8

2 0 0
                                    

Tuluyan na namang nabasag ang salamin hindi ba? Natamaan ako hindi ba? Pero bakit wala akong nararamdaman? Kahit sakit man lang ay wala talaga. Ganito ba ang feeling kung patay ka na?

"A-Alex"

Narinig ni Alex ang boses ng kanyang Ate Lei. Pero hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot. Buhay pa kaya ang kanyang Ate Lei kaya siya tinatawag nito? O baka siya'y naghihingalo na at nais siyang isalba ng kanyang ate?

"A-Alexandra"

Pero bakit parang nahihirapan ang kanyang Ate Lei? Na para bang naghahabol ito ng hangin. Na para bang may nararamdaman itong masakit at mahapdi.

Bigla siyang nakaramdam ng kung ano sa kanyang paa. Yung bang parang niluluwagan ang pagkakahawak dito. Nagtaka siya dun, hindi bat patay na siya?

"Ale-"

Idinilat niya ang kanyang mga mata at dun niya nakita ang kalunos-lunos na kalagayan ng kanyang Ate Lei. Nakahilata ito sa sahig at dugoan ang buong katawan. Puno rin ng nagdadambuhalang bubug ang kanyang katawan dahilan upang mas mahirapan itong gumalaw.

Gulat na gulat si Alex sa sinapit ng kanyang Ate Lei. Ba't siya lang ang natamaan? Ba't hindi siya nadamay? Ni kahit katiting na gasgas ay wala siyang natamo.

"Ate L-Lei"

Yan nalang ang kanyang nasabi. Puno na ng luha ang kanyang mga mata. Umupo siya ng kunti at hinaplos ang duguang mukha ng kanyang Ate Lei at dun niya nasilayan ang kanyang mga luha.

"Alex," hirap na sabi ni Lei "M-masaya akong nakita kita. W-wag mong pabayaan si mama ha?"

"Ate ano bang pinagsasabi mo! Lalabas tayo dito ng sabay! Lumaban ka Ate!"

"M-mahal na mahal kita Ale-"

"LEI!!"

Napalingon si Alex sa kinaroroonan ng ma-awtoridad na boses, at nakita niya ang kanyang Kuya Joe na hindi mapakali sa kanyang nakita.

"J-joe" tawag ni Lei "Umalis na kayo please wag mong pabayaan si Alex."

"Lei lumaban ka! Magpapakasal pa tayo hindi ba?"

"M-mahal kita."

Nakaramdam ng matinding kalungkotan si Alex sa kanyang nakita. Yun bang parang pinipiga ang kanyang puso. Hindi na niya kayang tumingin sa kanila pero hindi naman niya kayang ialis ang kanyang paningin.

"Lei please lumaban ka para saken please."

"Joe mangako ka," sagot ni Lei "Lumabas kayo dito ni Alex ng buhay, mangako ka Joe."

"L-Lei"

"P-pakiusap"

Tumango si Joe sa pakiusap ng babaeng kanyang pinakamamahal. Hinalikan niya ang labi nito kahit puno ito ng dugo. Hindi niya kayang tanggapin na ang babaeng kanyang mahal at pinaghirapang makuha ay mawawala nalang ng basta-basta.

"Mahal kita Lei tandaan mo yan," sabi Joe na halos pumiyok na ang boses "Hintayin mo ko magsasama tayo ulit."

Tumango si Lei at ngumiti ng taimtim, kasabay nun ang paghinga nito ng malalim hanggang sa tuluyan ng tumigil ang kanyang paghinga, hudyat na siya'y wala na.

Tumayo na si Joe at kinuha ang kamay ni Alex para itayo din ito. Agad namang nagpumiglas ang dalaga at kita sa kanyang mukha ang pagtutul sa desisyon ng kanyang Kuya Joe.

"GANUN NALANG?!" sigaw ni Alex

Hindi kayang magpaliwanag ni Joe sa kanyang naging desisyon, dahil mismo siya ay hindi sigurado. Pero wala na siyang magagawa kundi sundin ang huling habilin ni Lei.

"ANG SAMA MO!"

Lumapit si Alex sa kanyang Ate Lei at dun mas lumakas ang kanyang iyak. Ayaw niyang iwan ang kanyang kapatid. Mas gugustuhin pa niyang mamatay kasama ang kanyang Ate Lei kesa umalis ng wala siya.

"Ate! Gumising ka please!"

Hagulhol ng kawawang dalaga pero ang kanyang mga iyak ay agad napalitan ng gulat at kaba. Nakita niya kasing unti-unting nilalalamon ng sahig ang katawan ng kanyang Ate Lei.

Inilayo ni Joe si Alex at hinila ito para tumakbo pero matigas talaga ang ulo nito kaya pinasan nalang niya. Nung nakalabas na sila sa sulok na iyun ay narinig na naman nila ang mga yabag dahilan upang sila'y magtatakbo sa takot.

Lumiko sila at dun nila nakita ang lugar kung saan sila pwedeng magtago. Agad naman silang pumwesto at dun nanahimik. Masyadong masikip ang pwesto kaya't sa abot ng kanilang makakaya ay pilit nilang isiniksik ang sarili sa isa't-isa.

Nasa bandang kanan nila ang isang dingding na kaharap naman ng hallway. Nasisinagan ito ng kaunting liwanag at sa oras na may dumaan sa hallway ay tyak makikita nila ang anino nito.

At yan ang nais matuklasan ni Joe. Kung hindi man makita ng kanilang mga mata ang anyo ng nilalang na humahabol sa kanila, ay baka sa tulong ng liwanag ay matanto nila kung ano talaga ito kahit sa anino man lang.

"Kahit yan lang" bulong ni Joe sa kanyang sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon