Chapter 3: Nothing But Ordinary

112 3 1
                                    

<Erika's POV>

Late ako nagising tapos traffic pa sa EDSA. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kasi iniisip ko yung nangyari bago ako umuwi kahapon. Oo, yung kiss ni Rome. Hindi ko talaga makalimutan eh. Ewan ko kung kinikilig ako o naiinis pero ang alam ko lang talaga hindi ko siya makalimutan.

Ayoko na ma-late ulit kasi lagi na lang akong late. Huhuhu. Binaba na ako ni kuya Bogs sa school. Saktong nag-ring ang bell at tumakbo na ako papuntang classroom ko. Art. Absent art teacher namin last week kaya wala kaming ginawa. Nakipagdaldalan lang ako kay Chelsea. Pero ngayon, nandito siya.

"Good morning, sir. Sorry I'm late." Tinitigan niya lang ako tapos nag-signal siyang pwede na akong pumasok.

"As I was saying, the due of the group project is exactly one month from now. No late submissions will be accepted."

ANO YUNG GROUP PROJECT??? Itatanong ko sana si Che pero mamaya na kasi nandun siya sa harap tapos ako nasa may bandang likod. Buong art class, nag-discuss lang si sir ng tungkol sa African art. Nakaka-bore lang as in. Pero nakinig naman ako kasi kailangan. Hindi ko namalayan, time na pala. Mayroon kaming 20 minutes na vacant after nitong klase na 'to.

Bigla na lang dumilim. Nabulag na ba ako? End of the world na ba? Nag-brownout ba? Hindi, may nagtakip lang pala ng mata ko. HAHAHA

"Che?" Hinulaan ko pero hindi niya inalis. Hinawakan ko yung mga kamay pero masyadong malaki at may ugat-ugat. Hindi 'to pwedeng maging si Che........

"Rome?"

"Galing ah!" Haaay naalala ko na naman ang nangyari kahapon. -__- Pero parang wala lang sa kanya, parang walang nangyari. Itatanong ko sana kaya lang parang kinakalimutan niya. "Hindi mo pa siguro alam kasi late ka kanina. Kagrupo kita sa art project natin. Kasama natin si Chelsea."

"Tayong tatlo lang?" Buti na lang at silang dalawa naging kagrupo ko. 'Di pa 'ko masyadong close sa ibang tao sa section namin eh.

"Oo. So may plano na ako! Meeting na lang tayo ng Sabado sa bahay ko. May bonus points daw kapag nagpasa ng maaga eh."

"Ah.. Eh sige. Basta dito tayo magkikita at hatid-sundo kami ng kotse mo ah. Haha! Teka, nakita mo ba si Che?"

"Kinakausap ata ni ma'am Navarro. Babalik din yun next class! Haha."

Pagkasabi niya nun, natahimik na lang kami. Wala talagang nagsasalita sa amin. Hanggang sa dumating yung English teacher namin na sobrang taray. Dumating na din si Che.

Wala namang nangyaring importante buong araw Pero nung uwian, kausap ko si Che sa canteen. Sinabi ko sa kanya na may group meeting sa Saturday sa bahay nila Rome.

"Dito tayo magkikita tapos ihahatid-sundo tayo ni Rome. Mga 9:30 ayos lang?"

"Sige sige. Kailangan ko na umalis, Erika. Andyan na service ko eh. Bukas na lang tayo mag-usap. Bye!"

Kumaway siya at dumiretso na sa parking lot. Inubos ko yung pancit canton na kinakain ko at hinanap ko si Rome. Hindi ko alam kung bakit ko siya hinahanap. Nasanay lang siguro talaga ako na siya ang kasama ko tuwing uwian.  Itatanong ko rin sana yung kiss na naganap kahapon pero ang aga ng sundo ko ngayon. Hindi ko din alam kung bakit. 

MinsanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon