Chapter 9: Usapang Lalake

74 2 1
                                    

<Daniel's POV>

Magkasama kami ni Erika ngayong Sabado. Nakatambay kami malapit sa bahay nila. Kaunti lang yung taong dumadaan at hindi ko alam kung bakit.

"Erika, maganda ba sa dati mong school? Marami ka bang kaibigan doon?"

Wala kasi akong maisip na topic kaya nagtanong lang ako ng kung anong pumasok sa isip ko. Pero may sense naman yung tinanong ko diba? At least baka humaba ang usapan namin.

"Okay lang naman... May barkada ako noon pero kasi parang 'di na nila 'ko kaibigan nung nagpasya akong lumipat ng school dahil sa pamilya ko eh. Ikaw ba?"

"Teka, ako ang nagtatanong. Bakit bumaliktad ata? HAHAHAHA pero sige sasagot ako. Marami naman akong kaibigan ah. 'Di lang halata kasi kapag nagkikita tayo ay laging ako lang mag-isa. Friendly kaya akong tao!"

"Puro ata gago mga kaibigan mo no....?"

"Ha?"

"Ah wala."

Hindi ko narinig ng maayos yung sinabi niya pero hindi ko na kinulit na sabihin niya ulit kasi tinatamad na 'ko magsalita. Niyaya ko siyang mag-mall pero sabi niya may kailangan pa daw gawin. Hindi ko na din tinanong kasi nga tinatamad na 'ko. Hinatid ko siya sa bahay nila tapos umalis na din ako.

Masarap yung ganito eh. Yung walang traffic. Direderetso ako papuntang bahay, papuntang kwarto, papuntang kama. Inaantok ako ng todo pero ayoko matulog. Walang magawa kaya binukas ko yung laptop ko.  

Nagpunta ako sa isang site na 'di pamabata at alam niyo na siguro kung ano ang nangyari pagkatapos ng mga 10 minutes.  

HAHAHAHA pagkatapos nun, nakatulog na 'ko.

"DANIEL! Wake up na. May merienda sa baba. 2:00 na o!" Kinakatok ni mommy ang naka-lock kong pintuan...

Wow napasarap tulog ko at 'di na pala ako naka-lunch. Nag-damit ako at bumaba sa kusina tapos ay kumuha ng pagkain sa mesa. Dinala ko ito sa garahe at nag-linis ako ng kotse.

Teka, ano 'tong nakikita ko....? Panyo 'to ni Erika ah. Sa Monday ko na lang ibabalik.

"Oy Daniel!" Oh! Si Rome 'to ah? Anong ginagawa niyan dito sa bahay? Haha.

"Napadalaw ka, Rome. Tara pasok ka."

"May black paint kayo dito diba? Pahingi naman o."

"Sige sige. Gusto mo pumasok ng bahay? Andyan si mommy."

"Sige lang."

Kung maaalala niyo, close kami ni Rome dati diba. Pero nawala-wala nung medyo high school na. Syempre hanggang ngayon close pa rin turing ko dito sa lokong 'to. Magkakilala din kasi parents namin at magka-interact sa business. Malapit lang bahay nila sa amin. Isang street lang ang pagitan at pwedeng-pwede lakarin.

"Ma, Rome's here!"

"Hi, tita! How are you?"

"Doing good. You? Parang kanina lang ay kinamusta kita sa mommy mo ah. Haha!"

"I'm fine. Pero eto po, I need black paint for a project."

"Magkaklase ba kayo nito ni Daniel?"

"Sadly, no tita. Pero baka next year sana."

Binigay ko kay Rome yung paint tapos nagpaalam na siya kay mommy at lumabas na kami.

"Sige Daniel. Alis na 'ko. Salamat sa paint ah! Kahit kailan talaga maasahan ka eh hahaha"

"Syempre kapatid pa rin turing ko sa'yo bro! Gala tayo minsan. Pwede rin PS3 at Xbox tayo dito o sa bahay niyo. Haha!"

Bago pa siya makalayo ay tinawag ko siya. Naisip ko kasi na wala din naman akong gagawin tapos walang homework, tatambay na lang ako sa bahay niya at tutulong sa project na ginagawa niya. Nagpaalam ako kay mommy. Pumayag naman siya pero wag daw magpapagabi.

Nakarating kami sa kanila. Buti hindi mainit. Maraming clouds HAHA

"Bro may tao ba dito? Parang ang tahimik."

"Wala parents ko. Nag-grocery sila sa trinoma. Gusto mo ba ng makakain? Bukas mo lang yung tv. Andyan yung laptop ko sa mesa."

"Diba close kayo ni Erika?"

Hindi ko alam kung bakit ko tinanong yun. Pero hindi ko mapigilan na humingi ng payo dahil hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Nakikita ko lang sila magkasama at alam ko matutulungan ako nitong kaibigan ko!

"Oo, close naman kami. Bakit mo nga pala natanong?"

"Tulungan mo naman ako oh."

Napatigil siya sa paggugupit ng construction paper. Hindi ko alam kung bakit pero parang ayaw niya. Nasesense ko lang.

"Uhhh...tulungan?"

"Magkakilala na kami pero kasi-" Napatigil ako sa pagsasalita.

"Pero kasi....? Diba kayo na? Bakit ka nagpapatulong?"

"Kasi nagpapanggap lang kami."

"Kasi nagpapanggap lang kami." 

"Kasi nagpapanggap lang kami." 

"Kasi nagpapanggap lang kami."

Ayun lang. Kung na-picture-an ko lang reaksyon ni Rome eh.... HAHAHA

MinsanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon