Chapter 2: De Ja Vu & Start of Something New?

145 3 0
                                    

<Erika’s POV>

So far, maganda pa naman simula ko dito sa Florentino Academy.  Nakaka isang linggo na tapos ‘di pa naman ako patay kaya ayos lang. Nakakasundo ko naman yung ibang tao. Syempre, 'di naman maiiwasan yung may maiinis sa'yo. Yung mga mean girls ng school. Ewan. Bahala sila. Nanahimik ako eh.

Naglalakad ako papuntang canteen kasi vacant namin. Kasama ko si Che kasi nagpalibre. Nga pala, "Che" na ang tawag ko sa kanya kasi masyadong mahaba ang "Chelsea" eh. Haha. Okay lang naman na magpalibre siya. BIG lang naman hanap niya. Nakabili na kami ng juice at pabalik na kami sa class room. Pagliko ko sa may corridor, biglang napahiga na lang ako sa floor kasi may bumangga sakin. Tumalsik pa BIG ko.Sayang naman yun. -_-

Napatingin ako kung sino yung nakabangga sakin. Tapos parang naulit lang ang kahapon kasi siya nanaman?

“Ikaw ulit?” Sabay pa kaming nagsalita.  Siya yung nakabangga ko rin nung isang linggo.

“Okay ka lang? Kelangan na nating tumigil na nagkikita ng ganito.”

“Ah? A-haha okay lang. Okay lang naman ako eh.”

“Natapos ko yung juice mo… libre nalang ulit kita ng bago?” Oo nga pala. Yung juice ko. Teka nahiya naman ako.

“Ha? Hindi! Wag na. Okay lang.”

“Ah? Sige. Bye.” Tinulungan niya akong tumayo tapos tumakbo na naman siya paalis. Parang naulit lang first day ko. Dalawang beses na kaming nagkakabanggaan pero ‘di ko parin siya kilala. Lagi kasing nagmamadali eh. Haha.

“Erika… okay ka lang?”

Ay nakalimutan ko nandyan pa pala si Che. HAHA! “Ah? Ah oo. Okay lang. Pero yung juice ko natapon. Haha.”

“Kilala mo ba yung nakabangga sayo?” Umiling lang ako. “Si Daniel yun. Siya yung laging pinagkakaguluhan dito sa school. Gwapo daw kasi eh. Tsaka varsity player yun. Track and field. Sprinter.” Eh kaya naman pala takbo ng takbo eh. Gwapo? Gwapo ba siya? ‘Di ko napapansin kasi lagi kong nakakabanggaan eh. At lagi siyang nagmamadali.

“PSST! Hoy you!” Napatingin ako sa likod tapos may dalawang babaeng lumapit sakin. “Ikaw ba yung bumangga kay Daniel?”

“Ang kapal mo naman para banggain siya!!!” Ako ba yun tinutukoy nila?

“Uh… ano daw? ‘Di ko naman sinasadyang makabangga siya eh. Siya ‘tong tumatakbo tapos ako sisisihin niyo.”

“Liar! Binagga mo siya kasi may pagnanasa ka sakanya.” Eh? Cheap ah.

“Bahala kayo diyan.” Tumalikod nalang kami ni Chelsea tapos lumayo. Adik ah. Grabe naman. ‘Di naman sinasadyang makabangga eh. Muntik na naman kaming ma-late pero ngayon, sa Geometry naman.

Tapos ang saya naman nung bumulaga samin. Pairwork agad! Kakasimula palang ng klase. Proving? Aba ewan ko kung ano yan. ‘Di naman kami tinuruan ng ganyan sa dati naming school eh! Sabi nila pang fourth year pa yan eh.

Lumingon ako kay Che kasi pairwork nga siya. Pero nakita ko, ka-pair na niya si Jessica. Iwanan ba ako sa ere? Lumapit ako kay ma’am kasi wala nga akong partner. “Ma’am, ako nalang po ata walang ka-pair.”

“Ayun si Rome. Siya nalang ka-pair mo.” Sino daw?

“Hi. Erika diba?” Ahh! Siya yung lalaki na kinausap ako last week. Yung tinakot ako. =__= Siya nga pala yun. Nag-tatagalog naman pala ‘to eh. Pinadugo pa ilong ko last week.

“Ah.. oo. Ikaw si… Rome?”

“Oo. Sige tara. Simulan na natin yung seatwork.” Hinati naming sa dalawa. Sa akin yung proving tapos sakanya yung may icocompute. Tapos na siya tapos ako hindi pa. Ang hirap. Huhuhu.

Given: Angles BAP and CDP are right angles prove that  ∆BAP and ∆CDP is congruent.

AAAAH ANG HIRAP AYOKO NA!!! MAGWAWALA NA AKO!!! Napansin ata ni Rome na nahihirapan na ako kasi onti nalang matatanggal ko na buhok ko sa ulo ko.

“Erika.. kailangan mo ng tulong?”

“Oo! Kasi ‘di ko pa ‘to napag-aaralan!” HUHUHU ANG TANGA KO MINSAN. Pero minsan lang. Chos. Hahaha.

“Hmmm. Because BAP and CDP are right angles, of course they are congruent. Segment AP is congruent to DP because they have the same measurement. BPA and CPD are congruent because of the Vertical Angle Theorem and triangle BAP and CDP are congruent because of the ASA Postulate.” *o* NGA NGA. Ang talino ah. Tumayo na siya para ipasa yung seatwork namin na halos siya lang ang gumawa. Teka dumudugo ulit ilong ko.

“Alien ka ba?” Out of this world katalinuhan niya.

“Pick-up line ba yan?” Nagtanong lang pick-up line agad? AHAHA!

“Hindi. -___- Ang talino mo kasi eh.”

“A-ahhh. Akala ko pick-up line. HAHAHA”

“Pick-up line? AHAHA! Sige bye. Alis na ako. Pupunta pa akong canteen para maglunch eh.”

“Samahan na kita!” Ba’t niya naman ako sasamahan?

“Wag na! Nakaka-abala naman sayo.” Nakipagtalo pa kami sa isa’t isa. Lumapit si Chelsea tapos kinalabit niya ako.

“Erika! Tara punta tayo canteen.”

“Chelsea, pwede bang mahiram si Erika? Balik ko siya sa'yo mamaya. Ako na muna kasama niya ngayong lunch. Pwede ba?”

“Bigyan mo ko 50 pesos tapos sayo na siya buong araw.” Ay? Jeep ba ako para arkilahin? Taray ah. Pinagkakitaan pa ako.

“DEAL!” Ay grabe naki-ride pa ‘tong si Rome. Hinigit na niya ako papuntang canteen tapos kumain kami doon sa isang table malapit sa may bintana.

“Lateral ka diba? Saang eskwelahan ka galing? Aling school mas maganda? Ano nga pala full name mo? May plano ka ba mag-varsity? Scouting? Alam mo ba prom natin this year.” ANDAMING TANONG AH. Parang si Che lang nung first day....

“Isa isa lang! Hinay hinay! Tao lang ako. Oo, lateral ako. Galing akong Marco Institute. Sa ngayon, mas gusto ko dito kasi may sinusubukan akong kalimutan doon. Next time ko na sasabihin buong pangalan ko kapag may ID na ako. Varsity? Wala ata? Baka swimming o pep.  Ayoko maging scout. At oo, alam kong prom natin this year.” Haba nun ah.

Napahaba pa ata yung pagkekwentuhan namin kasi na-late ako sa susunod kong klase.  Teacher pa naman namin sobrang sungit. Ayaw magpapasok kapag late. Sabi niya, “This would be the first and last time you’ll be late because next time, don’t bother knocking on the door.” Mas mataray pa sa babae yung teacher naming lalake. Haha.

‘Di nagtagal, natapos na rin yung klase namin sa English. Eh yun na rin last class namin pero late ako sinusundo. Minsan umaabot nang 6:30 ako sinusundo. Heh, lonely ko pa. Pero ngayon, ewan ko ba kung bakit pero sabi ni Rome, sasamahan daw niya ako hanggang masundo ako.

Kung anu-ano pa pinag-usapan namin. Tungkol kay Chelsea, na sobrang daldal pala, siya na laging nasa honors, ako at ang ex ko sa dating school. Lahat na. Biglang may narinig akong tumatawag sa cellphone ko. Ay, si kuya Bogs...

“Ah, Rome… nandyan na sundo ko. Salamat sa pag-intay sakin ha? Kahit papano may kasama ako habang naghihintay. Sige ingat ka pauwi!” Tumalikod na ako galing sa kanya nang biglang hawakan niya ang kamay ko at nilapit niya ako sakanya. Tapos mas nakakagulantang ang mga sumunod na pangyayari nang bigla niya akong hinalikan.

ANO DAW. BAKIT. EH?!?!? HAA?!?!?!?? ANONG KAGANAPAN  ITO? OMG.

“Sige Erika. Ingat. Goodnight.” Tapos sumakay na siya sa kotse niya at nagdrive siya pauwi.

Teka… anong nangyari? O______________________O :(

MinsanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon