Chapter 15

77 4 2
                                    

Chapter 15

PANAY ang lingon ni Raffy sa pintong pinapasukan ng mga imbitado sa celebration party na inorganisa ni Mr. Alvarez para sa kanila. Kanina pa niya inaabangan si Carina ngunit halos nandooon na ang lahat pero hindi pa rin ito dumadating. Naisip niyang baka na-late lamang ito. Hindi maaaring mawala ang dalaga sa party dahil bibigyan ito nang recognition ni Pres. Navarro. Sa gabi rin ito ay nais niyang i-alay sa dalaga ang kanyang karangalang matatanggap.

Nang nakaraang kumpetisyon ay na-realized niya ang mga sinabi ng dalaga nung huling araw ng kanilang practice. Ipinahiwatig nito sa kanya na kailangan niyang maging tapat at matutong magpursige para maibalik niya muli ang pagmamahal nito. Napakahina niya at hindi niya kaagad nakuha iyon.

Nang pumasok naman siya para kumuha ng special exams ay hindi niya ito nakita. Na nang mga panahon na iyon ay dapat nag-aayos ang dalaga ng mga requirements nito.

“Raffy, pare, bakit ba panay ang sulyap mo sa gawi ng pinto? May inaabangan ka ba?” puna ni Bert, kasama nila sa table at isa rin sa mga player.

Napatingin sa kanya ang mga kaibigan. “Si Carina ba ang hinihintay mo?” tanong ni Greg.

Napabuntong-hininga siya. “Oo, pero halos matatapos na ang programa ay hindi pa rin siya dumarating,” malungkot niyang wika.

“Baka talagang hindi siya pupunta,” bulalas ni Mark.

“Bakit naman hindi siya pupunta? Coach natin siya, dapat nandito rin siya. Saka, bibigyan siya ng recognition ni Pres. Navarro, di ba?” sabat naman ni Christian.

“Pero dapat kanina pa siya nandito, bago pa man magsimula ang programa,” bulalas ni Mark.

“Mabuti pa, tanungin na lang natin si Mr. Alvarez. Tingnan ninyo, relax na relax siya,” sabay turo ni Greg sa tinutukoy. “Alam naman nang lahat ang ibibigay na recognition ngayon kay Carina, di ba, pero siya parang hindi nag-aalala na hindi pa dumarating si Carina. Baka may alam si Mr. Alvarez,” dagdag komento nito.

Nang lumapit si Mr. Alvarez sa gawi nila ay sinimplehan ito nang tanong ni Greg. “Sir, hindi yata nakarating si Coach?” tanong nito.

“Ah, si Ms. Gonzalez ba? Tumawag siya sa akin kaninang umaga na hindi siya makakarating ngayon,” sagot nito.

“Ano naman po ang dahilan at hindi siya nakarating?” tanong ni Mark.

Si Raffy ay tahimik at hinihintay ang isasagot ng ginoo.

“Ngayon kasi ang alis ni Carina patungo sa Acapulco. I think kaninang hapon ang flight niya.”

Natigilan at napaawang ang mga labi ni Raffy sa narinig. Nakaramdam siya nang panlulumo.

“O, pa’no, maiwan ko muna kayo. Just enjoy the party!” nakangiting sabi ng ginoo.

“Yes, Sir,” sagot ng mga ito maliban kay Raffy na natitigilan pa rin.

“Huwag mong isipin ‘yon, pare, baka magbabakasyon lang ‘yon,” pampalakas loob na pahayag ni Mark. Tinapik pa siya nito sa balikat.

Tumingin siya sa kaibigan at tipid na ngumiti. Sa sinabi nito ay nagkaroon siya nang konting pag-asa. “Sana nga,” bulalas niya pero nakararamdam siya ng konting kaba. Nag-aalala siya na hindi na bumalik muli ang babaeng itinatangi.

NATAPOS ang semestral break at sumapit ang araw ng enrollment. Si Carina kaagad ang hinanap ng tanaw niya sa mga nag-eenroll pero bigo siya na makita ang dalaga.

Natapos na siyang makapag-enroll pero hindi pa rin niya ito nakita. Paalis na siya nang matanaw niya si Mina. Tapos na rin itong mag-enroll. Hindi na siya nagdalawang-isip na lapitan ito.

I'm Nerdy, Miss Tacos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon