Chapter 10: Gravity

72 2 0
                                    

<Rome’s POV>

“Kasi nagpapanggap lang kami.”

“Kasi nagpapanggap lang kami.”

“Kasi nagpapanggap lang kami.”

“Kasi nagpapanggap lang kami.”

Parang sirang plaka lang. Paulit-ulit yan sa isip ko. ‘Di mapinta muka ko nung narinig ko yan. ‘Di ko nga malaman kung matutuwa ba ako na ‘di naman sila o medyo maiinis kasi nagpapanggap sila. I mean, bakit naman ‘diba?

“Nagpapanggap lang kayo? Pero bakit?”

“Kasi may mga babaeng inaaasar siya kasi naghahabol daw saakin. Eh parang medyo mali naman yun kasi wala naman atang ginagawa si Erika sakanila kaya ayun naisip ko.”

“Inupakan mo nalang sana yung babae.”

“Adik ka ba? ‘Di ako nananakit ng babae.”

“Ehehe joke lang.  Syempre. Gago lang ang gagawa nun. Pero sana sinabihan mo nalang sila na tantanan na si Erika. Kalat na kaya sa buong school na kayo na.” Oo nga. -__- Ang alam ng lahat kayo na.

“Tignan natin pre. Pero kasi naiisip ko minsan na nagugustuhan ko si Erika.”

“Wag na pre. Focus ka muna sa ABCD! Aral, Barsity, Chicks, Dota. Una muna aral tsaka Track!” (A/N: Nakuha ko yan sa basketball varsity namin. Ang B kasi sakanila basketball pero ala ako maisip eh. XD)

“Sa bagay… May point ka eh. Sige tignan natin.” Tinulungan ako ni Daniel na gawin yung photojournalism project para sa Filipino. Pininturahan naming yung board tapos nagdikit ng pictures. ‘Di nagtagal ay dumilim na. “Oy sige na Rome. Uwi na ako dumidilim na eh.”

“Sige Daniel! Salamat sa pagtulong.” Tapos lumayas na siya.

Eh. Siguro dapat matuwa nalang ako kasi may chance parin ako kay Erika. O diba? Nice nice. ‘Di niya naman matatanggihan ang kagwapuhan kong ito. Tapos matalino pa ako at papasang mayaman na rin. Tsaka kung trip ko eh, magvavarsity rin ako! Lahat gagawin ko para magustuhan niya ako.

Nakapagtataka pero nung una kong makita si Erika eh tinamaan talaga ako. Love at first sight talaga. Nakakanganga ang ganda niya eh. Tapos ang cute niya. Ahehehe.

Sa susunod na araw ay nakahanap na sila ng damit na isusuot samin ni Erika sa pag-rampa. Pinakita nila saamin at nagulantang lang ako nung nalaman ko na pinanindigan talaga nila na magtotopless ako. ‘Di naman sa mataba ako, may abs pa nga ako eh. BWAHAHA!

“Pero baka wala lang talaga akong confidence magsuot niyan.”

“Ayos muka Rome! Pinaglalandakan mo na halos araw araw na pogi ka tapos wala kang confidence?” Nagsalita yung isa kong kaklase.

“SIGE NA SIGE NA.” Hinayupak na mga kaklase. -_____-

Nung araw na yun ay practice ng pagrampa kasi may isang practice every week. So dahil 2 weeks left, after nito may last practice pa. Paglabas ko ng CR, pinasuot lang nila saakin ay tanging bahag at cyclings lang at may kasama pang body paint. Tapos nakapaa lang ako. Grabe lang.

Nakita ko pinagkakaguluhan nila sa may tabi ang girl’s CR. Pagkasilip ko.. nandoon si Erika. Nakasuot siya ng tube pero kita parin tiyan niya. Tapos Nakaskirt siya na mukang gawa sa dahon tsaka may headpiece siya na gawa sa twigs tsaka onting dahon. Sinamahan pa nila ng make-up na green tsaka nakalipbalm ng pink. O diba. Tulo laway kakatingin sakanya. Ang ganda niya sobra.

MinsanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon