"Musta? Buti naman naisipan mo kong tawagan. Dapat pala kinuhak o na lang number mo eh. Kala ko wala ka ng balak magpakita sa akin," sabi ni Mike ng dumating siya sa isang restaurant sa mall malapit sa opisina nila.
"Wala ring use kahit kinuha mo number ko. Nawalan ako ng phone, eh. Buti nga card tong binigay mo sa akin."
"Buti phone mo lang nawala. Teka, bakit ka nga pala napatawag?"
"Gusto ko lang makita best friend ko."
Kinuwento ko sa kanya ang ginawa ni Jeff. Nagtataka siya kung bakit kami pa rin hanggang ngayon.
"Hindi ko na rin kasi maimagine sarili ko na hindi siya kasama eh."
"Pero niloko ka niya."
"Tanga na lang din naman kasi ang mag-iisip na posible pa rin na magkaron ng perfect relationship," sabi ko kay Mike.
"Wala naman talaga perfect pero posible pa rin magkaro nng faithful relationship," tugon niya.
"Pano pag wala ng iba Mike? Pano pag siya lang talaga para sa akin?"
"Ewan ko sayo Bry."
"Ikaw naman din nagsabi sa akin na maybe there's just one person fated to love you."
"Kaya nga 'maybe' Bry eh. Ibig sabihin hindi sure."
"Mahal naman niya ko Mike."
"You know sometimes love can't do all the magic."
Matapos ng pag-uusap na yun ay pinilit ako ni Mike sumama sa kanya sa toy store.
"Naalala mo noong hindi mo nabili si Woody kasi wala kang pera?" tanong ni Mike.
"Oo. Tapos binigyan mo ko ng Powercard nung Pasko na may power tickets para maredeem ko yung Woody toy sa Timezone. Tapos nun unti-unti ka ng umiwas," sagot ko.
"Nakuha mo naman ba si Woody?"
"Oo naman. Nakadisplay nga yun palagi sa bedside table ko."
"Buti naman."
"Teka bakit mo ba ko hinila dito? May bibilhin ka ba?"
"Wala naman. Alam ko namang may soft spot sayo ang toys. Diba nga sabi natin noon pag yumaman tayo eh magtatayo tayo ng sarili nating toy shop pero yung mga laruan eh hindi ibebenta. Ipapalaro natin yun sa mga bata for free."
"Naalala mo pa pala yun. I forgot I had that dream," mahina kong tugon.
"You forgot what you used to love, Bry."
"Maybe I just had to grow up," tugon ko.
"Growing up does not mean you have to leave your dreams and your happiness behind."
"I am happy Mike," nakangiti kong tugon sa kanya.
"Whatever you want to believe Bry. Whatever you want to believe."
Hinila ako ni Mike papasok ng toy story. Pinaglaruan namin yung mga toy cars and action figures dun. Pinindot namin lahat ng toys na may "Try me!" na nakalagay. Nung college ay ganun ang gawain namain. Itatry namin lahat ng toys sa toy store tapos ay aalis.
"I had fun Mike. Thanks," sabi ko sa kanya.
"Next week na pala birthday mo Bry ah. Ano ba gusto mo regalo?"
"Oo nga no. I almost forgot. Kahit ano lang. Kahit nga wala na," sagot ko.
"Sus hindi pwedeng wala no. Dapat may regalo ako sa best friend ko."
"Ikaw na bahala Mike. Kahit ano lang."
Medyo nageeffort si Jeff nitong mga nagdaang araw. Madalas ay hinahatid niya ko sa bahay kahit gabi na. Minsan nga kapag wala siyang pasok kinabukasan ay dun ko na lang siya pinapatulog dahil delikado na pumasok. Minsan din ay nilulutuan at dinadalhan niya ko ng tanghalian sa opisina.
"Wow ang gwapo naman pala ng boyfriend mo Bry," sabi ng isa kong officemate ng makita niya si Jeff. "Ang swerte mo dyan Bry."
"Mas swerte ako kay Bry," tugon ni Jeff sa officemate ko. "Kung hindi lang mahaba pasensya at pang-unawa nyan ni Bry eh matagal na kong iniwan nan."
"Buti alam mo," sabi ko.
Ilang araw bago ang birthday ko ay sinabi ni mama na maghahanda daw sila. Kaya naman sinabi ko kay Jeff kung pwede siya magluto pandagdag sa mga handa at yun na lang din regalo niya. Pumayag naman siya at sinabing aagahan daw niya ang pagpunta at tutulong din daw sa pagluluto kay Mama. Alam na din pala ni Jeff na nagkita kami ni Mike at ok lang din sa kanya na pumunta si Mike sa birthday ko.
"Mas ok nga yun at least nag-uusap na ulit kayo ng best friend mo," sabi niya.
Tinext ko si Mike tungkol sa handaan at sinabi niyang pupunta daw siya. Siya na rind aw ang bahala sa cake.