1

3 0 0
                                    


"Pumunta ka kung gusto mo, Alex. Basta ako buo na ang desisyon ko hindi ako sasama. Tapos!"

Masungit na sabi ng kanyang Nanay Tess. Hindi na mabilang ni Alex kung ilang beses na niyang sinubukang kumbinsihin ito na dumalo sa kasal ng sarili nitong anak.

Mahigit dalawang taon na silang hindi nag-uusap sa kadahilanang sinuway daw ng kanyang Ate Lei ang mama nito. At siya naman na ampon ng kanyang Nanay Tess ay ang nagsumikap para maibalik ang dating samahan ng mag-ina.

"Nay, ikakasal na po si Ate Lei hindi po ba kayo masaya para sa kanya?"

Close sila ng kanyang Ate Lei kahit na mas matanda ito ng limang taon sa kanya. Itinuring siya nitong totoong kapatid. Only child kasi kaya siguro ay excited ito ng malamang aampunin siya ng kanyang Nanay Tess.

"Tigilan mo nga ako Alex." Pag-iibang sagot ni Nanay Tesss "Tutal bakasyon naman ay doon mo na sulitin sa Maynila."

"Yun po talaga ang gagawin ko Nay pero mas maganda po talaga kung sasama kayo sa akin."

"Ay ewan ko sayo bata ka! Basta ayoko!"

Tuluyan ng pumasok ang kanyang Nanay Tess sa kanyang silid. Napabuntong hininga nalang siya sa pag-iisip na nabigo niya ang munting kahilingan ng kanyang Ate Lei, na sana man lang ay magkaayos sila bago siya makasal.

*****

[Pasensya na talaga ate hindi ko na naman napapayag si Nanay]

Napangiti nalang si Lei sa boses ng kanyang kapatid. Kita kasi rito ang effort na tuparin ang kanyang kahilingan pero sadyang matigas talaga ang puso ng kanyang ina.

[Okay lang yun Alex wala na tayong magagawa basta ikaw pumunta ka dito ha ikaw kaya ang bride's maid ko]

Sagot niya kay Alex dahilan upang marinig ang tawa nito sa kabilang linya. Simula nung namatay ang kanyang ama ay ang kanyang ina na ang nagtaguyod sa kanya. Kaya hindi niya masisisi kung napakalaki man ang maitanim nitong galit sa kanya.

Hindi naman niya nais suwayin ang kanyang ina. Sadyang natamaan lang siya sa kamandag ng pana ni Kupido. Usapan kasi nila na tapusin muna ang pag-aaral bago pumasok sa isang relasyon pero hindi niya iyon natupad.

Nalulungkot siya sa sinapit ng kanyang kagagahan pero hindi siya nagsisi dahil alam niyang maswerte parin siya kay Joe Dela Peña, ang lalaking papakasalan niya.

[Oo naman ate! Tsaka isa pa excited din akong makita sa personal ang mapapangasawa mo, hanggang picture lang kasi ako e.]

Natawa nalang siya kay Alex. Simula kasi nung nag-away sila ng kanyang mama ay hindi na siya naka-uwi ng Leyte. Akala nga niya noon ay wala na siyang pag-asang magkaroon sila ng commu. Pinutol na kasi ito ng kanyang mama nung nalaman niya ang tungkol sa kanila ni Joe.

[Huwag kang mag-alala makikita mo na siya tsaka feel ko magiging close kayo agad pareha kasi kayo e matitigas ang ulo!]

Sabi ni Lei. Madalas niya kasi ikwento si Alex kay Joe at sa bawat pagkwento niya ay nakikita niya ang kislap ng mga mata ng lalaki. Natutuwa siya dahil dun, kasi only child lang si Joe kagaya niya at nais din nitong magkaroon ng kapatid.

[Ate naman e! Bahala ka! Cute naman ako haha sige na Ate lumalalim na ang ang gabi maaga pa ang flight ko bukas hehe goodnight! Lab you Ate!]

[Lab you din! Sweet dreams~]

Kasabay nun ang pagbaba niya ng telepono. Huminga muna siya ng malalim at napangiti, hindi niya maikakaila na na'e-excite na siya sa pagdating ni Alex bukas.

FIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon