After All chapter 1 of 3

4.6K 104 0
                                    

Wag ka nga dyan, baka mamaya masira mo na pati mga gamit ko. Dun ka sa malayo para wala ng madamay sa kalampahan mo.” Si lalaking masungit na naman pala. Ang akala ko talaga eh sa high school lang nag-eexist ang mga katulad niya pero mali ako. May mga nilalang pala na sadyang mayabang lang at masama ang ugali. Pero bilib din naman ako sa kanya, dahil pag inaasar nya ko eh walang nakakarinig o nakakakita. Parang pinagplanuhan talaga.

Gustung-gusto ko na siyang sagutin pero pinigilan ko sarili ko para hindi na magkaeskandalo. Naglakad na lang ako papalayo at umupo doon sa bakanteng bench. Bakit ba naman kasi wala akong kakilala sa subject na ‘to?

Dumating na yung prof namin at pinag-usapan namin yung midterm exams namin. Inagahan ng prof namin na idiscuss yun para makapagprepare kami. By pair daw yung exam. Kelangan gumawa ng routine yung magpair base sa mabubunot nilang steps. By surname yung ginawang groupings ni sir. Magpartner yung magkasunod ang apelyido. Wala akong idea kung sino yung mga kasunod kong apelyido. Bihira kasi magcheck ng attendance si sir kaya hindi ko natatandaan at madalas pagkatawag ng pangalan ko pag nagchecheck si sir ng attendance after ng class, umaalis na agad ako.

“Next pair, Santos, Bryan at Santos, Jeffrey.”

Hindi ko kilala kung sino kapartner ko kaya nilapitan ko si sir para tanungin siya.

“Sir sino si Bryan Santos?”

“Sir sino si Jeffrey Santos?”

Sabay na sabay ang tanong namin kaya nagkatinginan kaming dalawa at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Si lalaking masungit ang kapartner ko.

“Sir hindi ba pwedeng magpalit ng partner? Ayoko sa lampa,” Pasigaw na tanong ni Jeff kay sir.

“I’m sorry Jeff pero hindi pwede. Wag ka din masyado mayabang, nakakahiya sa mga kaklase mo.”

Tahimik lang ako habang si Jeff ay kinukulit pa rin si sir na bigyan siya ng bagong kapartner. Napaisip ako. Halos magdadalawang buwan na din kaming nagkaklase pero ngayon ko lang nalaman ang pangalan ni Jeff. Patunay lang yun na kahit gano siya kagwapo at kagaling sumayaw eh hindi ako interesado sa kanya dahil sa ugali niya. Papaupo na ko ng bench ng bigla akong sinigawan ni Jeff.

“Hoy Bryan, pagod ka na? Bakit ka uupo? Bumunot na tayo ng sasayawin natin sa midterm. Kamalas-malasan nga naman hindi ako pinayagan ni sir. Pag ikaw pumalpak at bumagsak tayo, humanda ka sakin.”

Bumunot na si Jeff ng isasayaw namin. Ang hihirap ng napunta sa amin kaya lalo akong kinabahan. Nung nakabunot na lahat, dinismiss na ni sir yung class kaya dali-dali akong umalis. Ni hindi ko tinanong contact number ni Jeff. Baka kasi kung ano pa isipin.

May two weeks kami para magprepare for the midterm exam. Dalawang linggo ng paghihirap yun para sa akin. Hay.

Pag-uwi ko sa dorm, may tumatawag sa cell phone ko. Hindi nakaregister yung number. Sinagot ko na lang.

“Hoy Bryan, bakit bigla kang nawala kanina? Wala kabang balak pumasa sa street dance? Pwes ako meron,” pagalit na sabi ni Jeff.

“Saan mo nakuha number ko? Sorry kelangan ko umalis agad, may class kasi ako after.” Naiinis na kinakabahan ako habang kausap siya. Naiinis dahil siya yung taong pinaka ayaw ko sa class. Kinakabahan kasi baka may mali akong masabi, may bago na naman siyang maiasar sa akin.

“Kinuha ko kay sir. Bakit may angal? O basta bukas magpractice na tayo kahit ayoko sa ‘yo. Anong oras ba tapos ng class mo?” Mukhang seryoso si Jeff sa kagustuhan nyang makakuha ng mataas na grade sa PE.

“5:30 pa tapos ng class ko. Nasa CMC (College of Mass Communication) ako nun.”

“O sige. Kita na lang tayo bukas. Ayus-ayusin mo ah. Gusto ko mauno yun. O sige, bye.”

Pagkababa ko ng phone, bigla kong naisip na wag na lang pumasok bukas at magkunwaring may sakit. Pero bakas mas lalo siyang magalit sakin.

After All - BoyXBoy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon