Chapter 8

51 3 1
                                    

Chapter 8

“NAKU, nakapanggigigil talaga ang Carina na ‘yan. Dahil sa kanya nasira ang mga plano ko. Pati si Raffy nawala sa akin,” nanggagalaiting wika ni Britney. Naglalakad sila nina Sally at Allison sa loob ng campus.

“Ano nga kaya ang nakita ni Raffy kay Carina, ano?! Siguro, ginayuma niya si Raffy,” nagtatakang komento ni Sally.

“Oo nga, baka may lahing mangkukulam ang babaeng iyon. Hindi ba maraming hitana sa Mexico,” dugtong pa ni Allison sa sinabi nung una.

“Kahit pa may lahi siyang mangkukulam—humanda siya sa akin. Gagantihan ko siya. Hindi ko papalagpasin ang ginawa niya sa akin. Sa pang-aagaw niya sa’kin sa atensyon ni Raffy,” nakatiim-bagang na pahayag ni Britney. Matalim ang matang nakatingin sa kawalan.

Nang biglang sumulpot sa kung saan at humarang sa kanilang daraanan ang isang lalaking sa tingin nila ay nasa edad trenta na may makisig na pangangatawan. Matiim itong nakatingin sa kanilang tatlo. Napakunot noo silang magkakaibigan.

“Pwede ba kayong makausap mga binibini?” baritono ang boses na wika ni Mr. de Vega.

Napataas ang isang kilay ni Britney habang nakatingin sa lalaki. Napahalukipkip siya. “Who are you?” paismid na tanong niya. Pinagmasdan niya mula ulo hanggang paa ang lalaking nasa harap.

“I’m Rogelio de Vega,” malumanay na pakilala ng lalaki.

“Rogelio de Vega,” ulit ni Allison sa pangalan nito at tila nag-isip kung saan narinig ang pangalang iyon. “Ah, ikaw ‘yung coach nila Raffy, right?”

“Yup, you’re right!” nakangiting sang-ayon nito.

“So, what?” pairap na sabi ni Britney.

Ngumisi si Mr. de Vega at makahulugang tumingin sa kanya. “Ako lang naman ang tanging saksi sa pagnakaw ninyo ng mga kopya ng exams sa faculty room nung isang gabi!” pasarkastikong pahayag nito.

Natigilan si Britney at kanyang dalawang kaibigan sa pinahayag ng lalaki. Ang mataray na mukha niya ay napalitan ng takot sa narinig. Nagkatinginan silang magkakaibigan.

Tumawa ng nakakauyam si Mr. de Vega sa nakitang reaksyon ng mga ito. “Don’t panic, ladies. Huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo isusumbong—sa isang kondisyon,” nakangising wika nito.

“Anong kondisyon?” kinakabahan at napapantastikuhang tanong ni Britney.

Gumala ang tingin ni Mr. de Vega sa paligid. “Well, it’s not the right place to talk about it. Iniimbitahan ko kayo na magmeryenda sa labas ng campus. Ako ang taya. Doon ko rin sasabihin sa inyo ang aking kondisyones,” anito.

Nakangiting nagkatinginan silang tatlo. “Okay,” sabay-sabay nilang sagot.

DUMATING ang araw ng exams. Pinaghandaan talaga ni Carina ang araw na iyon. Nagreview siya ng mabuti. Ibinuhos nang husto ang sarili sa pag-aaral para hindi maalala ang kabiguang naranasan. Nagtungo muna siya sa restroom bago magtungo sa classroom. Walang tao sa loob nang pumasok siya. Iniwan niya ang dalang gamit sa gilid ng lababo bago pumasok sa isa sa mga cubicle.

Hindi niya namalayan ang maingat at patingkayad na paglakad na pagpasok ng grupo ni Britney sa restroom. Lumapit ang mga ito sa mga gamit niya na nasa gilid ng lababo. May inilabas na nakatiklop na papel si Britney mula sa sariling shoulder bag at inipit iyon sa isa sa mga libro ni Carina.

Ngumiti nang makahulugan si Britney sa mga kaibigan. Pagkatapos ay maingat uling lumabas ang mga ito ng restroom. Humahalakhak si Britney at ang kanyang mga kaibigan habang palayo sa lugar na iyon. “Humanda ka, Carina!” nakangising wika ni Britney.

I'm Nerdy, Miss Tacos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon