Chapter 11: Anyare

16 1 0
                                    

<Rome's POV>

"ERIKA! Erika! Kain tayo mamaya! Gutom na ako eh" :3 teka lang, wala na pala akong kausap dito.. Nasan na si Erika?

Nagmamadali akong pagbihisin tapos iiwan din pala ako tae

Papuntang canteen, nakita ko si Leven, kaibigan ni Daniel. Tinanong ko kung nasan si Erika.

"Leven, alam mo ba kung nasan si Erika?"

"Oy uhhh Rome ikaw pala! Hindi ko alam ehh. Sige una na ako. Uhh may kailangan pa akong tapusin sa building 3!" 

Hindi ko alam kung bakit pero parang kahina-hinala tong lalaking to. Parang iba kilos niya nong nakausap niya ko. Nagulat siya tapos pinagpapawisan pa. Pero baka OA lang ako...? Bakit ko nga ba hinahanap si Erika? HAHAHAHAHA! Bahala na nga

Sinundan ko na lang si Leven. 'Di pala siya sa building 3 pumunta kundi sa 2nd floor library ng building 1! Loko-lokong to! Ano naman gagawin niya dito?

Bigla akong may narinig na nag-uusap...

"Uy Erika! Tinatanong kita :( Pwede ba kitang ligawan? :)" SHET NA MALAGKET! Boses ni Daniel yon ah!! At anong 'Erika'? Bakit siya nandon? Kingina ayoko ng mga naririnig ko.

"Uhhh.. Uhm pwede naman.. Siguro :)" WHAT????!?!?! Sumasakit puso ko! Kailangan ko ng tubig! 

Nakita ko si Leven may dalang party-poppers tapos pinutok niya tapos nagkalat yong confetti sa library. Hindi ko alam kung anong gagawin pero bigla na lang akong lumapit at sumigaw.

"HOY! Mga walangya kayo!"

Nang gigigil akong lumapit at kulang na lang ay umusok na ang ulo ko sa galit dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid

"ROME?" gulat ni Erika

"Bat ka nandito?!" nasambit na lang ni Daniel

Alam ko parang immature pero napaiyak talaga ako ng makita ko pang magkahawak sila ng kamay at ang lapit sa isa't isa :(( Ano bang ginawa kong mali para maghirap ako ng ganito?

Tinulak ko yong mga libro sa malapit saking bookshelf. Sinipa ko yong mga confetti na nakakalat sa sahig. Kumuha ako ng isang dakot at hinagis ko sa kanilang dalawa. 

Tumakbo ako paalis dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nagpunta ako sa rooftop ng building 3 para mapag-isa sana. Pero hulaan niyo kung sino ang nakita ko sa taas. Si Chelsea. Wala na akong nagawa kasi nakita na niya ako.

"Rome? Anong ginagawa mo dito? Okay ka lang? Ba't ka umiiyak?" Shit ang dami niyang tanong :( Pero kailangan ko siguro ilabas tong sama ng loob ko.

Nagkwento ako sakanya hanggang dumilim na. Buti pa si Che, naintindihan niya ako. Hindi gaya ng maraming tao sa paligid ko... Wala silang kwenta!

<Chelsea's POV>

Nasa rooftop ako ng building 3 nagpapahangin. Bigla na lang may bumukas ng pinto tapos umiiyak. Si Rome.

Tadhana ba to or faith??? Parehas lang ata yon. Basta ngayon, chance ko to para makapiling at makausap ang taong gusto ko! :">

"Rome? Anong ginagawa mo dito? Okay ka lang? Ba't ka umiiyak?" Teka ang dami ko yatang tanong agad agad hahaha maling mali! Pero sumagot naman siya, infairness.

"Uhhh Chelsea sorry, naabala ba kita? Wala ayos lang ako."

"Okay lang! Magkwento ka na dali! Anong nangyari sayo, ba't ka ganyan?"

At nagkwento siya... At nalaman ko kung anong nangyari... At nagulat din ako

Bakit ba ganito ang buhay? Ang hirap talaga

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MinsanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon