WEEK 1 DAY 2
Pagpasok ko ng PE class namin, medyo nanibago ako na walang nang-aasar sa akin. Andun si Jeff pero hindi niya ko pinapansin. Mas gusto ko nay un kesa naman pagtripan niya ko.
Natapos na "mapayapa" ang PE class ko. Nireview lan g sa amin ni sir yung naituro na niya.
Nagkita ulit kami ni Mike sasusunod kong class. As usual, kwentuhan lang tungkol sa mga bagay-bagay. Madalas ko siyang binibiro tungkol sa love life nya. Halos isang taon na kasi siyang walang girlfriend. Yung huli niyang nakwento sa akin ay yung kaklase nya nung high school at nagbreak sila dahil nagmigrate na sa US yung pamilya nung babae.
"Mike, wala ka pa bang ikukwento saking bago? Malapit na magpasko ah. Dapat may bago ka ng chikababes," pang-aasar ko kay Mike.
"Tsaka na pagkagraduate natin. Hindi naman ako nagmamadali. At sa tingin ko, hindi pa narerealize ng taong yun na mahal nya ako. "
"Ang drama ng best friend ko ah. Sabagay, mahirap din yung ngayon ka pag magkakagirlfriend. Gagraduate na tayo eh, mahihirapan kayo pag nagtatrabaho ka na." Totoo naman kasing mahirap pagkasyahin ang oras mo sa trabaho at sa karelasyon mo. Hindi ko pa naman iyon nararanasan. Feeling ko lang naman. J
Nagulat ako sa susunod na tinanong ni Mike. "Ikaw Bry, wala ka bang ipapakilalang girlfriend o boyfriend sa akin?"
"Gago, boyfriend ka dyan. Tigil-tigilan mo nga ko," painis kong sabi. Hindi ko alam kung nagloloko lang siya o nahalata na niya kung ano ako.
"Joke lang, ito naman. Malay ko ba. Basta pag meron, kahit sino pa yan, pakilala mo sa akin ah. Para mahusgahan na tin. Hehe. Bigla ka naman naging defensive. Bakit pag ako ang nagkaboyfriend, magugulat ka?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Nanlaki mata ko. "Bakit Mike, are you gay?"
"Of course not. Alam mo naming playboy ako. Pero ang sa akin lang, kung lalaki talaga para sa akin, edi hahayaan ko na lang. I'm not closing my doors. Haha. Baka kasi love na tapos nag-inarte pa ako. Edi ako pa mawawalan kung ganun. Haha. Pero so far, mukha namang straight pa ko." Ang lakas ng tawa ni Mike nung sabihin niya yun. Pinagtinginan nga kami ng classmates naming. Hindi ko lang alam kung narinig nila yung sinabi niya.
Gwapo kung sa gwapo si Mike. Isa siya sa pinakahabulin sa college namin. Isa din siya dun sa iilang lalaki na taga CMC na hindi pinagkamalang bading ng mga chismosang babae. Syempre, pangarap din nilang mapasakanila si Mike. Pero bigo sila. Nang magbreak si Mike at yung huli niyang girlfriend, parang nawalan na siya ng interes na pumasok sa isang relasyon. Madalas ay nag-aaral na lang siya o gumigimik kasama mga kaibigian niya. Madalas kami magkasama, kumakain kasama ng mga friends namin sa organization.
Isang beses may nagbigay kay Mike ng isang box ng chocolates. Pinaabot lang sa guard. Ng tanungin niya kung sino, hindi sinabi ng guard. Makalipas ang ilang araw, nagpakilala na yung nagbigay sa kanya ng chocolates. Isang lalaki na taga College of Music. Magkatabi lang ang building namin.
Nagulat kami sa ginawa nung lalaki. Tinanong niya si Mike sa harap naming lahat kung pwede siyang manligaw. Inabangan namin yung sasabihin ni Mike. Alam naming hindi siya magagalit kaya hindi kami natatakot na magkaron ng eskandalo.
"I'm sorry pero hindi kasi ok for me yung ganito. I'm very flattered pero hindi talaga ako interested. It's better na sabihin ko sayo ngayon na. ayaw din kasi kita paasahin."
Mabuti na lang at naintindihan nung lalaki at umalis na lamang siya.
Kung hindi ko lang talaga kaibigan itong si Mike, nagkagusto na rin ako sa kanya. Pero masyado kong pinapahalagahan yung pagkakaibigan namin para dungisan lang ng pagkagusto sa kanya. And besides, masayang masaya ako sa kung anong meron kami ngayon.