Chapter 2

76 3 1
                                    

Chapter 2

KINABUKASAN nga ay mabilis na kumalat sa buong campus na break na sina Raffy at Britney. Maraming kababaihan ang lihim na natuwa at umasang mapansin ng guwapong binata .

Napagkasunduan nila na sa loob ng isang buwan kailangang mapasagot niya ang pobreng si Carina.  At 50 percent ng allowance nila ang nakataya doon. Kung hindi nga lang sa kapritso ni Britney ay hindi siya papayag na ligawan si Carina. Dahil tama ang nobya hindi ang tipo nito ang gusto n’ya. Nanggaling nga ang dalaga sa isa sa sibilisadong bansa ngunit hindi naman ito naka-adopt ng kahit konting fashion. Napakabaduy nitong manamit at ang kapal-kapal pa ng salaming suot . Saka sa tingin niya ay boring itong kausap. Napasubo lamang siya sa pustahan ng mga kaibigan. Maikli lamang ang isang buwan. Pagtitiisan niya na lamang ang lahat, naisip niya.

Ilang araw na ngunit hindi pa rin niya madiskartehan ang dalaga. Dahil palagi nitong kasama si Mina. Natiyempuhan niyang nag-iisa itong nagbabasa sa library. Nakakunot ang noong tutok na tutok ito sa pagbabasa ng libro. Nilapitan n’ya ang dalaga at naupo sa tabi nito.

DAHIL sa transfer student si Carina at magka-iba ang curriculum sa unibersidad na pinanggalingan, may mga subjects siyang hindi na-credit. Kaya may mga subjects na hindi sila magkasama ni Mina dahil hindi nya pa pwedeng pasukin ang subject na iyon. Mas gusto niyang mag-stay sa library kapag ganoong bakanteng oras niya at hindi kasama ang kaibigan.

“Kaya pala kumakapal ang salamin mo ay dahil nakasubsob ang mukha mo sa libro kung magbasa!” baritono ang boses na puna sa kanya ng lalaki sa tabi niya. Nagulat at napalingon siya sa nagsalita. Hindi siya makapaniwala na si Raffy ang makikita. Napaawang ang kanyang labi dahil matamis na nakangiti ang binata habang mataman na nakatingin sa kanya. Binawi niya ang tingin dito at mabilis na inayos ang kanyang gamit na nasa lamesa. Akmang tatayo na siya nang pigilan siya ng binata sa braso.

“Teka, aalis ka na?” tanong nito sa kanya habang hawak pa rin nito ang kanyang braso. Tiningnan niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Nararamdaman niyang tila may kuryenteng dumadaloy sa balat niya sa pagkakahawak nito. “Iniiwasan mo ba ako?” dagdag na tanong nito. Nagpakawala siya ng mahinang buntong-hininga ng bitiwan nito ang kanyang braso.

“Ha?! Hindi, ah. Naalala ko kasi may gagawin pa pala ako,” pangangatwiran niya. Hindi pa rin siya makatingin dito ng diretso. At nararamdaman niya ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib.

“Napapansin ko kasi sa tuwing masasalubong kita sa hallway umiiwas ka kaagad. Na para bang may sakit akong nakakahawa,” pahayag ng binata habang nakatingin sa kanya.

“Hindi naman sa ganoon. Nagkakataon lang siguro,” pagsisinungaling niya. Kinagat niya ang ilalim ng kanyang labi at nahihiyang sumulyap sa binata.

“So, kung ganoon. Ibig sabihin pwede na tayong maging magkaibigan,” simpatikong nakangiti nitong sabi sa kanya.

“Ha?” bulalas niya at napatingin sa binata. “Ako? Gusto mong maging kaibigan?” napalakas ang boses na sabi niya sabay turo sa sarili. Hindi siya makapaniwala sa narinig sa binata. Napatingin sa kanila ang mga estudyante sa library.

“Please quiet!” pahayag ng librarian habang nakatingin sa kanilang dalawa. Natikom niya ang bibig sabay takip ng kamay dito.

“Oo. Bakit ayaw mo ba akong maging kaibigan?” bulong nito sa kanya. Inilapit pa nito ang labi sa kanyang tainga na nagbigay sa kanya ng kakaibang kiliti. Dahil doon ay napatingin siya sa binata. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga dahil malapit na malapit na magkaharap ang kanilang mukha. Nasasamyo rin niya ang mabango nitong hininga. Napatingin siya sa labi nito. Konti na lang ay didikit na ang labi ng binata sa kanyang labi. Kumibot ang kanyang labi at napalunok siya ng laway.

I'm Nerdy, Miss Tacos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon