Chapter 4 (Day 3)

4.2K 92 0
                                    

WEEK 1 DAY 3

Nakatulog na pala ako kagabi. Hindi ako nagmamadali dahil 11:30 pa naman ang first class ko at 8:00 pa lang. Kumain ako ng breakfast at nagreview ng lesson.

Mike: Good morning. Musta best friend ko?

Ako: Ito kakagising lang. Napagod ako sa practice namin kagabi. Meron na naman mamaya.

Mike: Araw-araw ba dapat talaga practice niyo? Hindi ka na nakakasama sa amin magdinner ah.

Ako: Oo, kailangan kasi Mike eh. Hayaan nyo, pagkatapos ng midterm namin, balik na ko sa normal. Hehe

Mike: Sana nga...

Ako: Oo naman. J

Mike: O sige, kita tayo mamaya after ng class mo ah.

Ako: O sige.

*****

Jeff: Bryan, good morning, nasaulo mo na ba steps natin? Hahaha

Ako: Pinanood ko kagabi, nagpractice din ako. Medyo kaya ko na. Konting tiis pa.

Jeff: May magagawa ba ako? Haha. Joke. Hindi nga pala ako makakapasok ngayon so text mo na lang ako kung anong oras tapos ng class mo para masundo kita.

Ako: Bakit hindi ka papasok? Ang layo naman pag sinundo mo pa ko. Magcocommute na lang ako, text mo na lang sa kin directions papunta sa inyo.

Jeff: Sunduin na kita. Ako naman magdadrive eh, bakit ka pa nag-aalala kun g malayo? O siya sige, tulog na muna ulit ako. Haha. Basta magtext ka lang.

Tapos na ang kaisa-isang class ko kapag Friday. Pumunta agad ako sa may fishbolan sa tapat ng college naming at nadatnan ko doon sina Mike.

"Bry, labas tayo ngayon. Timezone tayo, manlilibre daw si Alvin. Haha," patawang sabi ni Mike.

"Hindi ako pwede eh, may practice ulit kami ni Jeff eh."

"Hoy Bry, gwapo yung Jeff na yun ah. Pumapatol ba? Pakilala mo ako dali. Nagsasawa na ko dito kay Mike eh." Si Alvin ay ang kaisa-isa naming kaibigan sa tropa na out. Nakilala na namin siyang ganun at masaya kami dahil kaibigan namin siya. Vocal din siya sa pagsasabing type niya si Mike. Sinasakyan lang ni Mike ang kalokohan niya dahil alam din naman nilang dalawa na walang mangyayari sa kanila.

"Sa itsurang nun ni Jeff, mukhang nambubugbog pa yun. Haha. Joke lang. Bigla ngang bumait sa akin eh. Naalala niyo yung kwento kong nang-aasar sa akin sa PE. Siya yun eh."

"O siya. Sige na Bry, sumama ka na, alis na tayo ngayon. Sagot na kita," paanyaya pa rin ni Mike na biglang iniba ng usapan.

"O sige sama ako pero hanggang 4pm lang ako ah. Kelangan talagang magpractice eh."

Nagtaxi na kami papuntang Tri Noma. Ako, si Mike, Alvin at dalawa naming kaibigang babae ang magkakasama. Madalas talaga kami sa Timezone. Dun naming inuubos allowance naming. Ang nilalaro lang naman naming dun ay basketball, air hockey at dance revo. Si Mike ang gumastos sa akin ngayon. Medyo nakonsensya nga ako dahil alam ko naming gusto niyang makasama ako sa lakad ng magkakaibigan.

Nilapitan ko si Mike habang naglalaro sina Alvin ng dance revo. "Mike, huwag ka ng magtampo sa akin. Ayoko din lang kasing bumagsak. PE lang yun tapos ibabagsak ko pa."

Humarap sa akin si Mike. "Hindi naman ako galit. Namimiss ka na lang namin. Miss ko na best friend ko."

Inakbayan ko na lang siya it hinila papalapit kina Alvin. Naglaro kami ng naglaro. Nakagastos na ata sila ng mahigit 500 pesos kakalaro lang naming.

Mga bandang 3pm ay tinext ko na si Jeff na sa Tri Noma na lang ako sunduin. Nagreply agad siya na paalis na at hintayin na lang daw siya.

Mga bandang 4 ng hapon ay nagtext na si jeff na nasa mall na daw siya at nagtatanong kung nasaan na ako. Nireplyan ko siya at sinabing nasa Timezone.

After All - BoyXBoy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon