7

3 0 0
                                    

"SH*T!"

"V-Vance anong meron?" Si Lei na hanggang ngayon ay yakap pa rin ang umiiyak na si Shaira.

Tumingin lamang si Vance sa kanila. Hindi niya kayang ipaliwanag ang kanyang nasaksihan. At dahil hindi na siya nakapagsalita ay ang mga kasamahan na lang niya ang dumungaw para bigyang kasagutan ang kanilang mga tanong.

Sunod-sunod na hiyawan ang lumabas sa kanilang mga bibig. Pati si Alex na akala niya'y nawalan na ng boses ay sumigaw narin sa gulat. Kita niya doon ang bangkay ni Keith at Lalaine at nakapatong naman sa kanila ang bangkay ni Andra. Puno ito ng mga kalmot at puno rin ng dugo ang katawan. At ang mas kahindak-hindak ay ang posisyon ng kanilang mga ulo at katawan. Ang likod kasi ng mga bangkay ay nakaharap sa kanila samantala ang mga mukha nito'y nakaharap din sa kanila at kapan-pansin din ang dilat na dilat nilang mga mata pero puro puti nalang ang makikita.

"UMALIS NA TAYO PLEASE!!!!" Sigaw ni Shaira habang humagulhol na sa iyak.

"Guys! Walang mag-uunahan lahat kumapit sa isa't-isa!"

Utos ng kanyang Kuya Joe na agad naman nilang sinunod. Hawak-hawak ni Alex ang kamay ng kanyang Ate Lei, sa kanyang kanan naman ay ang kamay ni Shaira, tas kay Vance tyaka kay Renzo. Hawak naman ng kanyang Ate Lei ang isang kamay ng kanyang Kuya Joe na siyang mistulang leader nila.

Dahan-dahan silang naglakad palabas sa kwarto. Mahihigpit ang kanilang mga kapit na tila'y nakasalalay ang kanilang mga buhay sa isa't-isa. Nauna si Joe sa linya at siya narin ang gumagabay sa kanyang mga kasama. Medyo madilim ang kanilang tinatahak na hallway kaya mas lalo siyang nahihirapan sa paglalakad.

"Teka lang! Teka lang!" Tawag naman ni Renzo siya kasi ang nasa hulihan.

"Bakit?" Si Joe.

"Yung sintas ko pre aayusin ko lang"

"Sige-sige dalian mo."

Huminto na muna sila sa kakalakad pero nagtaka naman silang lahat nang makitang walang ginawa si Renzo kundi ang tumayo lang.

"Ano ba!" Galit na sabi ni Vance "Sintasan mo na yan! Ano pa bang hinihintay mo?! Pasko?!"

"Pare naman eh!"

"Sintasan mo na kasi yan! Bumitaw ka nga sakin!"

"Ayoko! Baka iwan nyo ko dito!"

Nasapo nalang ni Joe ang kanyang noo. Kahit kailan talaga napakakolokoy ng tropa niya. Nabawasan narin ng kahit kunti ang mabigat na tensyon na kanilang nararamdaman, at nagpapasalamat siya sa dalawang ugok na to.

BOOM!

Isang napakalakas na kalabog ang kanilang narinig dahilan upang sila'y magsitigil at titigan ang isa't-isa. Lahat sila'y nakaramdam ng paglambot ng mga paa. Ang mga mukha naman nila'y hindi na maipinta na para bang maiiyak sila ng wala sa oras.

BOOM!

"TAKBOOOOO!"

Sigaw ni Vance na siyang nauna sa pagtakbo. Pero sa kasamaang palad ay sa ibang direksyon ang kanilang takbo. Sina Vance, Renzo at Shaira ang magkasama at sina Alex at Lei naman pero si Joe ay mag-isa lamang.

Napamura si Joe sa pagkakahiwalay nila. Ngayon, ano na ang gagawin niya?

******

"Alex halika! Dito tayo dali!"

Utos ni Lei at lumiko sila sa isang sulok. Nakakatakot ang kanilang sitwasyon lalo na ang nilalang na humahabol sa kanila. Hindi kasi nila ito nakikita! Basta rinig at ramdam lang nila ang mga yabag ng mga paa sa kanilang mga likod pero pag sila nama'y dumungaw ay ni-isang anino ay wala silang makita.

Huminto na sila at laking pasalamat nila na nawala nalang na parang bula ang mga yabag. Para silang nabunotan ng tinik sa lalamunan at ngayon ay maginhawang humihinga na.

"Deadend?"

Narinig iyun ni Lei at dun nakita niya na deadend nga ito pero nakakapagtaka dahil imbes na pader ay malaking salamin ang kanilang kaharap. Kitang-kita nila ang kanilang mga kahabag-habag na kalagayan. Napangisi nalang siya sa kanilang itsura kinabig niya si Alex at umupo sila sa harap ng salamin.

"Alex may ibibigay ako sayo," sabi ni Lei at tinanggal ang kanyang bracelet. Matagal na niya itong balak ibigay kay Alex "Ginawa ko yan nung bago pa ako sa Maynila. Gusto ko talaga ibigay sayo ng personal kaya ngayon ko lang naibigay."

Masaya si Alex sa regalo ng kanyang Ate Lei. Tanda pa niya noon na kinu-kutyaw pa niya ito dahil simpleng bracelet lang ay di pa magawa. Tingin niya'y nasugatan niya ang ego nito kaya nagpursigi talagang matutu para patunayan sa kanya na kaya nga talaga niya.

"Salamat Ate Lei"

"Huwag mong wawalain yan ha?"

"Oo Ate promise!"

"Promise?"

"Promise nga."

CRAAAAAK!

Isang malakas na tunog ng pagbiyak ang narinig nilang dalawa dahilan upang sila'y mapatayo. Tinignan nila ang salamin at dun nila nakita ang napakaraming biyak at mas nakakabahala ay patuloy itong dumadami!

Nais na nilang tumakbo at makalayo subalit hindi nila maigalaw ang kanilang mga paa, na para bang may kung anong bagay ang nakahawak dito para pigilan silang tumakbo.

Napapikit si Alex pakiramdam niya'y biglang sasabog ang salamin at tiyak gutay-gutay ang kanilang mga katawan kapag mangyari iyun. Nagdasal nalang siya ng taimtim at inisip ang lahat ng masasayang bagay na nangyari sa kanya. Kung mamatay man siya ngayon ay manghihinayang talaga siya. Bukod sa siya'y bata pa ay marami pa siyang nais gawin kung sakaling makaalis sila dito. Pero kung ito na talaga ang huli ay wala na siyang magagawa kundi ang pasalamatan nalang ang lumikha sa mga alaala at humingi nalang din ng tawad sa kanyang mga pagkakasala.

Lumalakas na ang tunog ng pagbiyak dahilan upang mas ipikit pa niya ang kanyang mga mata. "Ito na," bulong ni Alex sa kanyang sarili ng tuluyan ng nabasag at sumabog ang salamin.

FIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon