman ako kahit papano," sabi ko sa kanya.
"I know and I'm sorry." Nang mga oras na ito ay binitawan na niya ang kamay ko at umupo ng tuwid habang ang kamay ay nilagay niya sa manibela. "Nagalit yung dad ko nang malaman niyang pinagluto kita ng pagkain."
"What? Dahil lang dun kaya siya nagalit? I'm sorry. Kasalanan kop ala ang lahat."
"Wala kang kasalanan. Ayaw lang niya na ganun ang kilos ko para sa isang lalaki. May sasabihin ako sa'yo Bryan. Wala ni isa man sa mga kaibigan ko ang may alam nito."
"Ano yun Jeff?"
Humarap ulit sa akin si Jeff. "I am gay, and both my parents no about it. Sinabi ko yun sa kanila two years ago. Nagkaboyfriend ako when I was still a freshman. Nakilala ko siya nung umattend ako ng isang dance workshop. Nagtrain din siya dun. Naging close kami hanggang sa nahulog loob namin sa isa't isa. Sa kagustuhan ong maging legal kami sa magulang ko ay inamin ko sa kanila that I'm gay at may boyfriend ako. Naintindihan ako ni Mama. Ang sabi niya ay ok lang daw iyon sa kanya basta daw masaya ako. Pero iba ang nangyari kay dad. Nung una, sabi nya ay nasa identity crisis lang daw ako at malalampasan ko rin daw yun. Pero alam ko sa sarili kong hindi na ko nalilito sa pagkatao ko. High school pa lang aya alam ko nang hindi ako straight. Never akong nagkagusto sa babae. Madalas ay napapansin ko pag gwapo ang isang lalaki. Nang sabihin ko yun sa kanya ay dun na nag-umpisang maging tuluyang malamig ang pakikitungo sa akin ni Dad."
Hindi ako makapagsalita sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya. Gulat na gulat pa rin ako habang tuloy lang sa pagkuwento si Jeff.
"Kaya nung tinanong mo ako noon kung nagkaroon na ko ng girlfriend ay humindi ako dahil yun naman talaga ang totoo. You never asked me if I ever had a boyfriend that's why I did not tell you."
"Kaya nagalit si dad nung nalaman niya kina manang na nilutuan ng lunch dahil nagpapakabakla nanaman daw ako ng dahil sa lalaki. Nagsagutan kaming dalawa tapos naglayas ako. Nakitira ako sa cousin ko. Naiwan ko yung phone ko sa bahay kaya hindi kita natext. Hindi ako makapasok sa class dahil pinafreeze ni dad lahat ng bank accounts ko. Eh yung perang hawak ko, sakto lang para sa pagkain ko. Buti nga pinahiram ako ng pinsan ko ng pang-gas sa kotse."
"Edi sana sinabi mo sa kanya na magkaibigan lang tayo kaya ka nagluto," sabi ko sa kanya."
"Ayoko namang magsinungaling sa kanya. Pwede nya kong sumbatan na wala akong utang na loob, na bakla ako, na immoral ako, pero hindi niya masasabing sinungaling ako. Gusto ko na may isang bagay siya na hindi niya masasabi tungkol sa akin."