Chapter 12

43 2 0
                                    

Chapter 12  

 KINAGABIHAN ay bisita niya na naman si Raffy. Mula nang araw na natuklasan niya ang pustahan nina Raffy ay gabi-gabi na itong nasa kanilang bahay. Pero palagi itong umuuwing bigo dahil hindi niya ito hinaharap. Kesyo masama ang pakiramdam, sumasakit ang ulo, wala sa mood at iba pa ang mga dahilang binibigay niya sa kanyang ina para lamang iwasan ang binata.  Katulad ngayon, ang idinahilan niya ay pagod siya sa kanilang pagsa-shopping. Kahit na alam niyang hindi nito pinaniwalaan.

“Carina, Hija, boyfriend mo ‘yung tao, bakit hindi mo hinaharap? Nararamdaman ko, gumawa ka lang nang dahilan para iwasan siya. May problema ba kayo?” sunud-sunod na tanong nito. “May ginawa ba siya sa’yo?” dugtong pa nito. Mababakas ang pag-aalala sa mukha ng ina.

Natigilan siya sa sinabi nang ina. Pagkaraan ay napabuntong-hininga siya. “Ma, wala po,” sagot niya. Iniwasan niya ang mata nito.

“Hija, Mama mo ako. Handa akong makinig,” seryosong pahayag nito.

“Ma, pagod lang po talaga ako,” matatag niyang sabi. Pinilit na tumitig sa mga mata ng ina.

Nagpakawala ito nang mahinang buntong-hininga. “O, siya sige. Maghihintay ako kung kailan ka magiging handa na sabihin sa akin ang iyong problema,” nakauunawa nitong sabi. Hinaplos lang nito ang kanyang buhok pagkaraan ay lumabas na ito nang silid.

Ganoon ang kanyang ina, nirerespeto ang saloobin nilang magkakapatid. Hindi sila nito pinipilit. Binibigyan sila nang sapat na panahon para mag-isip at ipagtapat ang kanilang mga saloobin. Sasabihin niya ang lahat sa ina pero hindi pa ngayon dahil hindi pa siya handa.

“HIJO, may problema ba kayo ni Carina? May tampuhan ba kayo?” sunud-sunod na tanong nang ginang kay Raffy matapos na humingi ng paumanhin sa binata sa hindi pagharap ng anak.

Malungkot na napatingin si Raffy sa ginang. Magkaharap silang nakaupo ng ginang sa sofa. Sandali siyang nabigla at nagtaka sa nalaman. Walang alam ang ginang sa lahat nang nangyari sa anak. Ibig sabihin ay hindi pa naipagtatapat ni Carina sa pamilya ang nangyari sa kanilang dalawa. Kung sabagay, kung alam na nang ginang ang lahat ay maaaring noon pa man ay napagsalitaan na siya nito.

Tila nabasa nang ginang ang kanyang iniisip. “Raffy, gusto ko lang malaman kung may problema. Hindi basta-basta nagkukuwento ang anak ko. Minsan kasi ay sinasarili niya lang ang problema niya. Hindi ko naman siya pinipilit o ino-obligang aminin sa akin ang mga saloobin niya. Nirerespeto ko ang pananahimik niya. Gusto ko siya ang kusang magsabi nito at taos sa puso niya ang pagtatapat. Ngunit nag-aalala lang ako sa mga kinikilos niya nitong mga nakaraang araw,” mahinahong paliwanag nang ginang.

Nagpakawala siya ng hangin sa dibdib. Tumingin siya sa mga mata ng ginang ngunit ilang saglit lang ay binawi niya rin ito. Nakatungo ang ulong ipinagtapat niya ang lahat.

Napapikit at naiiling ang ginang sa mga ipinagtapat niya. “Pero, Tita Clara, sa maniwala kayo’t sa hindi, totoong minahal ko si Carina. Wala na ho kami ni Britney nang ligawan at sagutin ako ni Carina. Saka, hindi ho totoo ang lahat ng narinig niya na sinabi ni Britney. Hindi ko ho ikinahihiya na kasama ko siya, kahit ang tingin sa kanya ng lahat ay nerd at baduy. Ang alam ko lang ay masaya ako kapag kasama ko siya. Hindi ko ho alam kung maniniwala kayo pero ngayon ko lang ito naramdaman para sa isang babae. Ngayon lang ako nagmahal ng tunay. Mahal na mahal ko ho ang anak ninyo ngunit hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako,” nangingilid ang mga luha at madamdamin niyang paliwanag sa ginang. Mababakas sa mukha ang paghihirap ng kalooban na nadarama.

Napabuntong-hininga ang ginang pagkatapos ng kanyang pagtatapat. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito dahil pormal lang itong nakatingin sa kanya.

“Alam mo, Hijo. Sa mga ipinagtapat mo, dapat magalit ako sa’yo. Dahil sa pananakit mo nang damdamin ng anak ko. Alam mo bang ngayon lang naglaan ng pagtingin sa lalaki si Carina. Ngayon lamang siya nagmahal. Nakita ko ang labis na kasiyahan niya nang ligawan mo siya at maging boyfriend ka niya. Pero doble ang kaligayahan ko bilang ina niya dahil sa nakikita kong kasiyahan sa anak ko. Ngunit nitong huling araw, napansin kong lagi siyang malungkot at nakatulala. Iyon pala…” mahina itong napabuntong-hininga at seryosong tumingin sa kanya.

I'm Nerdy, Miss Tacos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon