"B-bitawan nyo po ako."
Pagmamakawa ni Alex. Mas lalo na kasing humihigpit ang hawak ng matanda, pakiramdam niya ay hindi na nakakadaloy ng maayos ang kanyang dugo.
"UMALIS KAYO! MAPAPAHAMAK LAMANG KAYO!!!!"
Paulit-ulit ang mga katagang iyan sa bibig ng matanda. Para na itong sirang plaka.
"UMALIS KA--"
"Umalis ka!"
Singit ni Joe sa eksena at hinatak si Alex palayo sa matanda. Mabuti nalang at binitawan niya agad ito kung hindi mas lalong masasaktan si Alex. Agad namang dinamayan ang dalaga ng kanyang Ate Lei at ng mga kaibigan nito.
Natakot naman ang matanda at humakbang ito ng papalayo pero ang mga mata nito ay nakatingin parin sa kanila, yung tipong inisa-isa pa silang sinulyapan.
"TANDAAN NYO TO!" Sigaw ng matanda "LIMA ANG KUKUNIN AT ANG PANG-LIMA ANG MAGDUDUSA!!!"
"Baliw ka! Umalis ka na nga!"
Pagtataboy ni Vance sa matanda. Hindi na ito nagpumilit pa at tuluyan ng lumayo. Agad naman nilang kinamusta si Alex at nung napagtanto nila na okay na talaga siya ay nagsimula na silang pumasok.
******
"Kuya Joe bakit may 'No Entry' sign na nakalagay dun? Bawal tayo dito Kuya. Hindi tayo dapat pumasok"
Hindi na nagdalawang isip si Alex na sabihin yun. Hindi niya alam pero natatakot siya sa sinabi ng matanda. Paano kung totoo yun?
"Ang totoo niyan Alex alam talaga namin na hindi tayo pwede dito pero kailangan namin tong final output nato. Gusto naming ilagay lahat ng effort, na patunayan namin na kaya naming malamangan ang kalaban namin."
Paliwanag ni Joe. Napakalaking insulto kasi sa kanila na mas pinapaboran ng kanilang prof ang kalabang grupo. Kaya napagdesisyonan nilang patunayan na hindi sila mga pipitsugin, na kaya nilang matumbasan ang galing ng kalaban at kaya nilang marating ang rurok ng tagumpay.
Napabuntong hininga at tumango nalang si Alex. Kahit hindi niya alam ang lahat at tunay na nangyayari ay naiintindihan niya naman ang sitwasyon nila. Maya-maya pa ay tinawag na sila ng kanyang Ate Lei, nauna kasi ito sa kanila dahil pinag-uusapan pa nila ng kanyang Ate Shaira ang mga gagawing designs kapag nakapili na sila ng isang kwarto. Nagsimula na silang maglakad, binilisan nila ito para makahabol sa kanilang mga kasama.
Hindi parin nawawala ang pagkamangha ni Alex lalo na't tuluyan na silang pumasok ay mas nakita niya ang kabuuan nito. Ang kanyang mga mata ay naglalakbay sa kung saan man ito naiisin. Bigla siyang napahinto ng may nakita siyang may nakasilip sa isang sulok. Pinagtakhan niya ito ng sobra. Di kalauna'y napansin na naman niya ang ibang pares ng mga matang nakasilip sa ibang sulok ng gusali.
Nagsimula na siyang makaramdam ng takot. Hindi na kasi isa o dalawa ang nakikita niya kundi lahat ng sulok ng gusali ay may nakasilip na sa kanila. Para itong mga nilalang na ngayon lang nakakita ng tao, yung bang katulad sa mga palabas sa horror kung saan para silang mga cannibal at handa silang sunggaban kahit anumang oras. At ang mga mata nila'y parang kinikilatis na ang kanilang buong pagkatao pati na ang kanilang kaluluwa.
"S-sorry."
Paghingi ni Alex ng paumanhin. Dahil sa kanyang nakikita ay hindi na niya namalayang huminto na pala sila at nasubsub siya sa likod ng kanyang Kuya Joe.
"Okay ka lang ba Alex?" Tanong ni Joe namumutla na kasi ito "nagugutom ka ba?"
"H-hindi po," umiiling siya sa takot iba na kasi ang mga titig ng mga tao sa paligid, at mas lalo pa siyang natakot kasi parang siya lang naman ang nakakakita sa kanila. Ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda. Alam niyang sobrang makapangyarihan ang utak ng isang tao at napakalawak naman ng imahinasyon niya. Sa oras na siya'y may nakikita ay pilit niya itong itinatakwil sa utak, na imagination lamang sila at gawa lamang sila ng makulit niyang pag-iisip. Pero sa pagkakataong ito hindi niya ito magawa, sobrang takot ang kanyang nararamdaman at kahit siya ay hindi niya ito kayang balewalain.
"Sure ka? Baka nahihilo ka lang. Tatawagin ko lang si Lei may dalang white flower yun."
Lalakad na sana ang kanyang Kuya Joe papunta sa kanyang Ate Lei na hanggang ngayon ay busy sa pakikipag-usap, pero pinigilan niya ito. Ayaw niyang maiwang mag-isa feeling niya kasi kukunin siya ng mga taong nakatitig sa kanila ngayon.
"K-Kuya Joe, ba't maraming tao ang nandito? N-nakakatakot po sila Kuya."
Hindi na napigilan ni Alex na sabihin ang nararamdaman niya. Kita niya ang pagkunot ng noo ng kanyang Kuya Joe. Wala na siyang pakialam kahit na isipin nitong nababaliw na siya ay hindi na niya iyun inintindi, basta masabi na niya okay na yun.
"Anong tao? Abandonadong gusali ito Alex imposibling may ibang tao dito," pagco-comfort ni Joe sa kanya "May NO ENTRY ngang nakalagay sa labas di ba? Tayo lang ang matitigas ang ulong naglakas loob na pumasok dito."
"P-pero—"
"Chill ka lang okay? Nasobrahan ka ata sa pagbabasa ng librong binigay ko sayo kahapon haha. Tama nga si Lei ang active ng imagination mo."
"Pero Kuya Joe hindi eh andun oh! Nakati--"
Hindi matuloy ni Alex ang kanyang sinasabi dahil ngayon ang mga taong nakita niya ay nawala nalang na parang bula. Hindi siya makapaniwala at ang takot na kanyang nararamdaman ay mas lalo pang lumakas. Ginulo nalang ng kanyang Kuya Joe ang kanyang buhok at hinila siya papunta sa kanilang kasamahan. Naguguluhan man ay wala na siyang nagawa kundi pilit kalimutan ang kanyang nasaksihan kanina.
******
Mahigit dalawang oras silang naghanap ng kwartong gagamitin sa kanilang final output. Hinahanap kasi nila ang hindi masyadong sira at hindi masyadong madumi para naman daw mas mapadali sila sa kanilang gagawin. Pero sa tagal nilang paglalakad ay hindi parin nila nalibot ang buong gusali. Sobrang laki pala nito at nalaman din nilang medical school na may kasamang ospital pala ang dating gusali. May nakita kasi silang mga lumang hospital bed at ibang classrooms kaya nila naisip yun.
"Hay! Salamat at makakapagpahinga na ang mga paa ko."
Sabi ni Shaira na agad namang umupo sa isang sirang sofa. Maganda ang napili nilang kwarto hindi masyadong sira, medyo malinis at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may kuryente. Takang-taka silang lahat pero binalewala nalang nila kasi ika nga ni Keith ay mas mabuti na ito para may magamit silang pangcharge. Hindi rin nagtagal ay nagkaroon sila ng munting pulong , nakisali na rin si Alex since kasama naman siya. Balak pala nilang gawing kiddie room ang kwarto at ideya iyun ng kanyang Kuya Joe kaya panay tukso ang natanggap ng dalawang lovebirds kasi hindi pa nga raw nangyayari ang kasal ay binalak pang-practice ang final output nila.
Hindi rin nagtagal ay sumeryoso sila ulit at hinati na ang grupo. Pagkatapos nilang mag-usap ay nagsimula na silang magligpit ng mga sirang gamit pero nahinto sila dahil kinakailangan pala nila ng tubig. Natatawa nalang si Alex kasi napaka-ewan ng grupong kasama niya.
"Kami nalang ni Lalaine ang kukuha ng tubig," suggestion ni Keith na agad namang binatukan ni Renzo.
"Ba't si Lalaine ang isasama mo? Pwede namang ako ha, ayaw mo ba akong makasama Keith?" sambat ni Renzo.
"Eeeeew Pare! Walang talo-talo!"
"Ulol! Ang bobo mo pre babae kaya si Lalaine! Alangan namang pabitbitin mo ng isang baldeng tubig! Napaka-ungentleman mo naman!"
Nagtawanan naman silang lahat. Alam naman nilang biro lang ang kang Renzo pero may punto naman siya. Kaya lang sabi ni Lalaine ay okay lang tsaka may pag-uusapan lang din silang dalawa ni Keith. Hindi na sila namilit pa at hinayaan na ang dalawa.
"Pre! Bilisan nyo ha! Nasa 10th floor pa naman tayo!" sigaw ni Vance bago pa makalabas ng pintuan ang dalawa "tsaka gumamit narin kayo ng protection!"
"PAK YOU TOL!"
Muli na naman silang tumawa. Napaka-kwela lang talaga ng kasama niya yung bang hindi talaga sila nauubusan ng banat. Umiling nalang si Alex at nakipagkwentuhan sa mga babaeng kasama kasi ang mga lalaki naman ay may sarili ding pinag-uusapan. At doon nalaman ni Alex na dating couple pala sina Keith at Lalaine at ngayon ay feel nilang lahat na magkakabalikan sila. Echusera na kung echusera wala na siyang magawa ang chsimis kasi ang lumalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
FIVE
Horror"LIMA ANG KUKUNIN AT ANG PANG-LIMA ANG MAGDUDUSA" Ano ang iyong gagawin kong ikaw ang... PANG-LIMA? --- Aries Seu ---