2

3 0 0
                                    

Nakatayo na si Alex sa labas ng NAIA at pasensyadong hinihintay ang taong susundo sa kanya na walang iba kundi ang kanyang Kuya Joe. Kinakabahan siya kasi ito ang unang pagkikita nila. Tanging sa picture lang kasi niya ito nakikita.

Mabait kaya siya? Magkakasundo ba kami? Ano kaya ang ugali nun?

Panay naman ang pagsulpot ng kanyang mga tanong, natigil lamang siya nung narinig niya ang mahinang ungol ng kanyang tiyan. Napangisi na lamang siya. Hindi pa pala siya nakakain ng tanghilian at pasado alas dos na.

"Alexandra?"

Napalingon si Alex sa kanyang likod at nakita niya ang isang matangkad na lalake. Ma-itsura ito at medyo matipuno ang pangagatawan na kitang-kita sa medyong fit nitong v-neck shirt, may dala din itong maliit na paperbag.

"Alexandra Briones right?" Ulit nito "Alex?"

'Ah! Oo hehe"

Nasapo ni Alex ang kanyang noo. Nahihiya siya sa pagkatulala niya. Ngayon alam na niya kung bakit papakasalan ito ng kanyang Ate Lei. Jackpot pala ang nakuha eh!

"Pasensya ka na Alex sobrang late ko na at alam kong gutom kana rin" sabi nito sa kanya at kinuha na ang kanyang bagahe "Kain muna tayo haa tsaka wag mo kong isumbong kay Lei magagalit sakin yun hehe"

Napatawa nalang si Alex at sumunod nalang siya habang tumatango. Under pala ang lalaking to sa Ate Lei niya.

******

"Alam mo ba nung niligawan ko ang Ate Lei mo sobrang nahirapan ako pero buti nalang sobrang gwapo ko at naakit ko siya."

Nakakatawa. Yan ang masasabi ni Alex sa kanyang Kuya Joe. Kanina pa sila tawa ng tawa kaya mas lalong nahihirapan siyang tapusin ang kinakain nila. Sa haba narin ng kanilang kwentohan ay nalaman niyang galing pala sa mayamang pamilya ang kanyang Kuya Joe at may sarili din itong negosyo. Seven years ang agwat nila ng kanyang Ate Lei kaya nung nakita niya ang dalaga ay nag-aral pa ito ulit sa kursong Fine Arts na siya namang kurso din ng kanyang Ate Lei para lang makasama at suyuin.

"Ang hangin!"

Sagot ni Alex na siya namang nagdulot ng napakalakas na tawa ni Joe. Natutuwa siya sa bata, tama nga talaga ang fiance niya masaya kausap si Alex.

"Syanga pala Alex may ibibigay ako sayo."

Kinuha ni Joe ang isang libro galing sa dala niyang paperbag, yun ang dahilan kung bakit mas lalo siyang nalate. Naikwento kasi ni Lei na mahilig magbasa ng horror stories si Alex at napapagalitan daw ito kasi minsan nagha-hallucinate at sinasabing may nakikita daw. Hindi siya naniniwala sa mga multo, espirito o ano pang kababalaghan kaya sa tingin niya ay wala naman talagang masama kung magbabasa si Alex ng ganyang libro.

"N-naku salamat po Kuya Joe."

Napangiti siya, kita niya kasi ang saya sa mga mata ni Alex, pakiramdam niya totoo silang magkapatid. Pero sa kabila ng sayang ipinapakita ni Alex ay kita niya rin dito ang takot. "Kung si Lei ang iniintindi mo wag kang mag-alala hindi kita isusumbong tsaka ano ba ang masama kung magbabasa ka ng ganyang libro? Buti nga eh ganyang libro ang binabasa mo kesa naman yung malalaswa."

Muntik ng nabilaukan si Alex sa iniinom na smoothie. "G-grabe ka naman kuya wala man lang preno?"

"Totoo naman ang sinasabi ko e" sagot ni Joe "ganito nalang bili tayo ng pangcover ng libro yung hindi halata na horror book yan okay ka dun?"

Mabilis na tumango si Alex at agad na silang tumayo para bumili ng pangcover. Pakiramdam niya magiging spoiled siya dahil sa kanyang Kuya Joe.

FIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon