Chapter 6: Fracture

129 2 1
                                    

<Erika's POV>

“Nasaan ako…..?”

Andaming tumatakbo sa isip ko ngayon. Ano nangyari? Ba’t ako nandito sa kama? Ba’t ako nakadextrose? Nakita ko si Che at si Rome na lumapit sakin.

“Erika… okay ka lang? May masakit ba sayo? Chelsea, tawagin mo yung nurse dali.” Tumango si Che at lumabas ng kwarto. Ano nangyari sakin? Bakit ako nandito?

“Rome… bakit ako nandito?”

“Erika, kasi pagliko mo sa isang kanto, nakasalubong mo isang kotse. Wag kang mag-alala, walang nangyari sa kotse.” Adik talaga ‘to. Yung kotse pa yung inalala! “Sabi ng doctor, na-fracture yung left arm mo. Buti nalang ‘di yung right kasi yun yung pipnapangsulat mo. Lalagyan ka daw nila ng cast mamaya. Hanggang dalawang linggo lang naman daw yun kasi slight lang naman siya. ‘Di naman malala.” Dalawang linggo? Hay nako.

Naka-uwi na ako sa sumunod na araw. Nagpahinga ako for 2 days kaya nag-absent ako ng isang araw. Pero pumasok rin ako agad kasi mahirap pag may na-miss ka. ‘Di ako masanay nang ‘di pwede galawin yung kamay ko. ‘Di ko mabuhat ng maayos ang bag ko tsaka ‘di rin ako makakain ng maayos. Letse kasi.

‘Di ko inaasahan na pagbalik ko sa klase ay dudumugin ako ng mga kaklase ko. Grabehan lang ‘diba?

“Erika! Okay ka lang?” “Erika masakit ba?” “Ano feeling ng mabangga sa kotse habang nagbabike?” “Paano ka nabuhay?” Parang gusto na ako patayin nito eh. “Erika! Susulatan namin cast mo. Okay lang?” Tumango nalang ako. Halos buong klase nagsulat na. Iba talaga kapag may injure yung tao. Mga tao sa paligid mo, tutulong sa’yo.

Pero laging to the rescue talaga si Rome at Chelsea. Si Rome lagi niyang inaagaw yung bag ko. Tapos si Chelsea, tinutulungan niya ako sa pagkuha ng gamit, pagkain, at iba. Alagang-alaga talaga ako. Aww. Sweet!

Pero kahit na na-injure na ako, late parin ako sinusundo. Hahaha! Parang walang pake ‘tong magulang ko sakin eh. Naupo na lang ako doon sa bench kung saan naman ako laging umuupo at nakinig nalang muna ng kanta sa iTouch ko.

‘Di ko namalayan may tao pala sa likod ko. As always, si Rome yun. “Erika? Ano ba yan??? May injury ka pero late ka parin sinusundo? Tindi nila ah.”

“Okay lang sanay na ako.” Nginitian ko siya. Sanay na naman talaga ako eh. Kahit sa dati kong school, umaabot ako ng sobrang late na. Pero ‘di tulad ng dati, ngayon, may kasama na akong naghihintay.

Nawala ang ngiti sa muka ni Rome at biglang tinakpan niya muka niya, “Erika, sorry talaga. Ako may kasalanan kung bakit ka napilay. ‘Di ko naman sinasadya na maiwan ka sa pag-bibike eh. Sorry talaga Erika. Sorry talaga. Gusto mo baliin ko rin kamay ko para patas na tayo?”

“Rome! Ang OA mo! Okay lang! Ano ba. Alam ko namang ‘di mo sinasadya eh! Wag ka ngang madrama diyan. Buhay pa ako o. At kasi masyado ako mabagal sa bike kaya nawala ako agad. Hayaan mo na. Nangyari na eh.” Sinabi ko habang hinahagod ko ang likod niya.

“Kasi Erika, maraming pwedeng mangyari dahil doon sa pagkabangga mo. Malay ba natin. Baka magka-amnesia ka. O mas matindi pa ma-injure sayo. Paano kung ‘di ka na dapat makalakad.. O kaya’t-“ Eh baka gusto na rin ako patayin nito eh.

“ROME. ITIGIL. TINATAKOT MO AKO SA MGA SINASABI MO EH.”

“Ehehe. Sorry.” Natawa rin siya onti. “Basta. Babawi nalang ako sa’yo. Nandyan na sundo mo. Ingat ka ah.” Tumayo na ako at kinuha ang bag ko pero hinablot ito sakin ni Rome at sinabi niyang siya na ang magbubuhat nito. “Ako na.” Pinasok niya ang bag ko sa likod ng kotse at biglang…

Hinalikan niya ang kamay ko.

Pakshet. Nakakadalawa na ‘to ah. Ano ba trip niyaaaaaa!?! ;___; Ganoon ba ang magkakaibigan sakanya? Hinahalikan lang niyang ganoon? Matanong nga si Chelsea.

Kinabukasan, ganoon pa rin ang mga pangyayari pero sinabi ko sa mga kaklase ko na okay lang ako kaya wag na sila gaano mag-abala sa pag tulong sa akin. Natapos na din ang klase. Magkasama kami ni Che pero sabi niya kelangan niya na daw umalis kaya nagpaalam na ako. :(

Naglalakad ako sa corridor sa tapat ng quadrangle nang biglang may nakabangga sakin. Pero nabangga niya ako in a way na nakahiga ako sa floor ng corridor at nasa itaas ko siya. Tinitigan ko siya nang mabuti at napansin ko na siya yung sinasabi ni Chelsea na gwapo daw at pinagkakaguluhan. Si Daniel ata. Oo ayun. Nagkatitigan muna ata kami bago ulit siya natauhan.

“Ay shit. Sorry! Sorry! Pangatlong beses na tayong ganito nagkikita.” Ah oo nga pala. Nagkabangaan na kami dati nung first day tapos nung isang linggo. Hilig niya kasi tumakbo eh. HAHAHA

“Uh.. wala kang balak tumayo? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao eh.” Napatingin siya sa paligid at pinagtitinginan na nga kami ng mga tao. Tinulungan niya akong tumayo at nag-ayos ako ng sarili ko. Tinignan ko siya tapos ‘di school uniform ang suot niya. Nakasuot siya ng pang-marathon. Ay track nga pala siya!

“Mahilig kang tumakbo?”

“Ha..? Ah oo. Sorry lagi kitang nababangga.” Napatawa nalang siya sa sobrang hiya.

“Hindi ko malaman kung ikaw ba yung ‘di nakakakita sa akin o sadyang ‘di lang ako tumatabi lagi.” Tawa lang kami ng tawa. Tama si Che. May itsura nga siya. Okay lang. Pwede na rin.

Nakatayo lang kami sa gitna ng corridor at biglang sinabi niya, “Ako nga pala si Daniel.”

“Alam ko.” Binulong ko sa sarili ko.

“Alam mo?”

“Ha? Ah oo. Kasi nga track ka diba… Competitions. Mga ganoon. Ako si Erika. Nice to meet you. Pero sana next time, wag na tayo ganito magkita.”

“Ah, sige. Oo. Promise ko maayos na susunod nating pagkikita. Sige. Bye. May training pa ako eh.”

“Bye.” Ngumiti muna siya bago siya tumakbo ulit palayo. May kaboses siya. Pero ‘di ko lang maisip kung sino.

<Daniel’s POV>

“Daniel, ano yan? Mga pakana mo! Para lang makapatong sa babae!” Gago ‘tong si Leven.

“Ulul mo Leven! Pakyu. ‘Di ko sinasadya yun. Lagi kaming nagkakasalubong eh.”

“Sabi mo eh, Daniel. HAHAHAHA!” Upakan ko ‘to eh.

Ako si Daniel. Third year dito sa Florentino Academy at soon-to-be team captain ng track and field. Sprinter ako. Si Leven yung gago kong ka-team na gala at babaero. Adik yan eh. Pero siya parin yung pinakamalapit sakin ever since nag-track ako. Kung ‘di mo isasama ang ka-team, si Rome na pinakamalapit sa akin pero ‘di na kami gaano nag-uusap eh.

Yung kanina, si Erika. Siya yung bagong lateral entrant sa batch namin. Pangatlong beses na ako nahuhulog sakanya. Ay maling term…. Nabangga? Ewan ko. Tapos ewan ko pero meron akong weird feeling towards sa kanya. Kailangan ko lang malaman kung positibo ba ito o negatibo.

Pag-kauwi ko galing training, nagbukas ako ng computer.

Erika de Vera

Confirm  or Ignore

68 mutual friends

Syempre pinress ko yung confirm tapos saktong online siya.

Daniel: Hi Erika.

Erika: Oy. Napachat ka?

Daniel: Sorry ulit. At goodnight. :) Sweet dreams.

Erika: Wala lang yun.. Ah.. at tsaka.. goodnight din. :>

Erika logged out.

Hay nako. Makatulog na nga. Itutulog ko nalang ito.

MinsanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon