Chapter 5: Art Project?

106 2 0
                                    

<Erika's POV>

Sinave ko number ni Rome kagabi pero hindi na ako nagreply. Nandito kami ni Che sa tapat ng school. Mga 9:15 na, syempre dapat maaga kami. Nakakahiya naman paghintayin si Rome diba.

"Dala mo ba yung materials na pinapadala ni Rome sa'yo?" Tinanong ko si Chelsea at nanlaki ang mga mata niya, bumukas ang bibig at namutla.

"NAIWAN KO SA KOTSE NAMIN OMG."

"Pabalikin mo dito daddy mo habang may time! Here, use my phone to call." HAHAHAHA natatawa ako sa reaksyon niya kanina. Sana na-picture-an ko. HAHAHAHA.

"Wala na sila eh. On the way to Baguio na si daddy para sa trabaho." :(

"O, hi Rome! We have a big problem." Kwinento ko sa kanya yung nangyari tapos

"Dumaan na lang tayo sa National Bookstore papunta sa bahay namin. May madadaanan naman eh."

Buti na lang at mayroong nbs malapit sa kanila Rome. HAHAHA! Medyo mabilis lang naman ang biyahe papunta dun. Wala ding traffic at maingat magmaneho 'tong lalakeng 'to. :-) Bumaba kami ng kotse at pumasok sa loob ng nbs. Kinuha ni Che ang mga gamit na dapat ay dadalhin niya. Ako naman, nagpunta sa mga libro. Nagtingin ako ng mga bago..... Wala akong nagustuhan. Bumalik ako kung nasaan sila Che. Sakto, magbabayad na daw siya.

Kinuha ni Rome ang mga pinamili ni Che at pumunta ng counter. Naglabas siya ng 1,000 tapos inabot sa kahera. Wowww ang yaman.

"Huy!!!! Ako na magbabayad! Kasalanan ko naman na naiwan ko yung materials eh."

"Hindi na, ayos lang."

"Waaaah." Yun na lang nasambit nito ni Che. HAHAHA pero nag-thank you naman siya pagkatapos.

Mga 5 minutes lang, nasa bahay na kami ni Rome. Ang laki lang, grabe! May malawak na garahe sa harap na puno ng halaman, may 2 floors ito tapos may maliit na bahay ata ng mga kasambahay sa likod, may tatlo din na kotse na nakaparada dun sa garahe.

"Wait lang ah." Bumaba siya ng kotse at binuksan ang gate. Ang cute naman, hindi siya bumusina or kahit ano. Ang gentleman naman! Hahaha. Bumalik siya at pinarada yung kotse sa harap ng pintuan. Sinalubong kami ng isang babae na tinawag niyang "manang"

Pagpasok namin, simple lang ang loob pero sobrang elegante. Maraming furniture ang kulay black. Yung iba, kulay red. Tapos may chandelier sa gitna ng living room. Nakanganga ata ako habang naglalakad. Dumiretso kami sa kwarto niya at pagbukas ni Rome ng pinto...

"AY PALAKANG BABOY KA!!" May tumalon na aso mula sa kwarto niya. Yan na lang bigla kong nasabi. Nayakap pa ako ni Chelsea. Hahaha!

"Hindi siya baboy at lalong hindi siya palaka! Ang pangalan niya ay Batman, isang golden retriever. Gwapo no? Parang ako lang."

Nagkatinginan na lang kami ni Che at sabay nagtawanan.

"HAHAHAHA wag ka nga mag-joke, Rome." Sabi ni Che.

"Miss mo lang ako eh."

Natahimik si Che sa pagtawa tapos sabi niya, "Tara gawin na kaya natin yung project? Ano ba yung magaling mong plano, Rome?"

Hindi siya sumagot. Mga isang oras na siguro kami nagtititigan pero walang nangyayari. Nagugutom na ako pero syempre ayoko sabihin. Dumating si manang na may dalang juice at tinapay. Naubos ko ata yung buong baso ng juice tapos nakain ko yung buong tinapay. Pagkatapos namin kumain, nagyaya si Rome na mag-bike sa labas ng bahay nila. Nagpatulong siya sa kuya driver nila kunin yung bikes. Dalawa lang eh kaya kailangan mag-share ang dalawa.

Kulay blue at pink ito tapos medyo sakto lang para sa height namin.

"Sino gusto mauna?" Tanong ni Rome.

"Kayo na lang muna ni Erika, Rome! Busog pa ako eh."

"A-ah, okay." Sumakay ako ng bike pero nagsimula nang umandar si Rome. Hinabol ko siya at nagpa-ikot ikot kami sa village nila. Hindi nagtagal ay naiwan na niya ako. Hinanap ko siya dahil medyo naliligaw ako. Nang lumiko ako sa isang kanto, laking gulat ko...

Kulay puti na lang ang nakikita ko. Nakahiga ako sa isang kama. May dextrose ako at nakita ko si Che at Rome sa isang gilid ng maliit na kwarto. Pero masyado akong mahina para bumangon.

"Nasaan ako.....?"

MinsanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon