3

2 0 0
                                    


"ATE LEI!!!!!!!!"

"ALEX!!!!!!!"

Yan ang mga sigaw ng dalawang babae nung dumating sila sa bahay. Napangisi nalang si Joe sa kanila. Nakakatawa kasi sila tignan yung bang tipong kahit ang lapit-lapit nila sa isa't-isa ay nagsisigawan pa rin, parang mga taong bundok lang.

"Ate! Grabe ang ganda mo na ha! Pumuti ka na rin, dati ang itim mo daig mo pa ang pwet ng kaldero!"

"Grabe naman Alex ba't ang lakas mong manlait ngayon ha? Anong ginawa ni Joe sayo?"

"Hep! Anong ginawa? Wala kaya."

Biglang sambit ni Joe sa kanila nung marinig niya ang kanyang pangalan. Tama ba yun? Nanahimik lang siya at dinawit pa siya.

"Kayong dalawa pumasok na nga kayo at ako na ang maghahanda ng hapunan."

Sabi ni Joe at inakyat na ang gamit ni Alex. Gabi na din sila dumating kasi sabi din ni Lei na dapat ipasyal niya muna si Alex bago umuwi ng bahay. Nang nakapasok na silang tatlo ay agad namang pumwesto ang dalawa sa sofa at pinagpatuloy ang naudlot na kwentuhan. Siya naman ay pumunta na sa kusina para ipagluto ang dalawa.

******

Dahan-dahang hinihiwa ni Joe ang mga rekados. Masaya siya at patunay nito ang paghihili niya sa isang hindi pamilyar na tono. Sobrang saya niya ngayon na pakiramdam niya ay perpekto na ang lahat.

Muli niyang sinilip ang dalawa at doon nakita niya itong tumatawa pero ang mas napansin niya ay ang magandang mukha ni Lei. Sobrang mahal niya ito dahilan upang suyuin ang dalaga kahit na tutul ang karamihan.

First year college si Lei nun nung una niya itong nasilayan. Nagandahan siya agad sa dalaga dahilan upang makalimutan niyang estudyante niya ito. Tama. Naging substitute prof si Joe sa isa sa mga subjects ni Lei noon. At dahil sa masyadong malakas ang tama niya, nag-confess siya na siya namang ikinagulat niya kasi may gusto din ito sa kanya. Kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at niligawan na niya si Lei.

Naitago nila ang kanilang relasyon hanggang sa matapos ang termino niya sa pagiging substitute prof. Dahil sa kagustuhan niyang makasama palagi ang dalaga ay nagenrol pa siya at pareho sila ng kurso, kahit huli siya ng isang sem okay lang daw basta nababantayan niya at nakikita niya palagi ang mahal niya.

Ngunit masyadong pakialamero ang tadhana, kumalat ang kanilang relasyon at nabully si Lei. Araw-araw umiiyak ang dalaga at hindi niya mapigil na sisihin ang kanyang sarili sa nararanasang hirap ng babaeng kanyang pinakamamahal. Hindi pa nakuntento ang tadhana at nadagdagan ang paghihirap ni Lei, nalaman kasi ito ng kanyang ina sa Leyte at agad itong itinakwil. Nahinto si Lei ng isang sem dahil dun, pero gumawa ng paraan si Joe at nagtransfer sila ng school. Pareho na sila ng level at sa awa ng Diyos ay pareho narin silang graduating student.

"J-Joe? Amoy sunog!"

Nabalik sa ulirat si Joe at agad namang pinagtuunan ng pansin ang niluluto at tama nga si Lei sunog na nga ito.

FIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon