"Kamusta naman ang brother-in-law mo Alex? Pasado ba siya para sa Ate Lei mo?"
Natawa si Alex sa mapangkilatis na tanong ni Andra. Parang nasa isang crime scene sila at si Andra ang pulis tsaka siya naman ang witness.
"Mabait siya tsaka maalaga," sagot niya at tiningnan ang kanyang Ate Lei na kitang-kita sa mata ang pag-ibig para sa kanyang Kuya Joe. "Sa tingin ko ay mahal na mahal nila ang isa't-isa at panatag na po ako dun."
"YUN OH!"
Sigaw naman ni Renzo na nasundan ng tawanan nilang Vance at kanyang Kuya Joe. Sila naman ay biglang nagulat kasi nakikinig pala ang mga lalaki sa grupo nila.
"Ano ba kayo!" Usal ni Shaira "Mga bakla siguro kayo ano?!"
"Grabe ka naman Shaira. Eh sa sobrang namangha lang kami sa sagot ni Alex, di ba Vance?" Si Renzo na inaakbayan pa ang utol.
"Ang lalim e! Saang hukay kaya yan kinuha?" Si Vance naman ang nagkomento.
"Magsitigil nga kayo," singit naman ng kanyang Kuya Joe na umupo na sa tabi ng kanyang Ate Lei dahilan upang mapangiti nalang siya. Tumingin ito sa kanya "wag kang mag-alala Alex patayin mo ko sa oras na masaktan ko ang Ate Lei mo, okay?"
"ANG KESO!" -Andra
"ANG MAIS!" -Vance
"LALANGGAMIN TALAGA TAYO NITO!" -Shaira
"PRE! IKAW BA TALAGA SI JOE?!" -Renzo
"Naiinggit lang kayo!" Bwelta naman ng kanyang Ate Lei dahilan upang maghiyawan na naman ang lahat.
"Teka lang guys," pagpapatigil ni Andra sa kanila "Bakit hindi pa bumabalik ang dalawa dito?"
Agad naman nilang tinignan ang kani-kanilang mga orasan at tama nga si Andra ang tagal nga nila. Isang oras na pala ang nakalipas pero wala paring Keith at Lalaine ang bumabalik.
"Susunduin ko lang ang dalawang yun," nag-volunteer na si Andra pero pinigilan ito ni Renzo.
"Hayaan mo na lang yung dalawa" si Renzo
"Oo nga! Baka hindi pa yun tapos," si Vance na binatukan naman ni Shaira.
"Hindi, susunduin ko sila wag ka nalang din sumama Renzo," sabi ni Andra "Baka naligaw sila pareho pa naman ang dalawang iyun, walang sense of direction."
Pagkasabi ni Andra sa mga katagang iyun ay umalis na siya at hindi na hinintay ang sagot ni Renzo. Bumalik nalang sila sa paghihintay.
******
Enjoy na enjoy na si Alex sa kanyang binabasa. Hindi niya kasi akalaing makukuha ng kanyang Kuya Joe ang taste niya sa mga horror stories. At tungkol naman sa itsura ng kanyang libro ay natatawa siya. Kulay skyblue kasi ang binili nilang pangcover tsaka puno pa ito ng drawing na unicorn. Naiisip niya tuloy na pinagloloko lang siya ng Kuya Joe niya pero effective din naman kasi hindi talaga nahalata ng kanyang Ate Lei ang librong kanyang binabasa.
"Tol thirty minutes na, hindi parin sila bumabalik dito," narinig niyang sabi ni Renzo sa kanyang Kuya Joe. Batid sa boses nito ang pag-aalala.
Nakita niyang huminga ng malalim ang kanyang Kuya Joe at tumayo, dahilan upang mapunta ang lahat ng tingin sa kanya.
"Makinig kayong lahat," sabi nito sa isang napaka maawtoridad na boses "Walang aalis dito kahit anumang mangyari naiintindihan nyo? Susunduin ko lang ang tatlo"
"J-joe!"
Pigil ni Lei sa kanyang fiance. Selfish man pakinggan ay ayaw niya talagang umalis si Joe. Pero ngumiti lamang ang binata at hinalikan siya sa noo, para iparating sa kanya na okay lang ang lahat at walang dapat ikabahala.
"Dito ka lang Lei bantayan mo sila okay?"
"P-pero Joe-"
"Ssssshh"
Wala ng nagawa si Lei kundi sundin ang lalaking kanyang mahal. Pinapanood niya ang likod nitong papalayo sa kanya. Nerbyos, takot at pag-aalala ang kanyang nararamdaman para kay Joe.
Isang napakalakas na sigaw ang narinig nila galing kay Shaira na siya namang nakatayo malapit sa bintana. Si Joe naman na bubuksan na sana ang pinto ay hindi na naituloy ang pagbukas.
"Hoy! Ano bang sinisigaw-sigaw mo jan?!"
Tanong ni Vance kay Shaira na namumutla na sa takot. Maiyak-iyak na ang dalaga at halatang hindi mapakali.
"M-may nahulog!" Pagsisimula ni Shaira "M-may nahulog!"
"Ano naman ngayon?!" Si Vance sa iritadong tono ng boses "Ano bang nahulog ha!?"
"AYOKO! AYOKONG TIGNAN! PLEASE UMALIS NA TAYO DITO! AYOKO NA DITO!"
Iyak ni Shaira na agad namang nilapitan ni Lei at niyakap. Si Alex naman ay natatakot na. Hindi na niya rin maigalaw ang kanyang mga paa. Nanginginig na siya at ang malakas na tibok ng kanyang puso ang tangi niyang naririnig.
LIMA ANG KUKUNIN AT ANG PANG-LIMA ANG MAGDUDUSA
Baka totoo ang sinasabi ng matanda? Pano nga kung totoo iyun? Anong gagawin nila?
"Nak ng!" Sigaw ni Vance at siya na ang dumungaw sa bintana pero biglang bumaliktad ang kanyang sikmura sa kanyang nakita. "SH*T!" yan nalang ang kanyang nasabi.
BINABASA MO ANG
FIVE
Horror"LIMA ANG KUKUNIN AT ANG PANG-LIMA ANG MAGDUDUSA" Ano ang iyong gagawin kong ikaw ang... PANG-LIMA? --- Aries Seu ---