Chapter 7: A Date To Remember

104 1 0
                                    

Chapter 7: A Date To Remember

<Erika's POV>

Boring, tahimik at mainit parin ang mga klase namin. Nakatitig na lang ako sa relo ko at hinahantay mag-lunch time. Gusto ko kasi bumawi sa project namin sa art. Baka sabihin ni Che at Rome na wala akong tinulong eh. Haha!

5...

4...

3...

2...

1...

Ayos! Nag-ring na ang bell.

"Don't forget our quiz on Friday. Goodbye, class."

"Goodbye and thank you, ma'am Navarro!"

Lumabas ako, dumiretso sa canteen kasama si Chelsea. Sabi ko kain muna kami ng lunch tapos tsaka namin gawin yung project. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Siguro dahil nagkausap kami ni Daniel ng maayos kahit sandali at hindi nagbabanggaan. Ang landi lang. HAHAHA. Hindi ko inubos ang pagkain ko at sinimulan ko na agad ang project namin.

"Ganito ba yung sinasabi mong gagawin ko?"

"Hindi! Ganito..."

Nagdrawing si Che sa papel pero she crumpled it after. Nung nakuha ko na kung paano gawin, naisip kong itapon yung mga kalat sa mesa. Tumayo ako at tumungo sa basurahan. Nung malapit na ako, natapilok ako dahil may namatid sa akin. Pagkita ko, yung dalawang babaeng asungot na sinasabing may pagnanasa ako kay Daniel.

"Oops! HAHAHAHA"

"What a stupid girl."

Tumalikod ako at tinignan sila. Pero bigla silang tumahimik. Hindi ko alam kung bakit. Natakot yata sa tingin ko. ? HAHAHA!

"Girls, may problema ba kayo sa girlfriend ko?"

"WHAT? GIRLFRIEND?!" Nga nga yung dalawa. Pero nga nga din ako. Nasa likod ko si Daniel.

"Yeah. Hindi niyo ba narinig? Maglinis kayo ng tenga! Tara Erika." Hinigit niya ako sa kamay at dumaan sa inuupuan ko kanina. Kinuha niya yung bag ko. "Che, pahiram muna nitong kaibigan mo ah! Ibabalik ko din bukas."

Hindi na niya pinagsalita si Che at dumiretso kami sa parking lot.

"Bukas? Bakit bukas mo ako ibabalik?"

"Basta. Hindi mo na kasi siya makikita ngayong araw."

"Eh bakit tayo nandito sa harap ng kotse mo?"

"Basta. Sumakay ka na lang."

Wala akong nagawa. Sumakay na lang ako tapos sa kotse ako nagtanong.

"Alam mo bang may klase pa ako sa hapon? Saan ba tayo pupunta?"

"Yung date natin! HAHAHAHA joke lang. Hindi ko alam. Ayoko na pumasok eh, inaantok ako. Samahan mo na lang ako sa mall!"

"Uhh.... Okay."

Hindi pa kami magkakilala nito. Pangalan pa lang ang alam namin sa isa't isa bukod sa kung saang school siya pumapasok. (Duh. HAHA!) Himala namang pinapasok kami sa mall kahit tanghali pa lang. Sinabi ata niya na exam lang ang ginawa namin ngayon.

Dumiretso kami sa isang restaurant. Nilapitan kami ng isang waiter at binigyan kami ng mga menu.

"Uh anong ginagawa natin dito?"

"Actually, 'di ko rin alam. Pero kasi tinatamad talaga ako magklase eh. Babalik nalang ako kapag training ko na." Ang tamad ah. Dinamay pa ako. "So sino na naging kaibigan mo dito sa Florentino Academy?"

"Uh... okay naman ilang kaklase ko eh. Yun nga lang may mga babaeng nangaaway. Pero nandyan si Chelsea. Siya yung pinakaunang kumausap sakin dito." Napangiti nalang ako kasi naisip ko na magandang kaibigan si Che.

Napansin ko na tinaas niya ang kanyang kilay at medyo napanganga. "Daniel, okay ka lang? Parang nabigla ka sa sinabi ko ah."

"Ah kasi... ex ko si Chelsea. Wala lang. Okay naman kami ngayon eh... Medyo awkward lang."

EX NIYA SI CHELSEA? O___O ANONG REBELASYON 'TO? 'DI NIYA ITO SINABI SA AKIN OMG.

"Eh ba't kayo naghiwalay?" Hehe dakilang usisera.

"Mahabang kwento." Umiling lang siya.

"Uh... hinila mo na ako dito. Mayroon tayong buong araw para magkwentuhan kaya go! GORABELS!"

Napatawa nalang siya at nagsimulang magkwento.

"Hmmmm. Freshman pa lang kami, nililigawan ko na siya. Sobrang saya ng mga araw na iyon. Parang wala lang sakin ang ligawan siya araw-araw. Gagawin ko yun araw-araw sa buong buhay ko kung pwede lang.  

Pagtapos ng taong iyon, sinagot niya na ako. Gala kasi ng dati niyang barkada tapos barkada ko. 'Di pa ako track nun eh. Araw-araw, nagkikita kami. Kahit walang school. Maliban nalan tuwing Sunday kasi yun yung araw para sa pamilya. Oo, legal kami. Syempre mahirap naman kung isisikreto namin diba? Simula ng sophomore year namin, sumali akong track and field.

Nagkaroon kami ng maraming competition at nung isang araw ng UPPA, yung national sports competition? Medyo na-expose na rin ako sa maraming tao. Tapos during one event, hinamon ako nung mga kabarkada ko na halikan yung isang girl sprinter. Kahit anong gawin kong tanggi, namimilit parin sila at inaasar nila ako na duwag. Kaya lumapit ako doon sa babae at hinalikan ko siya.

Ewan ko lang pero baka may gusto rin sakin yung babae kasi hinalikan din niya ako pabalik. Nakalimutan ko, yun yung araw na manonood sakin si Che ng laro. Nakita niya ako galing sa benches. Pumasok siya sa track oval at sinampal ako sa harap ng lahat ng nanonood.

Gumawa talaga siya ng scene nun. 'Di ko makakalimutan. 'Di ko na nagawang magpaliwanag kasi 'di na niya ako kinausap. Kahit anong gawin kong paghahabol sakanya at pagpipilit ay ayaw niya akong pansinin. Kaya tumigil na rin ako kasi napapagod ako. Pinagsisisihan kong nagawa kong lokohin siya. Dapat ay 'di nalang ako nagpadala sa asar ng mga kaibigan ko..."

Nakikita ko sakanya na sobrang lungkot niya dahil doon sa nangyari. Sino bang hindi? Yung mahal mo biglang iiwan ka lang? Sakit nun bro. Tagos to the bones. Pero kasi may kasalanan din siya eh. Ayun napalandi ng wala sa oras. Ayan tuloy. AHAHA! Joke. Pero seryoso, mali talaga yun. "Ba't mo sinukuan? Gago ka ba? HAHAHA!"

"Maka-gago naman 'to o. Ewan ko... Bahala na."

"Uh-Ahh.. sir, ma'am? 'Di pa po kayo mag-oorder?" AY NAKALIMUTAN NAMIN YUNG WAITER. BAHAHAHAHAHAHAHAHA

"AY SORRY! PEACE!" Nyaaar. Sorry naman.

"Uhh ano gusto mo?" Tinanong niya 'ko.

"Miss, 'di na lang kami kakain dito. Pasensya na. Haha." Hinila niya 'ko tapos nag-ikot na lang kami sa mall. Bumili siya ng hotdog sandwich at milk tea para sa aming dalawa at yun lang kinain namin hanggang sa napagod kami sa paglalakad. Hindi ata siya napapagod sa paglalakad. Ganun ba kapag track ka? HAHAHAHA. Anyway, ayun. Sabi ko ihatid niya 'ko pauwi at hindi naman siya tumanggi.

Tinuro ko yung daan papuntang bahay namin. Nang makarating kami doon, tinigil niya yung kotse malapit sa harap ng gate namin. Ang tahimik kaya nagsalita na lang ako.

"Daniel... Paninindigan ba natin na tayo? Yung sinabi mo kasi kanina dun sa mga babae eh. Natatakot ako baka sugurin nila 'ko." :(

"Ako bahala sa'yo."

Kinuha niya kamay ko at hinalikan niya ito. WHUT IZ THE MEANING OF THIZ???? HAHAHA bahala na nga si batman! Oh noes.... :(:

MinsanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon