Chapter 1

208 4 5
                                    

Chapter  1

TRANSFEREE si Carina sa unibersidad at nasa third year college na siya. Kumukuha ng kursong BS Architecture. Siya ay half Filipino – half Mexican. Mexican ang ina at Filipino ang ama. Dito sa Pilipinas siya ipinanganak ngunit sa edad na lima ay nagmigrate ang pamilya nila sa Mexico. Kahit na lumaki silang magkakapatid sa bansang Mexico ay namulat sila sa kaugaliang Pilipino kung kaya matatas silang magsalita ng tagalog. At pagkalipas nga ng ilang taon ay napagpasyahan ng mga magulang niya na dito na manirahan for good.

Likas siyang mahiyain at aloof sa ibang tao kahit na noong nasa ibang bansa pa siya dahil sa kakaiba niyang hitsura. Kung kaya pati ang mga dating kaklase ay aloof din sa kanya.

Makapal ang salamin sa mata at palaging nakapusod o kaya nakatirintas ang mahaba at wavy niyang buhok. Natural ang kulay nitong walnut blonde. Long sleeve shirt o long sleeve polo at maong jeans ang madalas niyang isuot na damit. Sa madaling salita, nerd at baduy siya sa tingin ng ibang tao. Ngunit wala siyang pakialam dahil doon siya kumportable. Tanging si Mina lamang ang naging kaibigan niya mula ng pumasok siya sa unibersidad na iyon.

‘Ms. Tacos’ kung tawagin siya sa campus. Noong first day pa lang niya kasi sa eskuwelahang iyon ay tacos na agad ang hinanap niya sa canteen. Paborito niya kasi ang tacos kahit noong nasa Mexico pa siya. Palaging iyon ang kinakain niya kaya napagkakatuwaan siya ng iba. Wala siyang pakialam basta nakakain niya ang gusto niya.

Nasa klase siya. Nagle-lecture ang professor nila ngunit wala doon ang kanyang atensyon. Ang mata niya ay nakatuon lamang sa isang direksyon at ang isip ay tila kay layo nang nararating. Nakapangalumbaba siya habang nanlalamlam ang mga matang nakatuon sa kaklaseng si Raffy. Nakangiti pa siyang tila nangangarap. Parang naririnig niya pa sa background ang isang awitin na lalong nagpapakilig sa kanya.

♫♫Lagi kong naaalala

Ang kanyang tindig at porma

At kapag siya ay nakita

Kinikilig akong talaga..♫♫

Si Raffy ay isa sa pinaka-gwapo sa campus. Matangos ang ilong nito, tantalizing ang mga mata, kissable ang mga labi at makisig ang pangangatawan. Matangkad na ay very neat pang magdala ng damit.

♫Hindi naman siya sobrang gwapo

Ngunit siya ang type na type ko

Bakit ba ganito ang nadarama ng puso ko♫

Habulin ito ng mga babae. Popular sa campus dahil mahilig itong sumali sa iba’t ibang sports. Sa pagkakaalam niya, boyfriend ito ng isa sa mga kaklase niya, si Britney. Maganda ito, sosyal, pasyonista at may pagka-liberated. Popular din ito sa campus dahil nanalo ang dalaga sa Ms. Campus nang taong kasalukuyan. Ngunit wala siyang pakialam. Basta ang alam niya ay nabihag ni Raffy ang pihikan niyang puso. Napangiti pa siya sa isiping iyon.

♫Mr. Kupido

Ako nama’y tulungan mo

Ba’t hindi panain ang kanyang damdamin

At nang ako ay mapansin♫

Napansin ni Mrs. Magsaysay, ang kanilang professor na nakatitig siya sa binata.

“Miss Gonzalez…baka matunaw na niyan si Mr. Montemayor sa pagkakatitig mo?!” malakas ang boses na pamamahiya sa kanya ng propesora.

Hindi niya narinig ang sinabi ng propesora. Nakatingin pa rin siya kay Raffy at naririnig pa rin ang background music na siya lang naman ang nakaririnig. Nahigit niya ang hininga nang lumingon sa kanya ang binata at ngumiti. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.

I'm Nerdy, Miss Tacos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon