4

3 0 0
                                    

Tumunog ang doorbell nila at agad ng tumayo si Joe para buksan ang pinto. Tumambad sa kanya ang isang delivery boy ng Jollibee hindi na kasi naisalba pa ang kanyang niluluto kaya nagpadeliver nalang sila.

Pagkatapos ay pumunta na siya sa kusina at inihain ang pagkain. Tinawag na niya ang dalawa na hanggang ngayon ay hindi parin nauubusan ng laway sa kakatalak. Napailing nalang siya, mga babae talaga.

"Magco-college kana sa susunod na pasukan, anong kukunin mong kurso Alex?"

"Gusto ko po sanang maging architect, Ate Lei."

Nahihiyang sagot ni Alex. Simula pa naman noong bata pa siya ay mahilig na siya sa mga buildings. Mas lumala pa ito dahil mahilig sa interior designing ang kanyang Ate Lei.

"Maganda yan!" Agad namang sabi ni Joe at tumatango pa si Lei "Maganda pala ang lahi niyo, mga alagad ng sining!"

Natawa sila sa sinabi ng kanyang Kuya Joe. Ngayon din kasi narealize ni Alex na may punto siya. Nasundan pa ng ibang topic ang kanilang usapan dahilan upang maging masigla ang kanilang hapunan.

"So Alex," biglang tawag ni Joe "next week pa naman ang kasal baka gusto mong sumama samin bukas, di ba Hon?"

"Ay! Oo nga Alex!" Excited naman na sabi ni Lei with matching hila pa sa balikat ni Alex "bukas kasi pupunta kami sa isang building yung sira na talaga tsaka aayusin namin ang loob para sa output namin sama ka alam kong magugustuhan mo yun"

"Sure!" Sagot ni Alex. Nung narinig niya ang mga salitang building, aayusin, sira hindi niya alam pero na'excite agad siya. Siguro ay passion niya talaga to.

"Good I'm sure you'll really enjoy it, Alex"

Pagsisigurado ng kanyang Kuya Joe sa kanya. Nagpatuloy ang kanilang mahabang gabi na puno ng halakhak at kwentuhan.

******

Maaga silang nagising na sa sobrang aga ay hindi pa tumitilaok ang mga manok ay nauna pa silang tirik na tirik na ang mga mata. Hindi naman siguro halata na excited talaga silang tatlo.

Saktong ala sais ng umaga ay umalis na sila ng bahay at hinintay na ang mga kasamahan ng kanyang Ate Lei at Kuya Joe. Nang dumating na sila ay agad itong nagpakilala kay Alex. Masaya ang dalaga dahil kwela pala ang mga ito, inakala niya kasing ma'o-OP talaga siya.

"Alex right? Pwede ba kitang tawaging Xandra para iba naman?"

Sabi nung lalaking nagngangalang Vance. Gwapo ito at maganda ang katawan pero halata namang playboy.

"Hoy tumigil ka Vance! Wag mong igaya si Alex sa mga babae mo!"

Sabat naman ng isang babae na nagngangalang Andra kasabay naman dun ang pagsang-ayon ni Keith, Lalaine at Shaira.

"Wag kang mag-alala Andra akala mo naman papayag si Lei dun tyak milyon-milyong kamao ang matatanggap niyan galing kay Joe!"

Tawa ng isang lalaking nagngangalang Renzo. Kulot ang kanyang mga buhok pero bagay ito sa kanya dahil na rin sa singkit nitong mga mata.

"Mga ulol! Nakikipag-kaibigan lang kaya ako!" Pagtatanggol ni Vance sa sarili "Wag kayong magbigay ng malisya! Ang lalaswa nyo!"

Napuno ng tawanan ang paligid. Dumating narin ang kanyang Kuya Joe at Ate Lei. Dumaan kasi sila sa mall para mamili ng gagamitin at iniwan siya nito sa mga kaibigan nila.

"Tama na yan pumunta na tayo dun" yaya ni Lei at sumakay na sila sa van.

******

Mahaba-haba ang byahe, na sa sobrang haba ay inabutan na sila ng tanghalian dahilan upang sa loob nalang sila ng sasakyan kumain. Double time daw kasi kaya ganun ang nangyari.

Pasado alas dose na ng sila'y nakarating. Namangha si Alex sa hubog ng gusali. Sobrang laki nito at kahit na luma at sira na ay mapapansin parin ang nakakabighaning desinyo.

"Ang ganda di ba Alex?"

Sabi ni Vance at inakbayan pa siya pero ang akbay na yun ay biglang nawala dahil biglang hinawi ng kanyang Kuya Joe ang braso ng binata tsaka nakatanggap pa ito ng matatalim na titig galing sa Ate Lei niya.

"Ayan na! Binakuran na, ang hina mo pre!"

Natatawang komento ni Keith. Binatokan naman siya ni Vance na natatawa narin. Hindi pa sila tuluyang pumasok sa gusali dahil nilalabas pa nila ang mga gagamitin. Si Alex naman ay hindi pinatulong ng kanyang Ate Lei kaya inobserbahan nalang niya ang paligid.

Napansin niya na wala itong kalapit na gusali kung meron man sobrang layo din ng mga ito. Nagsimula na siyang maglakad papalapit, gusto niya kasing mas matignan ito ng malapitan.

"No Entry?"

Mahinang basa niya sa maliit na kahoy na siyang nabalutan ng kinakalawang na kadena. Nagtaka si Alex kung paano sila makakapasok kung may nakalagay na ganyang signage. Hindi kaya illegal ang gagawin nila? Baka mapasubo sila at mapahamak.

"LIMAAAAAAAA!!!"

May biglang sumigaw na siyang sobrang ikinagulat ni Alex. Biglang may humatak sa kanya at nakita niya ang isang matandang babae. Nakakatakot ang mukha nito. Nanlilisik ang mata at sobrang baho pa.

"ANONG GINAGAWA NYO DITO?! UMALIS KAYO!!!!"

Sigaw ng matanda sa kanya na kahit ano mang gawin niya ay hindi siya nito binibitawan at mas lalo pa nitong hinihigpitan.

FIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon