Chapter 13

55 2 0
                                    

Chapter 13

“GUYS, good news! Mayroon na kaming nakuhang bagong coach ninyo. Magaling siya at ngayon siya magsisimula sa pagtuturo sa inyo,” masayang balita ni Mr. Alvarez sa mga manlalaro ng fencing. Nakaupo ang mga ito sa mahabang bench.

“Yes,” masayang halos sabay-sabay na bulalas ng mga ito. Nagkahiyawan pa ang iba sa kasiyahan.

“Sir, nasaan na ho siya? Sino po ang bagong coach namin?” sunud-sunod na tanong ni Boyet, isa sa team player at actual na lalaban sa kompetisyon. Sina Boyet, Raffy at Mark ang napipisil ni Mr. Alvarez na lalaban sa araw ng kompetisyon dahil ang mga ito ang may potensyal at mga nakaaangat sa grupo.

“Sandali lang, papatawag ko siya.” Hinarap nito ang assistant para ipatawag ang bagong coach.

Tumalima naman kaagad ang inutusan. Nagtungo ito sa shower-locker room ng mga babae. Labis na ipinagtaka ito ng mga manlalaro dahil sinundan nila ng tingin ang assistant ni Mr. Alvarez. Napatingin sila sa ginoo. Nagtatanong ang mga mata nilang tingin dito.

“Just wait, okay!” nakangiting sagot ng ginoo.

Hindi nagtagal ay lumabas na ang inutusan ng ginoo sa pinasukan nito. Pigil ang hininga at sabik na hinihintay ng grupo kung sino ang iluluwa ng pinto na magiging coach nila. Dahil iisa lang ang ibig sabihin noon, na babae ang magiging coach nila.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Carina sa lockers room. Nakasuot siya ng jogging pants, white shirt na fit sa kanya at rubber shoes. Nakapusod ang buhok niya pero maganda pa rin siyang tingnan. Pormal ang mukha niyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito.

Mababakas ang pagkagulat sa mukha ng mga ito nang makita siya.

“Okay, guys! Si Carina muna ang magiging substitute coach ninyo. Since, isang buwan na lang ang natitira nating panahon bago ang kompetisyon. Masyadong matatagalan pa kung mag-i-screening pa kami ng bagong coach, kaya nagdesisyon kami ni President Navarro na si Carina na ang maging coach ninyo pansamantala. Nakita n’yo naman siguro kung gaano siya kagaling sa larangang ito, di ba? And we’re very thankful sa na naki-cooperate sa atin si Ms. Gonzalez,” nakangiti itong tumingin sa kanya. Tinugon niya rin ito ng ngiti. “So, sana huwag ninyong pasasakitin ang ulo ng bago ninyong coach. We all know, kung gaano siya kaganda. You guys—definitely can’t resist her charm, but if you want to court her—do it in a right place and time, not here, okay! Just want to remind all of you guys, she was your coach,” pabirong paalala ni Mr. Alvarez.

Nagbungisngisan pa ang mga manlalaro sa sinabi ng ginoo habang nakatingin ang mga ito sa kanya. Itinago niya ang pagka-ilang sa mga ito. Lalo na kay Raffy dahil kapag nagpakita siya ng kahinaan ay paglalaruan siyang muling ng mga ito. Nagpakatatag siya, iyon ang kailangan niya ngayon upang pakinggan siya ng mga ito. Nakita niyang  hindi natawa si Raffy sa mga sinabi ng ginoo. Seryoso lamang itong nakatingin sa kanya. 

“Do you understand gentleman?” tanong ni Mr. Alvarez sa mga ito.

“Yes, Sir!” sabay-sabay na sagot ng mga ito.

“Okay, I’ll take over everything to Ms. Gonzalez.” Pagkasabi ay tumingin ito sa kanya. At nakangiting tumango sa kanya.

Tipid na ngumiti siya dito. Pagkaraan ay hinarap niya ang mga manlalaro. Nagpakawala siya ng mahinang buntong-hininga. “Isang karangalan sa akin na maging coach ninyo kahit na pansamantala lamang ito. Nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng edad ko at isa akong babae ay pinagkatiwalaan ako nina President Navarro at Mr. Alvarez para mag-coach sa inyo. Since, konting panahon na lang ang natitira sa atin, I just hope that all of you will cooperate with me. Especially, ‘yung tatlong lalaban sa competition. Boyet, Mark and…” Napatingin pa siya sa binata. Nakita niyang bakas ang kasiyahan sa gwapong mukha nito habang nakangiti sa kanya. “and—R-Raffy.” Umiwas siya ng tingin dito. “Mas pagtutuunan ko silang turuan. Okay lang ba sa inyo iyon?” matatag niyang tanong sa mga ito.

I'm Nerdy, Miss Tacos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon